SIXTY-FIVE
"Zayn, pahiram naman ako ng gitara."
"Sige." Binigay niya sa'kin. Umupo ako sa arm chair namin. Umupo siya sa tabi ko. "Ayos Pia ah. Haharanahin mo ko?" Loko niya. Ngumiti lang ako.
"So lately, I've been wondering. Who will be there to take my place? When I'm gone... you'll need love to light the shadows on your face." Tumingin ako sa kanya. Nakangiti lang siya sa'kin. "If a greater wave shall fall, let it fall above us all. Then between the sand and stone, could you make it on your own?" Magiging masaya ka pa rin ba kahit hindi na tayo magkasama?
"If I could, then I would, I'll go wherever you will go.Way up high, or down low, I'll go wherever you will go." Binalik ko na sa kanya yung gitara.
"Oh yun na yun? Bitin naman eh. Buuin mo na yung kanta."
"Zayn sure ka na ba na sa UST ka mag-aaral sa college?"
"Oo, bakit?" Ngumiti siya. "Grabe, isipin ko pa lang na magkakasama tayo hanggang college gumagaan na yung pakiramdam ko. Hindi mo lang alam kung gaano ko kasaya Pia." Zayn naman eh. Wag ka namang ganyan. Lalo akong nahihirapang sabihin sa'yo eh...
"Paano pala kung hindi ako sa UST mag-aaral?"
"Okay lang. Bibisitahin kita lagi sa school niyo. O kaya magkikita pa rin tayo lagi. Teka, nag-aalala ka ba para sa college?" Ngumiti lang ako. "Nako... Alam ko yang ngiti na yan eh. Wag ka namang mag-alala. Kung gusto mo nga sabay pa tayo mag-enroll eh."
"Zayn... paano pala kung pupunta ko sa malayong lugar? Tapos... hindi na ko babalik? Bibitawan mo ba ko? Papayagan mo ba kong umalis?"
"Bakit aalis ka ba?"
Ngumiti ako sa kanya then I shooked my head. "H-Hindi ah. N-Naisip ko lang naman."
Hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit. "Alam mo, kaya ko pa rin namang mabuhay kung wala ka eh." Nalungkot ako nung narinig ko yun. "Nabuhay na ako bago kita makilala. Kaya alam kong makakaya ko pa ring mabuhay kahit wala ka. Yun nga lang, hindi ako masaya." Tumingin ako sa kanya. "Kung aalis ka, it also means that you'll take my heart with you. Taking you away from me is like taking away my happiness. Pero..." he smirked. "Alam ko namang hindi mo ko matitiis eh. Kung aalis ka alam kong babalik ka din sa'kin. Kung hindi man, susundan kita." Binitawan na niya yung kamay ko. "Ikaw talaga, wag ka kasing mag-isip ng kung anu-ano. Pati ako nag-aalala eh."
Dumating ang first period namin sa lunch time ng hindi ko pa din nasasabi kay Zayn. Ang hirap eh. Noon siya yung aalis, ngayon ako naman. Pakiramdam ko kahit gaano namin kamahal ang isa't isa lagi pa ring may pumipigil sa amin. Nung dismissal time, hindi ko pa din nasabi sa kanya. Nag-offer siya na ihatid ako pauwi pero hindi ako pumayag. Nagtanong siya kung may problema daw ba. Siyempre sinabi ko wala.
Hindi ko pa din nasabi sa kanya kinabukasan. Sabi ko sa sarili ko bukas ko na lang sasabihin pero laging ganun yung nangyayari. Palaging hindi ko pa din nasasabi. Until kinausap na ko nila Patricia. Napansin daw kasi nila na ang tahimik ko lagi tapos nagiging cold na daw ako kay Zayn. Nagui-guilty ako. Ayoko naman siyang saktan pero kahit saang anggulo ko tingnan, wala akong magawa. Alam kong masasaktan at masasaktan ko din siya.
Sinabi ko na sa tatlo kong bestfriends na aalis ako. Nagulat sila and of course, nalungkot. Since kindergarten kasama ko na sila. Tapos mahihiwalay ako sa tropa. Sabi ko wag muna nilang sabihin kay Ken at lalong lalo na kay Zayn. They promised me pero sabi nila sabihin ko na daw habang maaga pa. Gusto ko naman talagang sabihin. The problem is, hindi ko lang talaga alam kung paano.
