Chapter 5

8.9K 120 18
                                    

FIVE


Monday na naman. Oo. Isang lingo ko pa lang nakikilala si Zayn pero kung iisipin mo parang ang tagal na naming magkakilala. Pati yung iba kong classmates. Actually close na nga kaming lahat eh. Pero si Zayn pa-feeling close lang. Pakiramdam niya naging escort lang siya eh ang pogi na niya. Well pogi naman talaga siya but... Whatever. Bakit ko ba siya kinukwento sa inyo in the first place?

"Hey! Good Morning Seatmate!" Eto na naman siya. Hindi ko lang siya pinansin at tiningnan ko lang siya.

"Pia kamusta ang weekend mo?"

"Huh? Anong Pia?" Ano bang pinagsasasabi nito? Hindi ako si Pia. I'm Sophia! Duh?

"Pia. Short for Sophia."

"Ah. Wala naman akong nickname eh. Sophia lang."

"Ayaw mo nun? Ginawan kita ng nickname?"

"Bakit? Sinabi ko bang gawan mo ko?"

"Hindi. Gusto ko lang may sarili akong itatawag sa'yo. Yung ako lang ang tatawag sa'yo. Para pag narinig mo pa lang na may tumawag sa'yo ng Pia, alam mo na agad na ako yun."

"Ah. Ganun ba." Bored kong sagot. Nickname? Psh mga pauso nito.

"Nga pala, kamusta ang weekend mo?"

"Pake mo ba kung anong nangyari sa weekend ko?"

"Kahit kailan talaga ang sungit mo. Kailan ka ba babait sa'kin? Masama bang kamustahin kita?"

"Oo. Bakit? Close ba tayo?"

"Ito naman. Napaka-harsh."

"Alam mo Zayn, wala namang magandang nangyari sa weekend ko kaya wag mo na lang tanungin."

"Ahh ganun ba? Sige. Hayaan mo na lang pagandahin ko ang weekdays mo." Sabi niya sabay kindat. Kung alam mo lang Zayn ikaw ang nagpapasira ng araw-araw ko.

Wala namang masyadong kakaiba or anything special na nangyari ngayon. Normal pa din. Kukulitin ako ni Zayn. Maasar ako sa kanya. Hindi ko siya papansinin. Magso-sorry siya. Tapos magbabati na kami.

Kinabukasan hindi pumasok si Zayn. Ano kayang nangyari dun? But anyway as if I care. Pero nung wala siya nanibago ako. Walang maingay sa tabi ko, walang makulit. Pero at least peaceful naman at tahimik ang araw ko at wala akong kaiinisan. Diba? Kaya dapat maging thankful at matuwa ako. Pero hindi eh. Parang... ang lungkot. Nami-miss ko ba siya? Nami-miss ko ba si Zayn Bautista?

Yuck.

Eww.

Ew. Ew. Ew.

Bakit ko naman siya mami-miss?

Nung Wednesday, hindi pa din siya pumasok. Ano ba yan. Asan na kaya yun. Ang nakakapagtaka lang, ni hindi man lang siya hinanap ng mga teachers namin at hindi man lang sinabi sa'min kung bakit siya absent. Pero siguro nag-text na siya sa teachers namin kaya malamang excuse na yun.

Thursday. Friday. Hindi pa din pumasok si Zayn. Hay nako! Bahala nga siya! Wag na siyang pumasok kahit kailan. Maigi nga yun eh, mawawala ang bwisit sa araw ko. Dapat yata akong magcelebrate...

Gala mode kami today nila Yssa and Toni. Si Patricia umuwi agad. Birthday kasi ng mom niya eh baka sa restaurant sila mag-dinner with her family. Anyway, I texted daddy. Sabi ko magta-taxi na lang ako pauwi. Pumunta kami sa mall nila Toni and Yssa. Iti-treat ko sila. Malapit lang naman ang mall sa school eh. Kumain na kami ngayon sa McDonald's.

"Sophia, para saan 'to?"

"Huh? Ang alin?"

"Bakit mo kami nilibre ni Toni?"

"Ah. Wala. Gusto ko lang mag-celebrate at gusto ko kayong isama sa celebration ko." I grinned.

"HUH?" nagtinginan naman sila at alam ko na nagtataka sila.

"Celebrating what? Eh next week pa naman ang birthday mo ha?" Yssa said.

"Basta. Kasi absent si Zayn mula Tuesday kaya magce-celebrate ako!" Sabay ngiti ko ng sobrang lawak.

"Wow ha? Hindi mo man lang na-miss yung seatmate mo?"

"Like duh? Bakit ko naman mami-miss yun Toni. Mas masaya nga ko pag wala yun eh. Sana wag na siyang pumasok kahit kailan o kaya sana lumipat na siya sa ibang school."

"Grabe ka naman Sophia. Mamaya may sakit na yung tao tapos ikaw nagce-celebrate ka pa diyan." Yssa said.

Wow ha. Bigla akong nakonsensya. Oo nga naman. Baka mamaya may sakit na si Zayn tapos ako nagce-celebrate pa. Whatever. Pakialam ko ba kung may sakit siya? Leche naman kasi sina Yssa at Toni eh para namang kinokonsensiya nila ko. Ang dali ko pa namang makonsensiya.

"Alam mo Zayn, wala namang magandang nangyari sa weekend ko kaya wag mo na lang tanungin."

"Ahh ganun ba? Sige. Hayaan mo na lang pagandahin ko ang weekdays mo."

Ting! Biglang may bulb na umilaw sa head ko. Hindi kaya? Sinadya ni Zayn umabsent para sumaya ko? Hahaha. Ang assuming ko naman masyado. Baka naman may sakit lang talaga yung tao. Pero gusto ko talagang malaman kung bakit absent siya. Hey! Don't get me wrong ha! Curious lang talaga ko pero walang ibang meaning 'to. Palabas na kami ng McDo ng maisipan kong tanungin sina Yssa at Toni.

"Ahm do you know Zayn's house? Or his contact number?"

"Of course not! Hindi kami close kay Zayn noh. Ikaw ngang seatmate niya eh hindi alam. Kami pa kaya?" Toni shrugged.

"Wait. Hindi ko alam yung exact house pero alam ko kung saang street." sabi ni Yssa.

"Huh? Pano mo nalaman?" sabay pa naming tanong ni Toni.

"Kasi one time nasa taxi ako. Kasunod namin yung car nila. Eh uwian na nun. Nakita kong lumiko yung car nila sa Ave Maria St."

***

"Sophia sure ka hindi ka na sasabay sa'min ni Yssa umuwi?"

"Hindi na Toni. Mauna na kayo."

"Asus. Pupuntahan mo lang si Zayn eh."

"H-Hindi ah!"

"Deny pa. Obvious naman."

"Hindi nga sabi." Kahit oo.

"Okay. Whatever. Hindi pa din kami convinced. Basta ingat ka pag-uwi ha? 5:45 na oh." Psh. Aga pa kaya.

"Okay."

"Bye Sophia!"

"Bye Yssa! Bye Toni! Ingat din kayo ah." Nag-wave na sila sa'kin at nagpunta na sa sakayan ng taxi. Bago ako lumakad, nag-wave na rin ako sa kanila.


Saan na ako pupunta ngayon?


Pupuntahan ko ba talaga siya?


CrushMate [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя