Jasmine's pov:
Nandito kami ngayon sa open field dahil cooking competition ko na.
Nandito din ang buong section D at pati na din sila raze at sila khate kasama sila christine.
Pumwesto na ako sa naka assign saakin na pwesto at hinintay ang hudyat na pwede nang magsimula.
Maya-maya lang ay nagbigay na ng hudyat na pwede nang magsimula at kung minamalas ka nga naman ay kasali dito yung malading babae ni kent kaya kalaban ko sya.
Nakita ko naman sa pheripal vision ko na nakatingin saakin si kent kaya diko nalang sila pinansin at sinimulang lutuin ang roasted chicken.
Kinuha ko muna ang mga gulay,mantika,1 buong manok at iba pang kailangan.
Sinimulan ko nang hiwain ang mga gulay at ginawan ng design para mas maganda styaka nilinisan ang buong manok.
Nilagyan ko muna ng cooking oil ang cooking tray bago ilagay ang mga gulay,pagkatapos kong ilagay ang gulay sunod ko namang nilagay ang manok.
Nilagyan ko yung manok ng mga seasonings para mas lalong sumarap,styaka inilagay sa oven.
Lulutuin ko muna ang buttered shrimp habang hinihintay ang roasted chicken.
Nilinisan ko muna ang nakuha kong hipon atsyaka ipinrito.
Pagkatapos kong iprito ang shrimp inalis ko muna ito sa kawali at nilagyan ng butter at mantika pati nang asukal ang kawali pago ilagay ang shrimp ulit.
Medyo nilakasan ko ang apoy para mabilis maluto,malaki naman ang kawali kaya hindi hassle.
Hinawakan ko ang hawakan ng kawala at tyaka hinagis hagis sa ere ang shrimp para mas mahalo ng maigi.
Narinig ko namang nagsinghapan ang mgananonood saakin kasama ang mga kaklase ko maliban sa kanila raze na alam na ganito na tlaga ako magluto noon pa.
Nang nasiguro ko na nahalo ko ito ng mabuti styaka ko lang pinatay ang apoy at hinanda ang plato.
Nilagay ko naman kaagad sa plato lahat ng buttered shrimp at styaka nilagyan ng design.
Pagkatapos nilagay ko muna ito sa gilid at tinakpan para mainit pa din mamaya.
Sunod ko namang lulutuin ang adobong kangkong na may sitaw.
Hinimay-himay ko muna ang kangkong pati na din ang sitaw styaka hinugasan.
Pagkatapos sinalang ko ulit yung kawali at ginisa ang sibuyas,bayang.
Pagkatapos kong igisa sa mantika inalis ko ang sibuyas at tinira ang bawang.
Nilagyan ko ng toyo at konting tubig ang kawali na may lamang bawang,styaka ko hinalo ng maigi.
Pagkahalo ko agad ko namang nilagay ang kangkong pati na din ang sitaw styaka hinalo ng hinalo,nilagyan ko din ito ng oaster sauce.
Nang makita kong naluto na ito agad kong pinatay ang kalan at inihanda ang bagong plato.
Nilagay ko sa plato ang adobong kangkong na may sitaw at nilagay din sa gilid styaka tinakpan.
Tinignan ko muna ang roasted chicken kung luto na ba,at nang tignan ko hindi pa ito masyadong luto kaya kumuha ako ng mga siling green at hiniwa sa gitna atsyaka inalis ang mga buto nito.
Pagkatapos kong hiwain lahat hinugasan ko ito ng tubig bago punasan ng tissue lahat.
Kumuha ako ng ham and cheese atsyaka hiniwa ang mga ito.
Pagkatapos kong hiwain nilagay ko ito sa gitna ng sila,at binalutan ko ng wrapper ang buong sili.
Agad ko namang binuksan ang kalan para i prito ang dynamite na ginawa ko.
BINABASA MO ANG
ONLY GIRL IN SECTION DEMON
Overig"Every human walks around with a certain kind of sadness. They may not wear it on their sleeves, but it's there if you look deep.Pain changes people, it makes them trust less, overthink more, and shut people out." - Jasmine Jade Valdez Start- Januar...