Part 72

527 15 6
                                    

Jasmine's pov:

"Ayusin nyo trabaho nyo!!"inis na sigaw ko sa mga tauhan ko.

"Y-yes queen"agad nilang sabi at nagsilabasan na.

Napaupo nalang ako ulit at hinilot ang sintido ko,ang simple lang ng inuutos ko hindi pa magawa ng tama.

Uminom nalang ako ng tubig ulit at tinutok na ang mga mata ko sa mga files na hawak ko.

Tatlong araw na ang lumipas simula nung umalis ako,kami sa school at halos wala akong tulog at kain dahil tinututukan ko ang trabaho ko.

Hanggang ngayon hindi ko pa din malaman kung nasaan sila kuya pati na din si lyka pero gagawin ko ang lahat para mahanap sila.

Hindi sapat na files ang nakukuha nila kaya naman nagagalit ako sakanila,napagbubuntungan ko sila ng inis at galit ko.

Maya maya lang biglang bumukas ang pintuan,at kilala kona agad kung sino sila tsk.

"What do you need?"tanong ko habang hindi inaalis ang mata sa binabasa ko.

"Nakuha na namin queen ang complete info na gusto mo,iba talga nagagawa ng pera tss."sabi ni abby.

"Great give me that."sabi ko.

Mabilis naman nyang nilapag sa harapan ko ang mga papeles na naka brown envelope at folder pa.

"Queen bakit hindi ka muna magpahinga kahit sandali lang?"tanong ni crystal sakin.

"You know that it is not in my vocabulary."sabi ko.

Narinig kong nagbuntong hininga nalang sila saakin pero hindi ko iyon pinansin.

Nilagay ko muna sa gilid ang binabasa ko kanina at kinuha ang mga dala dala nila abby.

Binuksan ko ang isang brown envelope at nakita ko ang full info ni jasper.

Sunod ko binuksan ang dalawa pang brown envelope na naglalaman ng full info ni jacky and jennifer.

Binaba ko muna ang mga ito at binuksan ang mga white folders.

"Sa loob ng white folders queen ang mga lugar na pinupuntahan nila at napili ko na din ang mga kahinahinala dyan,andyan din ang mga transaction nila sa mga ibang lugar."sabi ni khate.

"Great,i'm satisfied with this."sabi ko.

Narinig ko naman silang nag yes ng mahina,dalawang araw din kasi nila itong inasikaso.

"Gawin nyo na ang iba pang pinapagawa ko sainyo."sabi ko sakanila.

Mas mabuting umalis na muna sila sa harapan ko kaysa tumunganga lang dyan,masasayang lang ang oras.

"Masusunod queen."sabi nila at lumabas.

Binasa ko muna ang info ni jasper,nakasulat dito ang mga baril na hawak nya iba't ibang klase,nakalagay din dito ang mga personal nyang buhay katulad ng mga kahinaan nya.

Napangisi ako ng mabasa ang kahinaan nya,napaka babaw tsk.

Binasa ko din kay jacky at jennifer,katulad ng info ni jasper ganun din sakanila.

Sunod kong binasa yung laman ng mga white folders,medyo pamilyar saakin ang mga lugar na nakalagay dito dahil napuntahan ko na ang mga ito noon.

Maya-maya lang ay natapos kona basahin lahat at nakabisado kona din,nilagay ko na ulit ang mga papel sa envelop and folder.

Pagkatapos kong basahin nilagay ko ang mga ito sa pinaka ilalim na drawer,nakatago ito at kung may maghahanap man hindi ito makikita dahil nasa ilalim ito ng lamesa sa gitna banda.

Nilock ko kaagad ito at tinago ang susi sa pinagtataguan ko.

Binuksan ko naman ang monitor ko at tinignan kung maayos ba ang lagay sa school,sa ngayon nakikita kong maayos naman ito.

Maliban lang sa section namin,bumalik na naman kasi sila sa pakikipag basagulo sa mga taga ibang section,lagi ko silang sinusubaybayan sa monitor ko.

Gustong gusto ko nang bumalik sa school pero alam kong hindi pa pwede sa ngayon,kailangan kong magpakatatag.

Narinig kona din ang balita na tuloy ang pagpapakasal ni jennifer at blake,mag fiance na ulit sila.

Inaamin ko nagseselos ako at nagagalit,nawala palang ako ng tatlong araw ganyan na agad ang nangyari? What more kung 2 weeks na?

Hinilamos ko nalang ang mga palad ko sa mukha ko.

This past few days,stressed tlaga ako at laging sumasakit ang ulo ko,hindi din ako kumakain in time or should i say hindi na tlaga kumakain.

Napapabayaan kona ang sarili ko,pero hindi yun ang iniisip ko ngayon.

And dami ko nang problema pero kahit anong gawin ko,lalo lang ito dumadami imbis na nababawasan.

Hindi kona alam kung anong gagawin ko.

Sana nabuhay nalang ako na parang isang puno or ibon,para malaya lang akong makakagalaw at malaya lang akong namumuhay.

Yung walang problema,walang isipin,malaya lang at masaya.

Napaangat ako ng tingin nung tumunog ang cp ko.

Tinignan ko kung sino ang caller at isa lang naman pala sa mga tauhan ko.

Agad ko sinagot ito.

"Y?"cold na sabi ko.

"Nagawa na po namin ang pinapagawa nyo queen."sabi sa kanilang linya.

"Ok gawin nyo na ang iba pang inuutos ko sainyo."sabi ko

Hindi ko na hinintay ang sagot nya at agad pinatay ang tawag.

Kinuha ko sa isang gilid ang mga papel na kailangan kong basahin at pirmahan.

Matagal tagal din ako nawala dito kaya bilang queen,kailangan kong gawin lahat ng naiwan kong trabaho.

Tinutok ko nalang ang sarili ko sa mga tatapusin ko habang nakabantay pa din sa monitor.





Someone's pov:

Malapit na,sisiguraduhin ko na mga anak mo ang magdudusa sa ginawa mo saakin.

Lalo na ang anak mong babae,hinding hindi ako papayag na may makaligtas sakanila ni isa.

HAHAHAHAHAHA.





Someone's pov:

Patayan pala ang gusto mo,sge pagbibigyan kita.

Itong tatandaan mo,mauuna kang mamatay bago mo pa mahawakan ang anak kong babae.

Sisiguraduhin kong hinding hindi matutuloy ang plano mo,uunahan na kita.

At ako mismo ang maghahatid sayo kay kamatayan......





Jasper.









_____________________________________

Hello guys! Bumabawi lang ako ng lakas kaya hindi ako nakapag UD kahapon.

Pls vote-follow-support my story🥺

Lovelots and stay safe everyone😘

- Avril_1812


ONLY GIRL IN SECTION DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon