Sizzi's Punch
Nakalagay lang ang dalawang kamay ko sa bulsa ko habang naglalakad. Wala akong balak pumunta sa group fight ngayon. Tinatamad ako.
Nag-uuli ako ngayon. Ewan ko ba. Gusto kong mag-isip-isip.
Mag-isip tungkol saan?
Hayup talaga 'tong konsensya ko eh. Sarap pasabugin.
Hindi ko rin alam kung bakit ba ako nag-uuli para mag-isip-isip. Eh wala naman akong iisipin.
Yung pagiging tahimik at pag-iwas ni Therence sa'yo kamo.
Argh. Pigilan n'yo ako. Gusto kong hambalusin itong utak ko.
Eh ano naman kung ang tahimik ni hinayupak? Eh ano naman kung iniiwasan niya ako? At lalong eh ano naman ang pakialam ko sa kanya?
Kung gusto niyang maging tahimik, eh 'di maging tahimik siya forever! Kung gusto niya akong iwasan, eh 'di iwasan niya ako forever! Wala akong pakialam!
"Aish!" Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis.
Ano bang ipinuputok ng butsi ko?
Hindi lang ako sanay na ang tahimik niya. Hindi ako sanay na walang nambibwisit sa akin. Hindi ako sanay na hindi siya naghahangin.
Oh, masaya na kayo? Masaya na kayo?
Ano ba kasing problema ng hinayupak na 'yon? Alam na nina Rica ang problema niya, pero hindi nila sinasabi sa akin.
"Find it on your own." 'Yan lagi ang isinasagot nina Rica sa akin kapag nagtatanong ako.
Find it on my own? Bahala siya sa buhay niya. Magpaka-emo ba siya ah.
Sinipa ko ng malakas 'yong batong nasa harap ko sa inis. Nakakaasar!
Hindi naman ako ganito dati ah! Wala akong pakialam kahit na tahimik ba siya o maingay dati.
Pero bakit ako nagkakaganito ngayon?
May nakita akong lata sa harapan ko kaya sinipa ko ito ng malakas.
And unfortunately...
mayroong natamaan nito.
"Aray!" Reklamo no'ng lalaki sabay lingon sa gawi ko.
Putspa. Members sila ng group fight.
Kahit ako na 'yong lumalayo sa gulo, talagang 'yong gulo ang lumalapit sa akin.
"Aba, miss. Kung may galit ka sa mundo, huwag mo akong idamay." Nakangising sabi no'ng lalaking tinamaan no'ng latang sinipa ko.
Bakit ba napakaraming mas pangit pa sa unggoy ngayon?
"Kasalanan ko bang ikaw ang tatamaan no'ng sinipa kong lata? Kung masyado kang matalino, umilag ka sana no'ng tatamaan ka ng lata."
Nakakabanas ang taong ito ah? Mas pangit na nga sa unggoy, tanga pa.
"Aba't— Akala mo ba hindi ako pumapatol sa babae?" Pikon niyang sabi.
"Wala akong pakialam dahil hindi ko naman tinatanong." Bored kong sabi.
Ngumisi 'yong isang mas pangit pa sa unggoy na katabi nung natamaan ko ng lata. "Pwede bang ako muna ang mauna pare? Saka na lang kayo 'pag tapos na ako."
Tumaas ang isang kilay ko. "Gusto mong ikaw ang maunang mabasag ang mukha?"
Tumawa 'yong mga lalaking mas pangit pa sa unggoy. May sinabi ba akong nakakatawa?

BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
RomanceIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?