Chapter 33

5.1K 75 16
                                    

THIRTY-THREE


Dugdug. Dugdug.

Habang papalapit siya sa'kin, mas lalong lumalakas yung kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa takot? Sa kaba? Sa kilig? Sa saya? Ewan ko. Wala na kong pakialam. Basta sa ngayon gusto kong malaman yung totoo. Yung nararamdaman niya. Gusto kong malaman kung ganun din siya sa'kin.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Ayan na. Nasa harapan ko na siya. Di ko alam kung anong sasabihin ko. Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang...

"Patricia."

What? What did he just call me?

"Ikaw ang babaeng yun. Matagal na kitang gusto Pat. Since... first day of school."

Pagkasabi niya nun, nilagpasan na niya ko. Pumunta siya sa likod ko... kung nasan si Pat.

WOW. JUST WOW. Kanina pa ko nag-a assume dito. I thought sa'kin siya nakatingin pero kay Pat pala. Akala ko gusto din niya ko. Akala ko mahal din niya ko. Akala ko lahat ng biro niya totoo. Akala ko ako yun. Puro akala lang pala. And worse is, best friend ko pa yung gusto niya at gusto din siya ng bestfriend ko. WOW. Swerte ko noh? Ang saya!

Yung kaninang malakas na pintig ng puso ko biglang nawala. Parang iniwan ng kaluluwa ko yung katawan ko kasabay ng paglubog ng puso ko.

"I want to hear your side. I don't know if you like me too but what's important is that nasabi ko sa'yo yung nararamdaman ko. May isang kaibigan kasi ako na nagsabi sa'kin na ipagtapat ko ang nararamdaman ko at wag akong magpakabading." sabi niya sabay tawa.

"I... I feel the same way too... Zayn..."

Nagkanstasawan na yung mga classmtes ko.

Enough. Di ko na ata kaya. Lumabas ako ng classroom namin. Dahil sa busy sila sa panonood ng eksena ni Zayn at Patricia walang nakapansin na lumabas ako. Ayoko na. Why do I feel this way? Crush lang naman 'to pero bakit ang sakit? Ang sakit sakit.

Pumunta ko sa clinic. Buti na lang nandun yung school nurse. Sabi ko nasakit ang ulo ko at kailangan ko ng tulog. Pinahiga naman niya ko sa isa sa mga beds dun. Sinarado ko yung kurtina at pumikit ako. Gusto ko munang matulog. Gusto kong makalimutan muna 'to kahit saglit lang.

Pero kahit anong pikit ko at kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko, hindi ako makatulog. Tinakpan ko yung bibig ko at nagsimula nang tumulo yung luha ko. Sabi nila masakit daw kapag nagmahal ka. Masakit din pala kapag nagkacrush noh? Crush nga lang ba 'to? Eh bakit ganito kasakit? Broken hearted ba ko? F*ck Sophia. Ngayon ka na nga lang nagkagusto masasaktan ka pa ng ganito.

Kasalanan ko din naman eh. Nag-assume ako. Stupid. Matagal din akong umiyak hanggang sa napagod na yung mata ko at sumakit na yung ulo ko. Di ko namalayan, nakatulog ako.

Ginising ako ng nurse dahil dismissal na daw. Inayos ko muna yung sarili ko bago ko lumabas ng clinic. Gusto ko na talaga umuwi. Naalala ko na nasa room pa nga pala yung bag at mga gamit ko kaya kahit ayokong umakyat dahil alam kong baka nandun pa sila eh wala naman akong choice.

Pag-akyat ko sa class room, tama nga ko. Nandun pa sila... at magkatabi si Zayn at Patricia.

"Pia! Okay ka lang ba? Saan ka ba nanggaling? Hinahanap ka ng mga best friends mo eh. Bakit naman kasi bigla bigla ka na lang nawala?"

"Sumama kasi pakiramdam ko eh. Di na ko nakapagpaalam. Galing lang akong clinic. Pero okay na naman ako."

"Ah mabuti naman. Salamat nga pala ha? Kung di dahil sa'yo di ako maglalakas loob na umamin at alam mo ba? Gusto din pala niya ko! Sobrang saya ko! Salamat Red Girl! Alam mo sabi pa ni Pat—"

"Sige Zayn dun ka muna kay Patricia may aasikasuhin lang ako." Ayoko na. Tama na. Gusto ko munang maging bingi at bulag. Ayoko unang pakinggan yung mga sinasabi niya. Ayoko muna siyang kausapin.

Pumunta na ko sa upuan ko at kinuha ko na yung mga gamit ko.

"Sophia saan ka galing? Sayang di mo nakita alam mo ba kanina—"

"Yssa please. Medyo masama pa pakiramdam ko eh."

Sinabit ko na yung shoulder bag ko at lalabas na sana ko nang bigla akong hinila ni Toni papunta sa corridor.

"Anong problema?"

"Ha? Wala. Masama pakiramdam ko. Kailangan ko nang umuwi." sabi ko sabay lakad palayo kay Toni.

"Sophia may gusto ka ba kay Zayn?" napatigil ako sa paglalakad sa sinabi ni Toni. Pero hindi pa din ako humaharap sa kanya.

"Ha? Ako? Tss. Wala noh."

"Sophia maaring maloloko mo sila pero ako hindi. We've been best friends for almost seven long years. Ramdam ko na may mali. Kahit di mo sabihin... alam kong meron."

"Wala 'to. Sige uwi na ko."

Pagkasabi ko nun tumakbo na ko dahil ayoko nang pag-usapan pa yun. Naririnig ko pa ngang tinatawag ni Toni yung pangalan ko pero hindi naman niya ko hinabol. Gusto ko na talagang umuwi. Gusto ko nang matapos 'to. Gusto ko nang matulog.

Sa kakatakbo ko may nabangga akong isang lalaki.

"Sorry." sabi ko nang hindi tumitingin at tatakbo na sana ko ulit pero hinawakan niya ang braso ko.

"Teka. You're Sophia, right? Yung best friend ni Ken?" This time tumingin na ko sa kanya.

"Uy Dann! Sorry I didn't recognize you." Siya si Dann. Isa sa mga tropa ni Ken at classmate niya. Napakilala din kasi ako ni Bes sa mga kaibigan niya dati.

"Eh pano mo ko makikilala eh nakayuko ka habang tumatakbo. Nga pala timing, kanina ka pa namin hinahanap eh."

"Me? Why?"

"Actually. Pumunta ka na lang sa Science Garden. Para malaman mo. By the way, Happy Valentine's Day."

Tatanungin ko pa sana kung anong meron dun kaso tumakbo na si Dann. Ano bang meron dun? Asar naman. Gusto ko na umuwi eh. Teka, pupunta pa ba ko dun o hindi? Tss. Sige na nga sisilip lang ako kung ano bang meron dun tapos uuwi na ko. Ano ba kasing meron?

Naglalakad pa lang ako medyo nakarinig na ko ng konting ingay. Medyo madami ding tao. Ano bang meron? Dahil sa dami nila hindi ko na makita kung ano yung pinagkakaguluhan nila. Pero nung nakita naman nila ko bigla silang tumahimik at tumabi. Nag give way sila sa'kin.

Nung makita ko na yung pinagkakaguluhan nila napanganga ko sa gulat at tinakpan ko ang bibig ko. Nagsimulang mamuo yung luha sa gilid ng mata ko. Di ko alam kung dahil ba sa tuwa o dahil sa lungkot? Gulat? Ewan ko. Basta feeling ko ayoko nito.


Dapat hindi na lang pala ko pumunta sa garden.


CrushMate [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora