Third Person's Punch
Nang marinig pa lang ni Therence ang boses na iyon ay agad na niyang hinila papunta sa likuran niya si Sizzi.
Hindi na siya nagulat na makita ang taong ito.
Alam naman kasi talaga niyang babalik ito upang maghiganti sa ginawa niya dati rito.
But there's no way na makukuha niya si Sizzi. Sabi ni Therence sa sarili.
"Well? Long time no see?" Nakaplaster ang ngiti sa mukha ni Philip noong sabihin niya iyon.
Humigpit ang hawak ni Sizzi sa braso ni Therence. Sa hindi niya malamang dahilan ay nakaramdam siya ng takot.
May iba sa presensya ni Philip.
"Hindi na ako nagulat na naging malapit kayo sa isa't isa." Dagdag pa ni Philip. "Mahaba-habang panahon din ang three months."
Pakiramdam ni Sizzi ay isang demonyo ang nasa harapan niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang takbo ng isip niya. Para kasing kahit anong oras ay kaya ni Philip na patayin sila ni Therence kahit tirik na tirik ang araw.
Noong huling makita ito ni Sizzi ay nakahiga ito sa hospital bed, punung-puno ng pinsala sa katawan. Ngunit ngayon ay parang walang nangyaring masklap dito.
Inilagay ni Philip ang kamay niya sa bulsa. "Hindi n'yo man lang ba ako kakamustahin?"
Nagtagis ng bagang si Therence. Gusto niyang gawin ulit dito ang ginawa niya tatlong buwan na ang nakakalipas.
"What do you need?" Tanong ni Therence dito.
Tumawa si Philip, sarkastikong tawa. "Nangangamusta lang ako. Masama ba 'yon?"
Walang emosyon lang na tumingin si Therence dito.
"It hurts na hindi n'yo man lang ako na-miss." Madramang pahayag ni Philip. "But it's nice to see you again." Nakangising sabi nito bago tumalikod upang humakbang paalis.
Nanatiling nakatingin lang si Therence habang naglalakad ito.
Biglang humarap ulit sa kanila si Philip. "Just be careful always." Sabi nito saka nagpatuloy na ulit sa paglalakad.
Noong mawala na sa paningin nila si Philip ay saka lang nakahinga ng maluwag si Sizzi. Kung hindi siya nakakapit kay Therence ay paniguradong natumba na sana siya.
"Are you okay, sweetheart?" Tanong ni Therence.
"I-- I don't know." Umiiling na sabi ni Sizzi.
Hindi niya talaga alam kung ayos ba siya o hindi. Sobrang kinakabahan siya sa mga posibleng gawin ni Philip.
"You want to go back to school?" Tanong ni Therence kay Sizzi habang inaalalayan ito.
Umiling si Sizzi.
"Can you walk?"
"Why not? Hindi ako baldado." Pabalang na sabi ni Sizzi.
(A/N: Pabalang = Sarkastiko. Wait, parang nasabi ko na 'to.)Napatawa ng mahina si Therence. "Mukha ka kasing hihimatayin kanina. Are you sure you're fine?"
"Isang tanong pa, itatalang na kita sa gubatan."
(A/N: Itatalang = ihahagis)Tumawa ulit ng mahina si Therence. Nagsimula na silang maglakad-lakad.
Hindi nila ramdam ang init ng araw dahil sa malamig na simoy ng hangin. Malapit na kasi ang buwan ng Disyembre at talagang taglamig na.
Tahimik lang sila habang naglalakad.
Pero pakiramdam ni Sizzi ay kontento na siya. Napahinga siya ng maluwag dahil nawala na ang takot niya.
Alam niyang ligtas siya kapag kasama niya si Therence.
Ngunit nandoon pa rin ang pamilyar na kaba kapag malapit si Therence sa kanya.
Napailing siya. Nasisiraan na ata siya ng bait. Pakiramdam niya ay ligtas siya tapos kinakabahan? Ano ba naman 'yon?
"What's wrong?" Tanong ni Therence. Napansin pala nito ang ginawa niyang pag-iling.
"Wala."
Iniisip kaya niya si Philip? Tanong ni Therence sa sarili.
Napatiim-bagang si Therence sa naisip. Sana hindi. Alam niyang kahit papaano ay naging magkaibigan ito. Hindi lingid sa kaalaman niyang mahal ni Philip si Sizzi.
Dahil 'yon naman ang dahilan kung bakit pumayag si Philip na sumali si Sizzi sa grupo nito.
Ngayong nagbalik na si Philip, kailangan niyang ingatan lalo si Sizzi.
Nitong mga nakaraang araw ay napansin ni Therence ang pagdistansya sa kanila ni Sizzi. Hindi man nito sabihin ay alam niyang may gumugulo sa isip nito.
Madalas niyang makita si Sizzi na pabalik-balik ang tingin sa bintana. Para bang may hinahanap ito.
Biglang kinabahan si Therence. Hindi kaya sinusubaybayan pa rin ng Breakers si Sizzi?
Napakuyom ang dalawang kamay ni Therence. Malaman lang talaga niya kung sino ang pinuno ng hayup na Breakers na iyon ay hindi siya magdadalawang isip na bugbugin ito.
=====
Semi-edited.

BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
RomantikIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?