FOURTEEN
Naglalakad na ko papuntang room habang hawak hawak ang notebook ko. Pagdating ko sa room, andun na yung iba kong classmates. Tumingin ako sa wrist watch ko. 7:30. 8 am pa ang exam namin. Since periodical exam 'to half day kami. Pang morning shift ang 1st and 4th year while pang afternoon naman ang 2nd year at ang 3rd.
"Hey Sophia, ngayon ka pa lang magre-review?" sabi sa'kin ni Patricia.
"Nope. Nagreview na ko. Binabasa ko lang ulit para hindi ko makalimutan. Wala pa ba sila Yssa?"
"Si Yssa nandiyan na. Siguro nasa library lang. Si Toni, wala pa."
"Oh okay." Umupo na ko sa armchair ko. Nung tapos ko nang basahin yung notes ko, nilagay ko na lang yung braso ko sa table at niyuko yung ulo ko.
"Hey, Pia! Morning!"
Inangat ko yung ulo ko. Sino pa ba ang natawag sa'kin ng 'Pia'?
"Morning din."
"Nagreview ka na?"
"Yeah. Ikaw?"
"Sus. Hindi na. Sisiw lang naman yan eh." Kahit kailan talaga mayabang siya. Niyuko ko na lang ulit yung ulo ko. Maya-maya narinig ko na may nakatok sa room namin. Hindi ko na lang pinansin.
"Uhm... good morning. Andito na po ba si Sophia?" Pagtingin ko si Ken.
"Uy Ken!" Nginitian ko siya. "Bakit mo ko hinahanap? Papaturo ka sa Algebra?"
"Uhm. Nope. I just want to give you this." tapos may kinuha siya sa bag niya. "Oh." sabay abot niya sa'kin ng keychain.
"Ano 'to?"
"Keychain."
"Yeah. I know keychain 'to. Pero para saan?"
"Friendship keychain. Magkapair yung binili ko. Eto oh." sabay turo niya dun sa keychain na nakasabit sa bag niya. Napangiti naman ako.
Yung itsura ng keychain? Cute siya. Heart shaped keychain siya na may hati sa gitna at may nakaukit na 'Best Friends' sa loob ng heart. Yung isa sa'kin, yung isa sa kanya.
"Ayokong maging feeling close sa'yo pero kasi... sana... ituring mo rin ako na kaibigan. Kahit hindi best friend kahit friend lang or close friend."
"Sus. Ano ba naman 'to. Wag ka ngang ganyan noh. Close friend kita. Salamat dito ah. Nagustuhan ko 'to. Ang cute eh. Iingatan ko 'to. Promise."
"Talaga? S-Salamat ha!" Tapos niyakap niya ko.
Adik talaga si Ken. Pagkatapos nun bumalik na siya sa room nila. Akalain mong nagpunta lang dito para ibigay 'to sa'kin? Pwede namang mamayang dismissal ibigay diba? Imbis na nagreview na lang sana siya. Nako! Pag bumagsak yun patay siya sa'kin. Nagpaturo pa man din yun sa'kin sa Algebra.
"So? Best Friends na kayo?" Panira talaga 'to.
"Oo. Pake mo ba?" Pagkasabi ko nun dumiretso na ko sa upuan ko at nilagpasan ko siya. Pagkaupo ko naman, nilapitan ako nila Yssa, Toni, at Patricia.
"Nandito ka na pala Toni."
"Oo. Di mo nga ko napansin eh. Kausap mo yung prince charming mo dun kanina sa labas."
"Huy! Anong prince charming kayo diyan ha-"
"Ayiiieeeee." Hala. Adik talaga 'tong mga 'to. Oo. Crush ko si Ken, pero hindi pa ko ready sabihin sa kanila. Sasarilihin ko na lang muna.
Maya-maya dumating na yung teacher namin sa Algebra. Algebra ang first exam namin. Medyo ang hihirap nga ng exam namin sa first day eh. Algebra, English, Science & Technology, saka Filipino. Then yung ibang subjects, bukas pa.