Zayn's POV
Ilang araw na tahimik si Sophia. Weird. Ang cold niya pa sa'kin. Hindi ko alam kung may nagawa ba ko o kung may nasabi ako sa kanya. Nung Prom Night namin, okay pa naman siya. Nung dinala ko siya kay Mommy, okay pa din naman siya. Hindi ko alam kung may nagawa ba ko o ano. Sa totoo nga lang, sumasakit na yung ulo ko kakaisip eh.
Sinubukan kong kausapin siya at tanungin pero halata namang umiiwas siya. Sasabihin niya wala lang. O kaya okay lang at wala daw problema. Tae, eh alam ko namang meron. Pag tinatanong ko sila Patricia hindi din daw nila alam kasi wala daw sinasabi sa kanila si Sophia. Pero dyahe, kahapon nagsimula na ding maging weird yung mga kaibigan niya. Iba yung kutob ko eh, parang may alam sila na hindi ko alam. At nakucurious ako. Ano ba kasi yun? May tinatago sila sa'kin. Sa'min ni Kenneth.
"Pia, bagay sa'yo yung hair clip mo ngayon ah." Nakangiti kong sabi habang pinupuri ko siya. Gumanda siya lalo dahil sa clip na suot niya.
"Thanks." Walang gana niyang sagot.
Nagsimula yung klase namin. Dati kapag bored kami nag-uusap kami ng mahina o kaya nagsusulatan sa papel. Pero ngayon, hindi. Ni hindi nga siya tumitingin sa'kin. Kung hindi ko siya kakausapin, hindi niya din ako kakausapin. Nung lunch yayayain ko sana siya na sumabay sa'kin pero mabilis siyang lumabas ng classroom kasama yung mga kaibigan niya. Kaya kami lang tuloy ni Kenneth ang magkasama.
"Pre, may nakwekwento ba sa'yo si Pia?"
"Wala eh. Bakit? Weird niya noh?"
"Akala ko ako lang nakapansin eh. Tol hassle naman. Hindi ko alam kung may nagawa ba kong mali at bigla na lang siyang nagkaganyan."
Tinapik ako ni Ken sa balikat. "Zayn naman. Alam mo naman ang mga babae. Pabago bago ng mood. Baka sinusumpong lang ng mood swings."
"Mood swings? Mahigit isang linggo na kong iniiwasan nung tao. Mood swings pa rin ba ang tawag dun?"
"Kausapin mo."
"Ayaw ngang makipag-usap ng matino eh."
"Gusto mo ako ang kumausap?"
Umiling ako. "Hindi na. Salamat na lang Ken. Ako na lang."
"Wag ka mag-alala. Itatanong ko kay Patricia kapag nagkausap kami. Sigurado akong may alam sila." Nagslight nod lang ako sa kanya.
Kinabukasan inexpect ko na ganun pa din si Sophia. Friday na ngayon. Sana naman bumalik na siya sa dati. Pakiramdam ko kasi ibang tao na yung kasama ko eh. Parang hindi ko na kilala si Sophia dahil sa mga ikinikilos niya. Mas gusto ko pa na nag-aasaran kami kesa yung ganito.
"Zayn, usap tayo mamaya. Dismissal." Sabi niya sa'kin bago magstart yung last subject namin.
"Tungkol saan?"
"Basta mamaya na lang." Kinabahan ako bigla. Sasabihin na kaya niya kung ano yung problema? Mukhang napakaseryoso niya eh.
Nung dismissal pumunta kami sa corridor. Sasabihin na dapat niya pero nung nakita niyang madaming tao, hinila niya ko papunta sa garden. May mga tao pa rin pero konti lang.
"I'm sorry. Alam ko nawi-weirduhan ka sa'kin lately." Buti naman nakakaramdam siya. "May napag-isip isip lang kasi ako these past few days. Zayn, nakapagdecide na ko." Decide? Para saan? Sa pagkacollege namin?
Lumapit siya sa'kin. Sobrang lapit. Akala ko nga yayakapin niya ko eh. Yumuko siya at bumulong pero sapat lang para marinig ko.
"I'm breaking up with you."
![](https://img.wattpad.com/cover/1804881-288-k120380.jpg)
BINABASA MO ANG
CrushMate [COMPLETED]
Teen FictionThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...