Chapter 8

8.2K 102 7
                                        

EIGHT


Monday na. Absent pa rin si Zayn. Nung nakita ko siya nung Friday mukhang okay naman siya ha? Siguro tinamad lang pumasok yung mokong na yun. Naku bahala nga siya. Mas masaya nga ko kapag wala siya eh! Mas gusto ko na mag-isa lang ako dito sa likod kesa katabi ko yun. At mas nakakapag-concentrate pa ko kapag wala siya kasi walang maingay.

Sa MAPEH, nagdiscuss lang kami sa Music. Kakanta nga daw kami this week eh, by partners. At malas ko, by seating arrangements yung partner mo. Kaya si Zayn ang partner ko. Sana wag siyang pumasok this week. Mas gusto ko mag-perform na lang mag-isa. Nagugutom na ko. Karamihan sa teachers namin hindi na nag-discuss dahil may meeting tungkol sa panonood namin ng theater next month. Psh. Next month pa naman yun eh. Masyado silang excited. Pero okay na rin yun para makapagparty-party kami sa room! Naglaro yung mga classmates ko ng Spin the Bottle. Yung iba nagdadaldalan, yung iba natutulog, yung mga boys nagbabatuhan ng footsocks, yung iba naman pumi-PBB TEENS at nakikipaglandian. Chos. Tiningnan ko yung mga friends ko. Si Yssa nag-draw-drawing. Mahilig yan mag-drawing eh. Si Toni at si Patricia, sumali sa Spin the Bottle. Hmp. Matutulog na nga lang ako.


***


"Ui. Pia. Gising. Lunch na."

"asdfghjkl"

"Huh?"

"qwertyuiop"

"Ano?"

"Zxcvbnm"

"Hay nako, gumising ka na nga!" What the hell. Ang ingay naman! Inaantok pa ko eh! Di ba niya nakikita na--

"Z-Zayn?" Wait. Nananaginip na naman ba ko?! Grr.

"Pwede ba umalis ka na nga sa panaginip ko!" Sabi ko sabay tulak ko sa kanya.

"Huh? Ano bang sinasabi mo? Lunch break na! Ginigising ka kanina ng mga kaibigan mo pero ayaw mo magising kaya bumaba na sila. Hindi ka na nila hinintay. Sabi ko ako na lang ang gigising sa'yo."

"Ah g-ganun ba? O-Okay." Hindi pala ko nananaginip. Napahiya ako dun ah. Buti na lang hindi niya masyadong napansin. Palabas na sana ko ng room nang marinig ko si Zayn na lumapit sa adviser namin.

"Uhm Mrs. Cruz. Here's my excuse letter."

"No Mr. Bautista. You don't need to give your excuse letter. Excuse ka na. We already know what happened."

We already know what happened.

We already know what happened.

We already know what happened.

Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung sinabi ni Mrs. Cruz kay Zayn. Ano nga ba talaga ang nangyari? Bakit ba lagi siyang absent? Nung nakita ko siya nung Friday mukhang okay naman siya diba? Pero may iba eh. May kakaiba talaga. Parang ang tamlay niya. Para siyang puyat at lagi na lang bad vibes. Ugh. Nakakainis. Bakit ko ba siya inaalala? Tokwa naman oh. Hindi na ko nakapag-concentrate kanina sa discussion dahil nag e-echo yan sa isip ko. Asar talaga. At ngayon, hindi pa rin ako makatulog kakaisip niyan. Biglang nag-flashback lahat sa'kin.

Nung first day of school, half day lang si Zayn. Nung hapon lang siya pumasok. Then next week, Monday lang siya pumasok. Tuesday to Friday absent na siya. Friday ng hapon, nakita ko siya sa may malapit sa Ave Maria St. na naglalakad. Mukhang okay naman siya pero nung nakita ko siya, mukha siyang haggard. Mukha rin siyang malungkot at pagod na pagod. Tapos kanina half day ulit siya. Ano bang problema kay Zayn? Sa bagay ngayon ko lang naman siya nakilala. Baka naman grade school pa lang tamad na talaga siya. Pero bakit ganito? Bakit parang may masama akong kutob sa kanya. UGHVFDJVBGJDFLGHDF!!! Sophia matulog ka na nga! Wag mo nang isipin si Zayn okay? Eh ano kung may problema sa kanya? Pakialam ko naman diba? Di naman kami close at saka di rin kami magkasundo. Kaya kung may problema siya, aba solohin niya! Bahala siya sa buhay niya!