Ako ang pangalawang natapos sa exam namin sa Algebra. Yeah. Pangalawa lang. Naunahan ako ni Zayn. Expert din ata 'to sa Math eh. After ng Math, English naman. Binigyan pa kami ng 5 minutes to review pero di na ko nagbuklat ng book and notebook. Pinahinga ko na lang muna ang utak ko. Si Zayn naman nagbabasa ng notebook niya sa English. Infairness mukhang seryoso siya kapag exam ha. Pag exam lang.
Natapos na din ang mga exams namin. Walang breaktime? Siyempre meron. Nung dismissal hindi muna kami pinauwi. Pinatawag yung mga muse and escorts. May meeting daw.
"Pia sabay na tayong pumunta sa Office."
"Ah s-sige."
Sa meeting wala naman kaming pinag-usapan masyado. Sinabi lang na after ng exam week, magsisimula na daw ang rehearsals. Ano ba yun? Excited naman sila masyado. December pa naman yung pageant eh. Like duh? Anong month pa lang ba ngayon? Pero well, as they said, mas mabuti na raw ang maghanda ng maaga.
"Uuwi ka na Pia?" sabi ni Zayn sa'kin pagkalabas namin ng office.
"Yeah. Sasabay lang ako kay Patricia. Hindi kasi ako masusundo ni Daddy eh." Nako. Sana lang andito pa si Tricia. Baka kasi nakauwi na yun eh.
"T-Talaga?" sabi naman ni Zayn habang ngiting-ngiti.
"Ha? Anong talaga?"
"Wala. Teka hindi pa ba nakakauwi si Patricia?"
"Dunno. Wait. Aakyat lang ako sa room. Baka andun pa siya."
"Samahan na kita."
"Ha? Bakit? Hindi ka pa ba uuwi?"
"Uhm... ehh... hindi pa eh."
"K."
Umakyat na kami sa taas. Pag-akyat namin sa room, wala ng tao—si Patricia na lang. Inaantay siguro driver niya.
"Sophia, di pa kayo uuwi?"
"Sasabay sana ako eh."
"Bakit? Hindi ka ba masusundo ng daddy mo?"
"Hindi eh."
"Ah sige. Sabay ka na. Nag-text si Manong eh. Parating na rin daw siya."
"Ako din!" Bigla naman kaming napatingin ni Zayn. Napataas kami ng kilay ni Tricia.
"Huh? What do you mean na ikaw din?" sabi ni Patricia.
"Ang ibig ko sabihin, ako din. Aantayin ko pa driver ko."
"What? Diba sabi mo naglalakad ka lang pauwi?" sabi ko sa kanya.
"H-Hindi! Hindi! Meron na kong sundo ngayon!"
"Really?" Talaga lang ah?
"O-Oo! OO! Meron na nga kong sundo ngayon."
Alam ko namang nagsisinungaling siya kasi hindi siya makatingin ng diretso. At mukhang natataranta siya tapos nauutal pa siya.
"There! Andiyan na si Manong!" sabay turo ni Patricia sa parking lot.
"Tara na Sophia!" hinila na niya ko.
"Sige Zayn una na kami. Bye!" tapos nag-wave na siya kay Zayn. Ako? Psh. Ayoko nga magpaalam diyan.
"Okay. Bye Patricia. Ingat ka ah." then he looked at me. Tapos tumingin ulit siya kay Patricia. Fine! Di wag niya kong batiin. As if we're friends?
Pagkauwi ko sa bahay. Tinitigan ko lang yung keychain na binigay sa'kin ni Ken. Ang sweet talaga niya. Ang swerte siguro ng babaeng magugustuhan nun. Hindi ko naman hinihiling na ako ang magustuhan niya kasi CRUSH KO LANG NAMAN SIYA EH. It means wala pang nabubuong feelings para sa kanya. Diba sabi ko naman sa inyo? Magkaiba ang pananaw ko sa crush at sa love. Ang crush gusto mo lang pero ang love mahal mo na siya. Siguro at this point, paghanga lang talaga ng nararamdaman ko para sa kanya. Pero I'm sure na hindi ko siya mahal. Ayoko rin umabot sa point na yun. Takot akong masaktan and besides, bata pa ko para sa mga ganung bagay. I'm just 13! And I'm a freshman! I should focus on my studies and know my priorities and limitations. Hindi rin naman ako nagmamadali eh.
Siguro...
YOU ARE READING
CrushMate [COMPLETED]
Teen FictionThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...