Sizzi's Punch
Lint*k, late tuloy ako. Napakalayo naman kasi ng lugar na ‘to! Ano kayang pumasok sa utak ni Philip at dito pa pumunta?
Ayan tuloy, pagkarating ko, bugbog-sarado na siya! At grupo pa ng hinayupak na Therence na ito ang kalaban namin!
“Hindi ko inaasahang ikaw pala 'yong babaeng member nila, Sizzi.” Hindi ko alam kung amazed ba si Therence o ano.
“Maano.” Nakapoker face kong sabi.
(A/N: Maano = eh ano. Expression dito sa amin na katumbas ng 'Pakialam ko?')“Chill lang Sizzi, masyado namang mainit ang ulo mo eh.” Nakakalokong sabi ni Therence.
“F*ck! Manahimik ka na nga lang! Lalaban ka ba o dadaldal ka lang?!” Naiinis kong sabi.
Nakakairita talaga kahit kailan ang hinayupak na ito.
“Hindi ako lumalaban sa babae Sizzi.” Mahinahong sabi niya.
“Oh." Kunwaring amazed kong sabi. "So the FAMOUS Therence Lloyd Morales is a COWARD huh?” Nakangisi ako at ipinagdiinan pa ang mga salitang famous at coward.
“Nah, I’m not coward but true men don’t hit girls.” Natatawa niyang sabi.
Tang*na, nagpapaka-gentleman ba ang isang ‘to?
“Tss, let me remind you Mr. Morales that a group fight is a group fight. So whatever my gender is, you’ll fight with me.”
“Paano kung ayoko?” Sabi ni Therence na may ngiting nakakaloko.
“Tang*na! Talaga bang ginagalit mo ako ha?” Sigaw ko sa kanya.
Lint*k! Mapupuno na ako sa lalaking ito!
“Kung 'yan ang—“
“Manahimik ka na pwede ba?” Putol ko sa sasabihin niya at sinugod siya.
Nakailag naman siya sa suntok ko. At lalo akong nairita dahil nakangisi pa ang hinayupak na ito! Bwisit!
“Bagal mo naman.” Pang-aasar ni hinayupak.
“Manahimik ka!” Sigaw ko sabay sipa sa tiyan niya.
Pero medyo nakaatras siya kaya hindi masyadong malakas 'yong pagkakatama. Kita ko namang susugurin na ni Darren (kagrupo ko) si Therence.
“Laban namin itong dalawa kaya huwag kayong makialam!” Sita ko sa mga kagrupo ko.
Napaurong naman agad 'yong mga kagrupo ko. Mabuti naman, kundi sila ang bubugbugin ko.
“Sigurado ka bang kaya mo ako ng mag-isa?” Nakangising sabi ni Therence.
“Hinayupak na mayabang, bagay." Nakangisi ko ring sabi. "Huwag na huwag mo akong mamaliitin Mr. Morales, kaya kong patunayan ang expect the unexpected.”
“Oh? Talaga?” Sinabi 'yon ni Therence sa parang nanlolokong na tono na may kasama pang ngiting nakakaloko.
Napangisi na lang din ako. Yabang talaga ng isang ito. Ano, magkano? 'Pag nasuntok ko sa mukha ang isang ito, bigyan n'yo ako ng limang libo :D
Sinugod ko ulit si Therence. Puro ilag lang ginagawa niya. Talagang hindi nalaban ah? Tsss.
Patuloy lang ako sa pagsuntok sa kanya hanggang sa nasalag niya 'yong suntok ko. 'Yon bang nakahawak siya sa kamao ko. Tang*na, bakit may kuryente?
“Nasaan na 'yong expect the unexpected mo Ms. Delos Reyes?” Nang-aasar niyang sabi.
“Ah, 'yon ba?” Tanong ko. "Eto oh." Nag-smirk ako.
Bigla siyang napabitaw ng hawak sa kamay ko kasi nasuntok ko siya sa mukha, kung saan ko siya nasuntok kanina pagkarating ko. Hoho! Nasaan na 'yong limang libo ko?
Napasupla naman siya ng dugo. “Unexpected nga." Bigla siyang ngumiti pero hindi ko alam kung nakakaloko o hindi ang ngiting 'yon. "Hanggang dito na lang muna siguro.”
Napataas naman ang isang kilay ko. “Anong hanggang dito na lang muna? We’re not yet finished!”
“Marami pang next time Sizzi. Pero let me tell you na...” bigla siyang lumapit sa’kin at bumulong sa tenga ko, “You amazed me a lot.”
Goosebumps. Ang weird no'ng pakiramdam ko no'ng bumulong siya. Pero hindi ko pinahalata.
“Siguraduhin mo lang na lalaban ka na sa’kin Mr. Morales.” Nasabi ko na lang.
Ngumiti lang siya sa’kin at nagsimula nang maglakad kasama ang mga kagrupo niya. pero bigla siyang huminto at lumingon ulit sa’kin.
“Hindi rin!” Tumatawang sabi niya.
Aba’t— siya na yata ang pinakahinayupak sa lahat ng hinayupak.
Nagsimula na ulit silang maglakad. Ako naman, sinusundan lang sila ng tingin.
Napatawa ako ng konti habang umiiling. Ibang klase talaga ang taong 'yon.
=====
Sabi ko sa inyo huwag kayong mag-expect sa laban nila eh. Haha!

BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
RomanceIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?