Part 45

845 27 9
                                    

Jasmine's pov:

Pagkapasok namin sa dorm pinaakyat nila ako kaagad para maligo,at para maayusan na daw nila ako.

5:30pm naman ang start ng pageant,pero kailangan ko nang magayos.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako sa cr at nakita ko na naka ready na ang mga pang ayos nila sakin.

Umupo na ako kaagad sa harap ng dresser ko para maayusan na nila ako.

Sabi ni nikkie,i paplantsa lang daw nya ang straight kong buhok at lalagyan ng konting curl sa pinaka ilalim nito.

After 1 hour*

Natapos na nila akong ayusan kaya nagbihis na ako.

Ang susuotin muna namin ay t-shirt styaka short bago magsuot ng mga dress namin,rarampa daw muna kami ng naka ganun bago rumampa ng naka dress.

Sinuot ko na ang black V-neck T-shirt ko at white shorts,pinares ko dito yung high heels na binili ko para sa pageant na ito.

Sinuot ko na din ang mga piniling accesories ni khate para sakin.

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin,ang ganda ko kahit anong gawin sakin.

Pagkatapos kong icheck ang sarili ko sa salamin,bumaba na ako kaagad dahil baka mainip sila.

Sila ang may hawak ng mga damit ko pero merong nakatabon dun na black bag para hindi makita ng iba.

Agad naman kaming lumabas sa dorm para pumunta sa malaking stage dun sa may duluhan ng open field.

Pinagtitinginan ako ng mga nadadaanan naming istudyante,narinig ko pa ang mga bulong-bulongan nila pero hindi ko nalang sila pinansin.

Maya-maya lang ay nakarating na kami dito sa may malaking stage at napakaraming tao ang nandito.

Nahagip naman ng mga mata ko ang pwesto nila raze,nasa gitnang unahan kasi sila malapit sa upuan nila kuya.

Nakita ko ding kumpleto na ang mga judges pati na din ang mga rank 5 gangsters.

"Gurl kasali ka sa pageant diba? Arat na pumunta na kayo sa back stage malapit nang magumpisa."sabi ng isang bakla na biglang lumapit samin.

Sumunod naman kami sakanya at pumunta sa back stage.

Pero napahinto kami dahil humarang ang palakang si jenny,sa dinami dami ng araw ngayon lang nya naisipang magpakita sakin tsk.

"So ikaw pala ang pinalit saakin na magmodel ng school natin,wala naman akong makitang maganda sayo,halatang peke lang ang lahat."ngising sabi nya.

So gusto nya ng away? Sige pagbigyan natin minsan lang ako pumatol sa mahina.

"Sorry dear I don't believe in plastic surgery,but in your case,go ahead."sabi ko sakanya.

"I really don't like you!"sigaw sakin ni jenny.

"It's okay dear if you don't like me,Not everyone has a good taste."ngising sabi ko sakanya.

"I'm more than beautiful than you,kapag tumitingin ako sa salamin isang dyosa ang nakikita ko."sabi ni jenny.

"Dear mirrors can't talk,lucky for you they can't laugh either."sabi ko sakanya. 

Narinig ko namang nagtawanan ang mga nakakarinig sa mga sinasabi ko.

"Ughhhrrrr hinding-hindi ko makakalimutan ang pagmumukha mo at sana hindi mo din makalimutan ang maganda kong mukha dahil hindi pa tayo tapos!"sabi nya.

“ Dear I never forget a face, but in your case, I’ll be glad to make an exception.”ngising sabi ko sakanya.

Inis na inis naman ang mukha nya dahil dun,at nag walk out nalang bigla tsk.

ONLY GIRL IN SECTION DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon