Part 61

578 18 4
                                    

Jasmine's pov:

    Maaga akong nagising ngayon kaya agad kong ginawa ang morning routine ko.

Hindi kami papasok ngayon dahil balak ko ngayong araw sumugod para makuha sila mae.

Hindi muna ako naligo,mamaya nalang ididiscuss ko pa kasi ang plano ko.

Agad akong bumaba pagkatapos kong gawin ang dapat na gawin.

Naabutan ko naman sila sa sala na hinihintay ako.

"Kumain muna tayo bago ko sabihin ang plano."sabi ko sakanila pagkababa ko.

Tumango sila saakin at sumunod din saakin kaagad papuntang kusina.

Pagdating namin kumain na kami agad ng tahimik.

Mapapansin mo na seryoso lahat kami ngayon at walang balak magsayang ng oras sa mga walang kwentang bagay.

Agad kaming natapos at nagpresintang maghuhugas si nicole kaya hinintay na namin sya sa sala.

Umakyat muna ako saglit at kinuha ang loptop ko,bumaba din ako kaagad pagkatapos.

Inayos ko na kaagad ang loptop pagkadating ko sa sala,para pagkatapos ni nicole maguumpisa na kami.

Maya-maya lang ay dumating na si nicole kaya umupo silang lahat ng maayos at tumayo naman ako sa gitna nila.

"So,ganito ang naisip kong plano,since hindi pa nya alam na may iba pa tayong kasama,gusto kong padaanin sila xandra sa likod."sabi ko

"Nakita ko dito sa location na nasa bandang likod nakatago sila mae,kaya mas maganda kung makukuha kaagad sila nila xandra."sabi ko.

Pinindot ko ang pulang bilog kaya mas nakita pa nila ng maayos ang building na papasukin namin.

"At sya,sya ang kumuha sakanila mae."sabi ko.

Pinindot ko ng isang besses pa at nakita nila ng malapitan kung sino ang kumuha sakanila mae.

"Hayop tlaga sya,kahit kailan bakit hindi nalang sya magbago? Mas gusto pa nya ng ganto."inis na sabi ni khate.

"Tayo naman ay papasok sa mismong main door ng building,mas marami ang bantay sa gitna ng building kaya dapat gumamit tayo ng silencer sa baril para hindi nya malaman na nakapasok tayo at natunton natin sila."sabi ko.

Nakita ko namang tumango-tango sila.

"Wag na wag nyong hahayaan na makagawa sila ni isang tunog na maaaring makapag alarma sa mga tauhan nya."sabi ko.

"Tayo lang ang aalis,walang sasama na iba dalhin nyo ang mga armas nyo,magsuot lang kayo ng komportable para hindi hassle sa gagawin natin."dagdag ko pa.

"Sge na,magsimula na kayong magayos lahat."sabi ko.

Agad naman silang pumunta sa kanya-kanyang kwarto nila,niligpit ko naman ang loptop ko.

Umakyat din ako kaagad para magayos,dumeretso na ako sa cr para maligo.

Nagsuot lang ako ng spaghetti black fitted croptop,black shorts and black leather jacket ko.

Medyo may pagka maiksi kasi ang shorts ko kaya sinuotan ko ng jacket para hindi makita na maikli.

Tinali ko ang buhok ko ng messy bun at nilagyan ng dalawang small knife ito,pero hindi sila makikita dahil natatakpan ng buhok ko.

Naglagay lang ako ng lipgloss st sinuot na din ang killer boots ko.

Nilagyan ko ng mga dagger and shuriken ang killer boots ko.

Pagkatapos kong magayos,inayos ko namang ang mga dadalhin kong gamit.

ONLY GIRL IN SECTION DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon