Part 34

908 32 8
                                    

Jasmine's pov:

1 week nalang bago ang intramurals kaya todo practice na kami.

Nakumpleto na namin yung steps sa dance competition pati yung sa cheerdance din.

Yung sa banda naman medyo hindi kasi masyadong mataas ang mga nota pero nagawa naman namin ng maayos.

Sa volleyball naman ok na din ang team at yung sa archery ko ok na yun sanay naman akong gumamit ng mga armas.

Sa cooking competition naman kailangan ko lang magluto ng 5 dishes .

And about dun sa modelling competition naman ok na din aayusin nalang namin nila nikkie ang costumes ko and excited na din daw sila kasi si raze ang partner ko.

Andito ako ngayon sa mall kasama sila nikkie bibili na daw kasi kami ng costumes ko.

"Jas dun nalang tayo oh tingin ko magaganda mga dress nila doon."sabi ni crystal sabay hatak saakin tsk.

Pagpasok namin dito sa hindi kalakihang botique napatingin saamin kaagad yung baklang manager ata nila?

"Kyahh!! Meron na din sawakas na costumers ahihi."tili nito saamin.

"Anong gusto nyong mga dress bebe's bibigyan ko kayo ng malaking discount ahihi."sabi pa nito.

"Uhm kasali po kasi itong kaibigan namin sa modelling competition and need nya ng mga dresses ano sa tingin mong bagay sakanya?"sabi ni khate.

"Hmmm. Saktong-sakto pala kayo dahil meron akong kakatahi lang na gowns and dresses anong attire ba ang kailangan sa competition mo bebe?"tanong nito saakin.

"Sabi nila meron daw long gown,simple dress,swim wear,sexy dress,and sports wear competition."sabi ko

"OMG!! Tara sama kayo saakin papakita ko sainyo yung mga dresses ko na kakatahi lang."sabi nito sabay hatak saakin.

Seriously?? Bakit ang hilig nilang manghatak? Tsk.

Pagpasok namin mas madami pang mga dresses dito and andito din yung mga dress na kailangan ko.

"Sakto jas nandito pala lahat ng kailangan mong dresses eh."sabi ni ashley.

"Here oh ito bagay toh sayo para sa simple dress competition mo."sabi nito sabay abot saakin ng dress.

Isa itong simple black spaghetti dress na above the knee pero merong black flowers sa may dibdib ng dress.

"Isukat mo na jas,kakatahi lang daw nya yan."sabi nila.

Pumasok naman ako duon sa fitting room nila at sinukat ang dress.

Kitang-kita ang makinis at maputi kong balat at ang colar bone ko dito sa damit pero comportable naman ako dito dahil cotton sya at hindi makati.

Paglabas ko nakanganga silang nakatingin saakin?

"Pangit ba?"tanong ko.

"Omoo,ang ganda bagay na bagay sayo bebe sure ball na ikaw na ang panalo kyahh!!!"tilian nila pati yung bakla.

"Sge ito nalang kukunin ko para sa simple dress competition."sabi ko

"Asan dito yung mga long gowns mo?"tanong ko sakanya.

"Ayyy bebe ito oh,bagay toh sayo hihi."sabi nya.

Kinuha ko naman ang long gown sakanya,ito ay black fitted tube dress na may mga glitters at medyo mababa ang likod nito.

Pumasok na ulit ako sa fitting room at sinuot ang dress.

Medyo naiilang ako dahil mas expose ang balat ko dito at fitted sya kaya bakat na bakat ang curves ko pero bagay sya sa katawan ko.

ONLY GIRL IN SECTION DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon