Fight #9: NO WAY!

154 6 7
                                    

Dedicated sa kanya dahil hindi ko akalain na may nagbabasa pa pala nitong istoryang ito. Sana magustuhan mo, ninyong makakabasa nito, kung meron man.

=====

Sizzi's Punch

"A.YO.KO." Mariing sabi ko sa kanila.

"Pero Ms. Sizzi—"

"Kung gusto n'yong makisali sa grupo nila then leave this group. Bakit ba gusto n'yong magsama ang grupo natin at grupo nila Therence? Of all groups, sa kanila pa talaga!" Sigaw ko sa mga kagrupo ko.

Nakakainis na kasi. Bakit ba gustung-gusto nila sa grupo ng hinayupak na 'yon? P*ta, sabihin lang nila kung ayaw nila sa pamumuno ko at tatanggalin ko sila.

Lagi kasi nila akong kinukulit na kung pwede eh maging isa na lang 'yong grupo namin at grupo ng hinayupak na 'yon. No way! Talagang no way in hell!

"Naisip lang naman po namin na mas magiging maganda kung magiging isang grupo na lang po tayo nina Therence." Paliwanag ni Jet.

Naningkit ang mata ko. "And you're expecting me to agree with that bullsh*t just because of your lame reason?"

Wala nang nagsalita sa kanila. Kitang-kita naman nilang galit ako eh, kaya tahimik sila ng ganyan.

At hindi ko alam kung ano ang nakain nila at pumasok sa isip nila na makipag-merge sa grupo ng hinayupak na 'yon. Marami namang ibang grupo, do'n pa talaga!

"Sizzi." Kalmadong tawag sa'kin ni Kuya Kysler. "Therence already agreed about the merging of our groups."

Gulat na napatingin ako kay Kuya Kysler. "What? At sino ang kumausap sa kanya?" Tiningnan ko sila isa-isa. "You're making decisions without informing me?!" Nagulo ko ang buhok ko. "Eh kung gano'n din naman pala ang gusto n'yo eh 'di magku-quit na ako bilang leader! P*tang*na! Para saan pa at naging leader ako kung kayo rin naman pala ang gagawa ng desisyon?"

Lahat sila ay napayuko. Wala ni isang nagsasalita. Nakakagalit naman kasi talaga. Ikaw 'yong leader tapos gumagawa sila ng mga desisyon at hindi mo 'yon alam? Eh 'di sana hindi na lang ako naging leader! Tang*na!

"Yo! Bakit ang tahimik?"

Napalingon ako sa direksyon kung saan galing ang boses na 'yon. Nandito ang grupo ni hinayupak! Lalong nadagdagan ang init ng ulo ko.

"What the heck are you doing here?" Sigaw ko sa kanila.

Kumunot ang noo ni Therence. "Nag-merge na ang grupo natin 'di ba? Kaya kami nandito."

"Pumayag ba ako? Hindi 'di ba? So leave!" Itinuro ko pa ang daan paalis.

"Ano bang problema mo? Magme-merge lang naman ang grupo natin ah? Ayaw mo no'n? We will be the strongest group in group fighting." Parang wala lang na sabi ni Therence.

"Pakialam ko?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Kung hindi kayo aalis, ako na lang ang aalis! Tutal gustung-gusto ng mga hayup na 'yan na makipag-merge sa inyo!" Nagdadabog akong lumakad paalis.

Nakakailang hakbang pa lang ako no'ng hinawakan ni Therence ang pulsuhan ko para pigilan ako sa pag-alis. Takte. May kuryente na naman! Nawawalang anak ata 'to ni Volta at lagi na lang akong kinukuryente!

"Pwede natin itong pag-usapan ng maayos. Kung ayaw mo namang mag-merge ang grupo natin, ayos lang. You don't have to walk out." Mahinahong sabi niya.

Marahas kong binawi ang kamay ko. "Mainit ang ulo ko dahil sa mga lint*k na 'yan!" Tinapunan ko ng masamang tingin ang mga kagrupo ko. "Dahil ikaw ang gusto nilang maging leader! Fine! Aalis na ako!"

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon