Jasmine's pov:
Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
"Jas! Bangon kana baka malate tayo."rinig kong sabi ni crystal.
"K."simpleng sagot ko sakanya.
Narinig ko namang bumaba na sya kaya bumangon na ako kaagad at ginawa ang morning routine's ko.
Naligo at nagbihis na din ako,hinayaan kong nakalugay ang buhok ko,naglagay lang ako ng konting lip gloss para hindi ako magmukhang patay tsk.
Pagkatapos kinuha kona ang bag ko,patin din ang loptop ko may importante kasi akong gagawin.
Agad akong bumaba pagkatapos kong kunin ang gamit ko.
Naabutan ko namang kumakain sila,pero wala akong ganang kumain ngayon kaya kumuha nalang ako ng 2 apple.
"Hindi kaba kakain kahit konti jas?"tanong ni nicole
Umiling lang ako sakanya at hinayaan nalang nila ako.
Pumunta nalang ako sa sala,dito ko nalang sila hihintayin.
Kung titignan ako ngayon parang wala akong pinoproblema at hindi ako apektado sa ginawa ni blake saakin.
Kailangan kong magpakatatag dahil madaming tao ang nakasalalay dito.
Kahit gustuhin ko mang magkulong sa kwarto ko katulad ng ginawa ko dati,ay hindi maaari,isusubsob ko nalang ang sarili ko sa trabaho ko.
Maya-maya lang ay tapos na silang kumain kaya agad na kaming lumabas sa dorm.
"Jas may balita naba?"tanong ni nikkie sakin.
"Isesend saakin nila xandra ang mga nahanap nilang impormasyon mamaya,tatawagan ko nalang kayo mamaya."sabi ko sakanila.
Tumango lang sila saakin,naghiwahiwalay na kami agad para pumunta sa kaya-kanyang classroom namin.
Pagpasok ko kumpleto na silang lahat,nagiwasan sila ng tingin saakin nung tinignan ko sila.
Akala siguro nila galit ako sakanila dahil sa ginawa nila,hindi naman ako galit medyo nainis lang pero hanggang dun lang yon,parang mga kapatid na ang turing ko sakanilang lahat.
Hindi ko nalang muna pinansin at umupo na ako agad sa upuan ko,sakto namang may teacher na pumasok.
"Hello eveyone,wala munang papasok na teachers ngayon dahil merong urgent meeting,dito lang kayo sa room nyo at wag na wag lalabas kung hindi naman importante ok? Maraming salamat."sabi ng teacher.
Pagkatapos nyang sabihin iyon agad naman syang umalis sa room namin.
Tutal wala namang teacher na papasok saamin,kinuha ko nalang ang loptop ko at binuksan.
Gagawin ko nalang ang trabaho ko ngayon,kailangan kong gawin ito napaka importante nito.
Pagkatapos kong buksan tinignan ko ang G-mail ko kung napadala naba ni xandra at nakita kong napadala na nya.
Hindi naman nagiingay ang mga kaklase ko ,sinulyapan ko muna silang lahat at nakita kong nagbubulungan sila,yung iba tumitingin saakin.
Binalik ko na kaagad ang mata ko sa loptop ko at binuksan ang G-mail na pinadala ni xandra.
Tutok na tutok ako sa loptop ko habang binabasa ang G-mail nya,napatuwid ako ng upo ng mabasa ko ang mga posibilidad na kalaban ko.
Nakalagay kasi ang pangalan ni Kent sa letter K,at pangalan nung jenny at jennifer sa letter J.
BINABASA MO ANG
ONLY GIRL IN SECTION DEMON
Aléatoire"Every human walks around with a certain kind of sadness. They may not wear it on their sleeves, but it's there if you look deep.Pain changes people, it makes them trust less, overthink more, and shut people out." - Jasmine Jade Valdez Start- Januar...