Fight #37: Meet the Parents!

88 1 0
                                    

Sizzi's Punch

"Bibigyan kita ng isang segundo para ibalik mo sa akin 'yan." Banta ko kay hinayupak.

"Para titingnan lang eh." Sabi ni hinayupak at bubuklatin na ang sketch pad ko.

"Isa!" Sigaw ko at sinubukan siyang habulin pero nakatakbo agad siya.

Nandito kami sa condo at kasalukuyang naghahabulan dahil ang walanghiyang hinayupak na ito ay kinuha na lang basta ang sketch pad ko.

Eh parang diary ko na 'yon eh! Sa pamamagitan nga lang ng drawing.

"Hinayupak naman eh! Gusto mo bang gibain ko itong condo mo?"
(A/N: Gibain = sirain)

"Bakit ba ayaw mong ipakita ang laman nito? Drawing elementary ba ang mga drawing mo rito?" Sabi nito habang winawagayway ang sketch pad ko.

"Basta ibigay mo na sa akin 'yan! 'Pag talagang inabutan kita, mapapatay kita."

"Weh? Kaya mo?"

"Bakit naman hindi?" Sabi ko at hinabol ulit siya.

Ish! Bwisit!

"Kapag hindi mo binigay sa akin ang sketch pad ko, tatalon ako sa bintana!" Banta ko.

Nanlaki ang mata nito pagkatapos ay natawa. "Kaya mo?"

Aba't--- talagang sinusubukan ako ng hinayupak na ito ah!

Pairap at padabog akong pumunta sa bintana at binuksan 'yon.

"O-oy! Sizzi! Seryoso?" Rinig ko ang mga yabag ni hinayupak na palapit sa akin.

Napangisi ako saka sumampa sa bintana na parang ready na nga akong tumalon.
(A/N: Sumampa = tumapak)

"Ahhh!" Tili ko.

Paano ba naman kasi, bigla akong hinigit kaya natumba kami!

Nanlaki ang mata ko sa pwesto namin.

Nakahiga kami sa sahig at nasa ibabaw niya ako.

P*tang*na.

Nanlaki rin naman ang mata ni hinayupak tapos ay ngumisi.

Nasa gano'ng pwesto kami no'ng biglang bumukas ang pinto!

"Mom, Dad?"

"Mama, Papa?"

Sabay pa kami ni hinayupak n'yan.

Nanlalaki rin ang mga mata nila. Mga ilang segundo kaming magkakatitigan saka ako dali-daling tumayo.

"M-Mama! Papa! A-anong ginagawa n'yo rito?" Natataranta kong sabi.

"Ikaw dapat Sizzily ang tinatanong ko n'yan. Anong ginagawa mo sa condo ni Therence?" Tanong ni Mama na mukhang nahimasmasan na.

"Therence! Kailan pa kayo nagsama sa iisang condo?" Tanong ng mama ni hinayupak.

"N-no'ng ano po---"

"Buntis ka ba, Sizzily?" Biglang tanong ni Mama.

"MAMA!" Kamuntikan na akong matumba sa gulat dahil sa sinabi ni Mama.

Anong klaseng utak ba mayroon ang nanay ko?

"We need an explanation for this." Seryosong sabi ng papa ni hinayupak.

***

Hindi ako mapakali sa upuan ko. Magkatabi kami ni hinayupak tapos nasa tapat namin ang mga magulang namin.

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon