Sizzi's Punch
Nandito ako sa ospital ngayon kung saan naka-confine si Philip. Gusto raw niya akong makausap eh. Pagbigyan na.
"Bakit?" Bungad ko sa kanya pagkabukas ko pa lang ng pinto ng room niya.
"May sasabihin lang akong importante." Kalmado niyang sabi.
"Ano 'yon?" Sabi ko pagkaupo ko sa upuan na nasa gilid ng kama niya.
"Ikaw na ang papalit sa'kin bilang leader Sizzi." Direktang sabi ni Philip.
Napatingin naman ako bigla kay Philip na may nanlalaking mata. Hindi nga? Seryoso?
"Seryoso ka?" Gulat kong sabi.
"Nakikinig naman lagi sila sa'yo 'di ba? Kahit nga ako ina-under mo eh." Medyo natawa siya. "Kaya ikaw ang naisip kong pumalit sa'kin habang nagpapagaling ako."
"Bakit hindi na lang si Kuya Kysler? Mas matanda sa'kin 'yong iba nating kagrupo kaya sila na lang."
Sa katunayan, kaming dalawa ni Philip ang pinakabata sa grupo namin. Lahat kasi 4th year high school na, kami lang ang 3rd year.
"Asa ka pa sa lalaking 'yon, mas deserve mo ang posisyong 'yon Sizzi."
"Err, hmm, sige, kung 'yan ang gusto mo." Medyo ilang kong sabi. "Kailan ka raw ba gagaling?"
"Three to four months pa."
"Tagal naman, 'pag gumaling ka na, ikaw na ulit ang leader."
"Nope, nag-quit na ako."
Nagulat naman ako. "Eh? Bakit?"
"Personal reasons, basta. Ingatan mo 'yong grupo Sizzi." Bilin niya sa'kin.
"Hala naman. Bakit nga?" Pangungulit ko.
Medyo malungkot ako kasi kahit papaano naging close din kami ni Philip. Kahit na naiinis ako minsan kasi hindi niya ako pinapalaban 'pag may group fight. Parang props lang tuloy ang role ko sa grupo.
"Personal reasons nga, huwag ka nang makulit." Natatawang sabi niya.
Nanahimik kami sandali bago nagsalita ulit si Philip.
"Sa America nga pala ako magpapagaling."
"Namo, nag-quit ka na nga, magpapakalayo ka pa." Puna ko.
"Maghahanda na rin kasi ako sa revenge ko sa f*cking annoying na Therence na 'yon. Mali siya ng kinaharap."
Napatingin ako kay Philip. Kapag kasi nagbitaw ng salita 'yan, talagang gagawin niya. Anong klaseng revenge kaya ang gagawin niya?
"Just always remember that..." Medyo nag-pause si Philip. "I love you Sizzi."
Did he just confessed his feelings for me? Hala? Anong sasabihin ko?
"Err... a-ano... k-kasi... eh 'di ba..." Ilang na ilang kong sabi. "Err....ano bang dapat kong isagot?"
Pasensya naman, ngayon LANG may nag-confess sa'kin sa tanang buhay ko. Aba, malay ko bang may nagmamahal din pala sa'kin? Himala 'di ba? Sira-ulo ata si Philip, daming-daming babae ako pa napili. Wala siyang taste.
Natawa naman ng konti si Philip. "I don't need an answer Sizzi. I love you is a statement, not a question. Response ang kailangan ko. Pero alam ko naman na kaibigan lang ang turing mo sa'kin so tanggap ko naman. Hayaan mo na lang akong mahalin ka."

BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
RomansaIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?