Kinabukasan matamlay pa din si Zayn. Kaya hindi niya ko masyadong kinukulit. Aba, mabuti naman kung ganyan siya lagi. Magkakasundo talaga kami.

"Ngayon, naintindihan niyo ba ang istorya tungkol sa Mahiwagang Ibon ng Adarna?"

"O----p---o---" Sabay sabay naming sagot na para kaming nasa kindergarten.

"Sa susunod na buwan ay magkakaroon tayo ng panonood sa isang teatro sa Dasmarinas, Cavite tungkol sa ating leksyon." Kailangan ba talaga paulit-ulit? Nakakainis naman si Sir. Every meeting and discussion, lagi niya yang sinasabi. Hindi naman talaga siya unli eh noh? Sa dami ng beses na sinabi niya yan eh ewan ko na lang kung may makakalimot pa sa'min.

Absent yung teacher namin sa sumunod na subject. Kaya as usual, maingay na naman ang classroom. Kahit ang president at class officers nag-iingay din. Tumingin naman ako sa katabi ko na natutulog. Wow ha? Zayn is that you? Oh may milagro! Ang tahimik mo ata ngayon. Pero mabuti na yung ganyan kaysa naman kulitin mo ko ng kulitin. Sana wag ka ng magbago. Grabe ang tulog nito ah, ang himbing men! Hindi ba siya nakatulog these past few weeks? Pero... pero... pero... mukha siyang anghel... kapag tulog lang! Pero pag gising... eww... monster! Pero tinitingnan ko siya ngayon. Ang ganda ng mata niya. Ang tangos ng ilong niya, ang kinis din niya, dinaig pa ko nito ah. Tinititigan ko siya ng biglang mapako yung tingin ko sa labi niya. Damn. He has a nice lips! Err... kissable lips..? WHAT THE?!? YUCK!!! SOPHIA ANO BA!?! Kadiri! Erase. Erase. Nako kung anu-ano na pinagsasabi ko dito. Baka sinasapian na ko ng kung anong masamang espiritu.

Bumalik na lang ako sa pagsusulat ko ng kung anu-anong non-sense na bagay nang bumagsak yung notebook ni Zayn sa table niya. Hay naku tong lalaking 'to talaga.

"Zayn notebook mo."

Kinuha ko naman yung notebook niya sa lapag at ibabalik ko na sana sa kanya kaso may nalaglag na picture. Family picture ni Zayn. Kasama niya dito yung mommy and daddy niya. Tinitigan ko yung mukha ng daddy niya. Familiar. Tsk. Ano ba yan, lagi na lang may pamilyar akong mukha na nakikita pero di ko naman matandaan kung saan at kailan ko sila nakita. Baka naman nag-uulyanin na ko? Maya-maya nagising na si Zayn at nabigla siya nung nakita niyang hawak ko yung family picture niya at yung notebook niya. Nagulat siya to the point na nanlaki yung mga mata niya.

"ANO BA SOPHIA?!? BAKIT PINAKIALAMAN MO YUNG GAMIT KO?!?"

Sabay kuha niya ng picture sa kamay ko. Sobrang nabigla ako sa ekspresiyon niya. Galit na galit siya. Nakakatakot. Ayoko pa naman ng sinisigawan ako ng ibang tao. Kaya nangingilid na yung luha ko. Nabigla kasi ako sa kanya.

"S-Sorry Z-Zayn. H-Hindi k-ko naman sinasadya n-na makita y-yan eh..."

After a few seconds nagsalita siya.

"No... It's okay. Sorry ha. Nasigawan kita. Natakot ba kita? Sorry... Nabigla lang ako. Mahalaga kasi 'to sa'kin eh. Mahalaga lang talaga sa'kin ang pamilya ko."

"O-Okay. I-I understand. S-Sorry t-talaga."

Yun na ang huling usap namin nung araw na yun. Siguro dahil hindi ko siya kinausap dahil natatakot ako sa kanya. Or dahil siguro badvibes siya. Alam ko kasing wala siya sa mood makipag-asaran ngayon kaya hindi ko muna siya inasar. Sana Zayn, kung ano man yung problema mo, maharap mo. Seryoso ako ah. Kahit na lagi kaming nagkakapikunan niyan, concern pa rin ako. Concern ako bilang... Seatmate niya.


CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now