Chapter 16

7.1K 99 18
                                    

SIXTEEN


"Ghad. Guys! Please! Umayos naman kayo! Kapag nagpa-practice wala nang tatawa!"

Kanina pa ko high-blood sa mga classmates ko. Mag-iisang oras na kaming nagpapractice ni hindi pa rin namin matapos ng isang buo ang role playing namin. Kainis naman kasi! Bakit ako pa ang na-assign na maging director dito sa Ibong Adarna na 'to!

Sa bahay kami nagpractice dahil wala kaming ibang mapag-pratice-an. And besides ayoko nang lumabas ng bahay para lang asikasuhin 'to. Nakakatamad kaya lumabas. Wala si Ate. May date kasi sila ni Kuya Michael. Si Mommy and Daddy nasa work.

Si Zayn ang lead role. Siya si Don Juan. Si Toni si Juana, si Ella si Leonora. Ella is my classmate also and mahinhin siya. Parang ako lang. Ehem. Si Patricia naman si Maria Blanca-which is yung main leading lady ni Don Juan. Hindi ko na sasabihin yung iba pang characters dahil masyado na silang madami. Yssa is my assistant. She is also helping me regarding sa scripts. Ang role playing namin is kinda musical.

"Maari ko bang malaman ang iyong pangalan? Magandang binibini?"

"Juana. Ako si Juana."

"Very good Toni! Zayn ayusan mo naman please!"

"Inaayusan ko naman ha."

" Eh kulang sa chemistry! Be romantic naman!"

"Tsk. Eh ginagawa ko na nga yung best ko!"

"Hay nako. Oh yung scene naman ni Leonora."

"Kay ganda mo talaga Leonora."

"Salamat Juan. Aking nababatid na ikaw ang lalaki para sa akin."

"Good. Last scene tayo. Maria Blanca with Don Juan."

"Iniibig kita Don Juan."

"Mahal na mahal kita... Maria Blanca."

"Nice! Kaya mo naman palang ayusan eh!" sabi ni Yssa kay Zayn.

Eto ang ayaw ko sa kanya eh. Pag last scene, magaling siya. Ewan ko kung bakit. Siguro kasi gusto na niya matapos yung play? Or may iba pang meaning?

"Zayn kaya mo naman pala eh. Bakit hindi na lang ganun ang gawin mo kapag scene mo na kay Toni and Ella?"

"Eh mukang ginaganahan ka lang kapag si Patricia ang kasama mo sa scene eh." sabi ni Toni.

"Hindi ah. Kung ano ang galing na ipinapakita ko kapag si Patricia ang ka-scene ko, ganun din ang inilalabas ko kapag si Toni at Ella."

"Okay. Tama na muna yan. 10 minutes break then pratice na ulit tayo." Pagkasabi ko nun, pumunta ko sa kusina at kinuha ko yung pagkain. "Here. Bago umalis si Ate I told her na dito tayo magpa-practice so she baked a banana cake. And I helped her. Kaya katulong akong gumawa niyan."

"Naks. Napakasarap naman oh! Pinaghanda pa talaga ko ni mylabs!" Anak ng tofu.

Ayan na naman ang kanstaw nila. Si Zayn kasi eh. Kung anu-ano ang lumalabas sa bibig. Bwiset.

"Excuse me? Hindi lang yan para sa'yo. Para yan SA INYONG LAHAT. And don't you ever call me mylabs. Baka nakakalimutan mo you're in OUR house." In-emphasize ko talaga yung word na "OUR".

"Oo. Alam ko." He grinned. "I'm in OUR house."

Sa sinabi ni Zayn, lalong lumakas ang hiyawan. Yung iba nga naming classmate na babae, naghahampasan pa. Yung act na kinikilig sila? Tss. Like EWW. Di bale ba kung si Ken pa yan. Baka kinilig pa ko.

CrushMate [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora