TWENTY-TWO
"Crap. Umuulan. Anak ng tokwa naman oh. Tara na Sophia, nababasa na tayo." pagkasabi nun ni Zayn, hinawakan niya yung braso ko at akmang hihilahin na ko.
Dugdug. Dugdug.
Ayan na naman. Tumitibok na naman tuloy ng mabilis yung puso ko. Pero binawi ko yung braso ko sa kanya. Tumingin siya sa'kin.
"Bakit Sophia? May problema ba?" Umiling ako and I smiled at him. A fake one.
Tumingala ako at tumingin sa langit. Wala nang mga bituin. Parang kanina lang ang dami pa nila at ang ganda pa ng buwan, pero ngayon itim na itim na lang ang makikita mo. Pumikit ako at dinama ko yung ulan na pumapatak sa mukha ko.
"Sophia? Ano ba? Nababasa na tayo. Tara na nga kasi." hinatak ako bigla ni Zayn hanggang sa makarating kami sa room.
Dahil sa lakas ng ulan, natigil yung program. Nagsibalikan muna yung mga students sa kanya-kanya nilang room. Yung mga classmates ko nasa room na rin, while yung mga teachers nasa covered court pa rin dahil may inaayos sila.
"Omg. Ano nangyari sa inyo? Bakit basang-basa kayo?" sabi ni Ella.
"Si Pia kasi eh, gustung-gusto magpaulan."
Tumambay muna kami sa room. Pero ako, pumunta lang ako sa sulok. Hindi muna ko sumama sa mga best friends ko o sa kung sino pa man. Gusto ko muna mapag-isa. Umupo ako sa lapag at ibinaon yung ulo ko sa tuhod ko. Habang nakayuko ako, ramdam ko na may papalapit sa'kin. Hindi ko alam kung sino, pero alam kong meron dahil naririnig ko yung mga yabag niya.
"Pia, ano ba talaga nangyari? Bakit tumakbo ka kanina nung nakita mo—"
"Kayo ni Johanna?"
" You know her?"
"She's my friend."
"So ano? Bakit ka nga tumakbo?"
"Wala."
"Anong wala?"
"Wala nga eh. Iwan mo nga muna ko."
"Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi kung bakit."
" Zayn ano ba? Alin ba sa salitang iwan mo ko ang hindi mo maintindihan?! Leave me alone!" pagkasabi ko nun, tumayo ako at lumipat ng pwesto.
Bandang 2 am tumigil yung ulan kaya naresume ulit yung party. This time, manonood ata sila ng horror movie. Pinababa na lahat ng students dahil bawal tumambay sa mga room. Pero pinayagan ako ni Mrs. Cruz dahil sinabi ko na masama ang pakiramdam ko. Pinapauwi na nga niya ko pero tumanggi ako, sabi ko kasabay ko naman si Ate umuwi.
Naiwan akong mag-isa sa room. Mabigat ang pakiramdam ko. The fact na nabasa ako ng ulan at nilalamig pa ko, the fact na nakita ko si Zayn with Johanna, the fact na hindi ako sigurado sa sarili ko kung ano ba talaga yung nararamdaman ko, the fact na natatakot ako sa pesteng party na to, at the fact na—hay nako. Ang dami kong iniisip. Itutulog ko na nga lang 'to.
Umupo ako sa isang armchair sa room at yumuko, ipinikit ko na lang yung mga mata ko.
***
Pagdilat ng mata ko, may naaninag ako sa tabi ko.
Zayn?
"At last, gising na rin si Maria Blanca slash Red Girl slash Miss Sungit slash Pia." he said while smiling.
"Kanina ka pa nandito?"
"Medyo."
"Pinapanood mo ko matulog?"
"Yeah. Muka ka kasing anghel pag tulog. Hindi makabasag pinggan, pero pag gising, kahit ata salamin sa mall eh kaya mong mabasag."
"Shut up. Teka? Bawal tumambay dito ah? Bakit ka nandito?"
