JASMINE'S POV:
Nasa korea ako ngayon dahil dito muna ako pansamantala dahil sa nangyari saakin na hanggang ngayon ay sariwa parin saakin ang mga nangyari.FLASHBACK:
Excited ako ngayon dahil 2nd anniversary namin ni KENT sya ang first boyfriend ko at sya lang ang nakagawa na baguhin ako dahil ayaw ako lapitan ng mga classmates namin.Ano kaya ang magandang suotin? Ito nlang Red Backless dress para maganda tutal maputi naman ako ehh
After a few minutes*
Kent (baby) calling:
Hello baby? I'm sorry hindi kita masusundo ngayon ah papahatid nlang kita sa bestfriend mo na si Raze kung ok lang sayo sorry tlaga baby ah msg me kapag nandito kana ok? I Love You😘😘
End Call*
Haayyssttt ok lang hindi na ko magpapahatid kay raze baka busy din yung kumag na yun eh mag taxi nlang ako
after 20 minutes*
Nandito na ako sa lugar kung saan kami magkikita ni kent, asan na kaya yun? Ma text nga muna.
To kent (baby):
Baby where are u? Nandito na ako maglalakad lakad muna ako dito ang ganda kasi ng view eh msg ka kaagad if nandito kana I Love You❤️Naglalakad lakad ako ngayon hanggang sa may nakita akong dalawang anino sa may garden hindi maganda ang kutob ko dito kaya pinuntahan ko.
At yung nakita ko na nang tuluyan ang anino nila parang gusto kong magsisi na lumapit pa ako para tignan dahil nasa harap ko lamang ngayon ang taong mahal ko na may kayakap na babae.
Pagkalas ng babae napatingin sya sa dereksyon ko at ngumisi saakin sabay halik sa taong mahal ko na ikinalaki ng mata ko.Unti unti akong nanlumo dahil sa naging pagtugon ng taong mahal ko sa babaeng bruha na ito. Sunod sunod ang pagpatak ng aking luha dahil doon kaya tumakbo ako paalis pero nahuli ako ni kent at hinabol.
"Jas saglit lang." sabi nya sabay hablot sa braso ko patuloy parin sa pagpatak ng mga luha ko.
"Hindi ko sinasadya na tumugon sakanya jas maniwala ka saakin pls." Pakiusap nya pero hindi ako naniniwala dahil nung minsan na nasa bahay sya at kapag tulog sya may kachat sya palaging babae.
Umiling ako sakanya sabay sampal sa mukha nya.
"yan pala ang babae na kachat mo palagi at may picture sa cp mo ayos ka rin eh noh? Pinagsabay mo kaming dalawa manglokoko ka!!" Sabi ko sakanya at muli syang sinampal ng todo lakas parang 360° dahilan ng pagtumba nya at pagdugo ng nguso nya.
"Itong tatandaan mo kent sa oras na magkita ulit tayo sisiguraduhin ko na makakaganti ako sayo dahil sa pangloloko na ginawa mo saakin!!!" Huling sinabi ko sakanya sabay takbo at alis hindi ko pinansin ang sakit ng paa ko dahil naka heels ako habang tumatakbo papunta sa bahay ng namin ng kaibigan ko.
Nagkulong ako ng 2 buong linggo sa kwarto ko at walang ibang ginawa kundi ang uminom ng alak at umiyak gabi gabi hindi rin ako kumakain kahit anong katok man ang gawin ng mga kaibigan ko.
Pagkalipas ng 2 linggo nagpasya akong magbakasyon kasama ang mga kaibigan ko sa korea para makalimot sa lahat ng sakit na dulot nya saakin.
END OF FLASHBACK*
BINABASA MO ANG
ONLY GIRL IN SECTION DEMON
Random"Every human walks around with a certain kind of sadness. They may not wear it on their sleeves, but it's there if you look deep.Pain changes people, it makes them trust less, overthink more, and shut people out." - Jasmine Jade Valdez Start- Januar...