Chapter 29

6.8K 95 8
                                        

TWENTY-NINE


Sophia's POV

"Hoy Sophia! Bilis-bilisan mo! Aba, wala akong balak na ma-late tayo first day na first day of classes ngayong taon!"

"Saglit lang naman!" sigaw ko pabalik kay Ate. Tapos na ang Holiday Vacation. SUPER BITIN.

Nasa cr ako ngayon ng kwarto ko at nakaharap sa salamin. Nakabihis na ko at nakaayos na rin yung gamit ko. Kaso nakakaasar. Kung kailan unang pasok namin ngayong taon, saka naman ako nagkaroon ng pimples. Take note ha! Sa ilong pa! Argh. I hate pimples. Nakakainis.

"Ano ba?! Ang tagal-tagal—" natigilan naman si Ate nang makita niya ko. "Sis. You're inlove!"

"And who the hell told you na pwede kang pumasok sa kwarto ko ng basta basta?! And excuse me, you're in my bathroom. Will you please get out?!"

"Che! Halika na. Wag ka na mag-inarte at male-late na tayo. Dali! Inaantay na ko ni Michael sa gate ng school kaya bilisan mo na!"

And with that, hinila na ko ni Ate palabas ng bahay. As usual, hinatid kami ni daddy papuntang school bago magdiretso sa work niya. Habang naglalakad ako sa hallway, naghihikab pa ko. Nakakaantok kasi eh. Sobrang bitin talaga ang Holiday Break namin. Ugh. Nakakatamad pang pumasok.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Pagkadating ko sa room, siya agad yung nakita ko. Eh tama ba namang sa pinto siya tumayo diba?! Biglang nawala yung antok ko pagkakita ko sa kanya.

"Hi Red Girl. Namiss mo ko?" Bati niya sa'kin habang nakangiti ng nakakaloko.

"Leche! Ako tigil-tigilan mo ha! Tumabi ka nga diyan, ang laki mong harang." Sigaw ko sa kanya habang tinutulak ko siya. Sa gitna siya ng pinto nakatayo eh! Nang mailagay ko na yung gamit ko sa upuan ko, lumapit siya sa'kin.

"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko kanina."

"Anong tanong?"

"Sabi ko..." nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko. Ramdam na ramdam ko yung paghinga niya.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

"Kung namiss mo ko?"

Dugdug. Dugdug. Dugdug. Dugdug.

AKFGSDLKGW.

Ano ba yan! Nilayo niya yung tenga niya sa bibig ko at tumawa. "Joke lang. Kinilig ka naman? Ayiiee. May gusto ka na sa'kin ano?"

"Pwede ba ako tigil-tigilan mo ha? Lumayo ka nga sa'kin. Go away."

"Tss. Pano naman ako makakalayo sa'yo eh magkatabi lang ang upuan natin."

"So?" hindi na siya sumagot sa'kin. Ngumiti lang siya tapos umalis na. Buti di niya napansin yung tigyawat ko sa ilong.

Wala naman masyadong pinapagawa ang teachers sa'min ngayong araw. Karamihan nga sa kanila absent pa dahil nasa probinsiya pa yung iba at hindi nakauwi on-time. Well, mas okay na yun kasi baka pag nag-discussion eh makatulog lang ako.

Kagaya ng nakagawian, naglalaro lang yung mga classmates ko ng Truth or Consequence tapos yung ibang boys, nagbabatuhan ng footsocks. May kanya-kanya kaming business ngayon. Kami naman ng mga best friends ko, nagkumpol-kumpol lang sa isang tabi at nagkwekwentuhan about our Holiday Break.

"Omg! That was awesome! Nag-Baguio kayo Yssa? Edi sobrang lamig nun. But anyway, mukha namang masaya. Kami naman we went to Pangasinan. Yung province ng mom ko. Maganda rin dun. Though, mas gusto ko pa rin dito sa Manila." sabi ni Toni kay Yssa.

CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now