Jasmine's pov:
Walang pasok ngayon,isang buong araw daw para makapagpahinga daw kami.
Maaga ako nagising kanina pero nagstay lang ako sa kwarto ko.
Hindi pa rin kasi naabsorb ng utak ko ying nangyari kagabi.
At ano yung sinabi nya? What is mine,is mine only? Putek kelan pa ako naging kanya? Aishhhh.
Blake's pov:
Hanggang ngayon hindi pa din mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko,para na nga akong baliw kakangiti.
Nahalikan ko kasi si jade kagabi,sobrang nagseselos na kasi ako kaya ko yun nagawa.
Buti nga at yun lang ang ginawa ko eh,hindi ko pa pinatay ang raze na yun tsk.
Bumaba na ako dito sa sala namin nang nakangiti padin.
"Woahh,ang ganda ng gising natin ngayon king ah."sabi ni nathan.
Tumango lang ako sakanya,totoo naman kasing maganda ang gising ko ngayon.
"Arat laro tayo crossfire."yaya ni anthony.
Dahil good mood ako nakisali na din ako sakanila.
Jasmine's pov:
Aishhh nakakainis bakit ba hindi mawala wala sa isip ko ang blake na yan? Pshh.
Dahil wala naman akong magawa dito sa kwarto bumaba nalang ako sa sala.
Pagkababa ko nanonood sila ng kdrama sa TV,una naman akong napansin ni khate.
"Oh jas buti naman at naisipan mo nang bumaba ano?"sarcastic na sabi ni khate.
Inirapan ko lang sya at umupo sa tabi nila at kumuha ng pizza.
Nakinood nalang din ako sakanila at pilit inaalis sa isipan ko ang damuhong ace na un.
Tapos na lahat-lahat ang pinapanood namin pero takte ayaw parin nya umalis sa isipan ko.
"Linis naman kaya tayo ng dorm? Para na kasing napapabayaan na natin eh."sabi ni nikkie.
"Sge tulong din kami."sabi ni nicole.
Tumulong nalang din ako sakanila para naman maalis sa isipan ko ang lalaking yun.
Nilinis namin ang buong dorm at inabot kami ng hapon.
Umupo na kami sa sala pagkatapos naming maglinis ng buong dorm.
"Magluluto lang ako ng pang hapunan natin."sabi ko sakanila.
Pumunta naman ako sa kusina at nagluto na ng chicken curry.
Tinignan ko ang orasan at 6 na pala ng gabi.
Tinawag ko naman na sila kaagad para makakain na kami.
"Kakain na."sabi ko sakanila.
Nagsipuntahan naman sila dito at makikitulog na din sila nicole dito.
Pagkatapos ko kumain,napagtripan kong maglakad lakad,kaya kumuha muna ako ng oversized black jacket ko at tsaka lumabas ng dorm.
Alam kong delikadong lumabas kapag gabi na dito sa school dahil puro mga gangster ang nagaaral dito,kahit naman nagtulungan kami nung intramurals hindi pa din ibig sabihin nun ay bati-bati na ang mga grupo dito.
Naglakad-lakad lang ako hanggang sa makaabot ako dito sa may park.
Umupo ako sa swing at iniswing yun ng konti.
BINABASA MO ANG
ONLY GIRL IN SECTION DEMON
Random"Every human walks around with a certain kind of sadness. They may not wear it on their sleeves, but it's there if you look deep.Pain changes people, it makes them trust less, overthink more, and shut people out." - Jasmine Jade Valdez Start- Januar...