"Ows? Bawal? Eh bakit ka rin nandito?"
"For your information, nagpaalam ako kay Mrs. Cruz ang she let me sleep here."
"Ah, okay. Wala namang nakakaalam na nandito ako eh."
"Yeah. Whatever."
Hindi ako komportable na kami lang ang nandito. Hindi ako komportable na kasama ko siya, at mas lalong hindi ako komportable na katabi ko siya ngayon. Baka madulas ako at kung masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko kahit hindi pa naman ako masyadong sigurado.
"Pia, about sa kanina..." OMG. Don't tell me binabalik na naman niya yung tanong niya kanina? Kailangan kong umiwas. Pero pag umiwas ako, baka makahalata siya. Okay. Just act normal Sophia.
"Anong kanina?" yan. Ganyan nga. Act like nothing happened. Act normal. Hindi ka dapat magpahalatang affected ka.
"Yung... alam mo... tumakbo ka bigla nung nakita mong magkasama kami ni Johanna. Bakit ka tumakbo?"
"A-Ano... b-baka kasi..." Isip. Mag-isip ka ng dahilan. "Ano... ahm.. isipin niyo na... na... nakakaistorbo ako sa inyo... k-kasi... ang sweet niyo kasi eh... oo tama... baka maabala ko kayo..."
"Huh? Kami? Sweet?"
"Oo. You look... perfect for each other." I said while smiling. Pero deep inside, parang gusto na namang lumabas ng mga luha ko.
"Ibig mong sabihin? Bagay k-kami?"
Nagpilit akong ngumiti. "Oo... oo naman."
Ang akala ko magpapasalamat siya sa akin, or ngingiti dahil mafflatter siya sa sinabi ko. Pero wala sa mga naisip ko ang inakto niya. Tumawa siya doon ng tumawa na akala mo wala nang bukas. At ano namang nakakatawa?! Ang sarap niyang sipain sa totoo lang. Ako nga mangiyak-ngiyak na dahil sa kanya tapos siya, nagagawa pang tumawa. Ano ba kasing nakakatawa dun? Ni hindi ko nga masabi na nasasaktan ako eh! Ikaw kaya yung taong gusto mo gawin yun sa harap mo habang nandito ka sa sitwasyon ko? Hindi ka kaya mainis?! Badtrip.
"Oh? Ano namang nakakatawa dun?"
Tinatry niya magsalita pero hindi niya magagawa kasi bago pa bumuka yung bibig niya, tatawa na naman siya.
"Alam mo, saka ka na magsalita kapag tapos ka na tumawa. Nakakainis ka."
After mga 1 or 2 minutes saka lang naka-recover si Zayn sa pagtawa. Grabe. Akala ko hindi na siya matatapos tumawa eh.
"Sophia, ano ba namang pumasok sa isip mo at nasasabi mo yan? Ikaw talaga." Anong pumasok sa isip ko?! Aba! Dapat sa sarili niya yan tanungin dahil siya tong tumawa nang tumawa nang wala namang nakakatawa!
"Hindi pwedeng maging kami ni Johanna."
"And why? Don't tell me, nililigawan mo pa lang siya?"
"Ha?! Hindi ah! Never! Hindi ko liligawan yun kahit anong mangyari!" He looks disgusted na para bang may kasalanan doon sa sinabi ko.
"You mean, ayaw mo sa kanya?"
"Nak ng tokwa naman oh. Ano bang nakain mo Sophia? Never ko yung magugustuhan o liligawan."
"And why?"
"Because....
Sophia...
Johanna is...
my sister. My younger sister. We're siblings."
TWHAT?! SIBLINGS?! Diba... sa tagalog magkapatid yun?! Diba? Diba? Edi magkapatid sila?! Teka bakit parang ayaw ata mag-sink-in sa utak ko nun.
!@#$
YOU ARE READING
CrushMate [COMPLETED]
Teen FictionThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...