Part 73

530 13 1
                                    

Blake's pov:

"Babe ano ba pansinin mo naman ako please?"puppy eyes na sabi ni jennifer.

Kahit anong gawin nyang pagpapacute walang effect sakin yun kasi naiinis ako sa pagmumukha nya.

"Can you fucking stay away from me?! Wala dito ang parents ko kaya stop acting it's disgusting."sabi ko sakanya sabay balibag ng kamay nya paalis sa braso ko.

Agad akong umalis dun at iniwan syang nagpapapadyak ng paa nya tsk.

Kung hindi lang sana ako kinontrol ni daddy ULIT hindi ko sana toh gagawin.

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa garden.

Umupo ako sa ilalim ng puno at tumingin sa langit.

Nasaan kana ba? Alam mo bang miss na miss na kita? Lahat kami biglang nagbago simula nung umalis ka.

I miss your smell,your hugs,your touches and the way you smile to me that day.

I love every inch of you,i really damn missed you.

Kung alam ko lang sana kung nasaan ka ngayon kanina pa sana kita pinuntahan.

Sobrang nagaalala kami sayo,iniisip namin kung nasa maayos kabang lugar or kalagayan.

Pati ang masayahing si riel nawalan na din ng ganang mag patawa palagi at mangulit.

Bumalik kaming lahat sa pakikipag basagulo,walang pakealam sa paligid,inshort bumalik kami sa pagiging demonyo.

Sana bumalik kana saamin,saakin sa piling ko mahal ko.

Mariin kong pinikit ang mata ko at nanalangin sa isipan ko na sana nasa ligtas na lugar si jasmine.

Hindi ko ugaling magdasal pero gagawin ko ang lahat para lang sa kaligtasan nya.

Napadilat ako ng biglang tumunog ang bell,ibig sabihin umpisa na ng klase.

Labag man sa loob ko ay tumayo ako sa pagkakaupo sa puno at naglakad pabalik sa room.

Pagdating ko as usual napaka tahimik ng room,may sarili-sarili silang mundo,at hindi nagpapansinan.

Napabuntong hininga nalang ako at umupo na din sa pwesto ko katabi sila leo.

Hindi naman nagtagal ay pumasok na ang teacher namin.

Pero lahat kami hindi nakikinig sakanya hanggang sa maglunch time na.

Wala ni isa tumayo saamin,isa pa ito lagi kaming hindi kumakain tuwing lunch time.

Napatingin ako sa bintana at bigla akong nabuhayan ng makita ko ang isa sa malapit na kaibigan ni jasmine.

Wala kasi kaming mahagilap ni isa sa kanila simula umalis sya.

"Raze!"tawag ko sakanya bago pa sya makalagpas sa pintuan namin.

Napatayo na din ang mga kaklase ko at tumingin kay raze.

Dali dali akong lumapit sakanya,sumunod naman ang lahat saakin.

Mabilis kong hinablot ang kwelyo nya at dinikit sa blackboard namin.

"Where the hell is jasmine?"tanong ko sakanya.

"I don't know."simpleng sagot nya.

Mas diniin ko sya sa blackboard,nanggigigil ako sa kupal na toh.

"I repeat where is jasmine?!"medyo tumaas na ang bosses ko sa kawalan ng pasensya.

Bumuntong hininga sya at inalis ang psgkakahawak ko sa kwelyo nya.

"I really don't know,sinabi nya lang sakin na mawawala sya saglit at sinabi nya na bantayan ko kayong lahat."sabi nya

"You should know where she is because she's your bestfriend."gigil na sabi ko sakanya.

"Yeah,but that doesn't mean that i need to know every single move she's doing."chill na sabi nya.

"Are you not worried about her safety?"tanong ko sakanya.

"I'm worried,but what worried can do for him? For him to survive? None right? So ginagawa ko ang best ko para tupadin ang pangako ko sakanya."sabi nya.

And that makes me stop,i make a promise to him too and i am such a fuck for forgetting it.

"At sana ganun din ang gawin mo,ninyo para sakanya dahil yun lang ang pwede nating panghawakan sa ngayon."huling sabi nya at lumabas ng room namin.

And reality hits me,madaming nagbago samin at nakalimutan namin ang pangako na binitawan namin.

Bumalik na kami sa kanya-kanyang upuan namin agad dahil malapit na mag time ang lunch break.

Hindi ako nakikinig sa mga nagtuturo saamin dahil lumilipad ang utak ko.

Nabigla nalang ako ng biglang nag bell na.

Napatingin ako sa wrist watch ko at bahagyang nagulat dahil uwian na pala.

Masyado akong lutang kanina para hindi mapansin ito.

Inayos ko nalang ang mga gamit ko at lumabas na ng dorm.

Sabay sabay kaming pumunta sa dorm namin ng tahimik lang.

Pare-pareho kaming malalalim ang iniisip.

Pagdating sa dorm kumain lang kami saglit at pumunta na sa kanya-kanyang kwarto.

Lahat kami naging tahimik sa buong oras hanggang sa makapunta na kami sa sarili naming mga kwarto.

Pagpasok ko nagpalit lang ako ng damit at agad binagsak ang sarili ko sa kama.

Pagkahiga ko feeling ko napakarami kong ginawa ngayong araw kahit halos wala naman.

Sa sobrang pagiisip ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.




And everything went black*




______________________________________

Hello guys! Super busy aketch🤧🤧

Btw pls vote-follow-support my story💞

Lovelots and stay safe everyone😘💞


- Avril_1812

ONLY GIRL IN SECTION DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon