TWENTY
Last week ginanap yung finals for the singing contest and ako yung napiling representative ng first year. Pero nung mismong contest ay pang 2nd lang ako. 4th year yung nanalo. Pero sabi nila okay lang naman daw yun since I'm a freshman.
Nakakatawa nga nung kumakanta ako eh, kuntodo cheer yung mga classmates ko. Nakita ko rin si Ken na nasa gilid and he's smiling at me kaya natanggal yung kaba ko at mas pinag-igihan ko pa yung pagkanta. Shet lang. Ang gwapo niya kasi naman talaga. Still Believe in Love ni Jenny Hyun yung kinanta ko sa contest.
And now, move on na tayo dun. It's already 3rd week of November. Actually the day after tomorrow halloween party na namin. Tinatamad nga akong pumunta kaso hindi naman pwede dahil required ang lahat lalo na at Class A pa kami. Nagsimula na rin ang practice namin for the Pageant. Bali, after class yun. So nadating ako sa bahay ng mga 7 na or sometimes 7:30.
And of course, kasama ko si Zayn sa practice. Nag-uusap naman kami pero hindi ganun katagal since sinasabi ko naman sa inyo na hindi kasi kami close. Pero mas okay na kami ngayon kaysa dati. O diba, nag-i-improve na kami! Mwahaha! Later, after class, may practice ulit kami pero bukas wala since no classes tomorrow dahil overnight yung party. Ang saya naman oh. Maghapon akong makakatulog bukas! Raaaaak.
***
"Nagtatampo na ko sa'yo ah." sabi ni Ken. Nandito kami sa canteen ngayon and we're eating our lunch.
"Ha? Sa'kin? Bakit?"
"Minsan na lang tayong nagkakasama. Tapos lagi kang busy."
"Kung makapag-react ka parang boyfriend kita ha."
When I said that, ngumiti siya pero sumimangot din uli.
"Joke lang yun ha. Uhm, sorry naman. Alam mo naman kasi... masyado lang naging busy these past few weeks. Don't worry babawi ako! Ililibre kita!"
"Tss. Wag na. Okay na yun sa'kin. Ang importante sabay na tayo ulit kakain every lunch."
I just smiled at him.
"Nga pala, may practice kayo mamaya?"
"Yep."
" Wag ka magpapagod masyado ha."
"Yes Sir!"
"Ha?" sabi ko. Para kasing may sinabi siya eh pero hindi ko narinig.
"Wala. Sabi ko ahm... ano... Sophia? Can I ask you something?"
"Yeah. Sure." sabi ko sabay subo ng kanin.
"Do you like someone?"
Muntik ko nang maibuga yung kinakain ko sa tanong ni Ken. Sa totoo lang ilang beses niya nang tinatanong yan sa'kin at palaging ganito ang reaction ko kapag yan ang tinatanong niya.
"Oh! Teka! Teka! Uminom ka ng tubig!" nataranta si Ken at agad siyang tumakbo sa likod ko habang hawak hawak niya yung tubig at yung isang kamay naman niya, hinihimas yung likod ko. Di nagtagal umokay-okay na rin yung pakiramdam ko at nailunok ko na yung kinakain ko.
"Sorry. Nabigla na naman kita. Pasensiya na kung makulit ako ha."
"Okay lang."
Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na siya yung crush ko sinabi ko na sana kaso ayokong masira yung friendship namin. Eh? Teka? Bakit masisira ang friendship namin eh CRUSH KO NGA LANG NAMAN SIYA? Pero kahit na! Nakakahiya pa ding umamin! Saka baka mamaya iwasan ako ng isang 'to. May mga ganung tao kasi diba? Iiwasan ka kapag nalaman na gusto mo sila.

YOU ARE READING
CrushMate [COMPLETED]
Teen FictionThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...