Chapter 41

5.2K 89 6
                                        

FORTY-ONE


"My god Patricia! It's already 2:30 pm and nandiyan ka pa din sa kama mo? Nilalamon ka na niyan oh. Come on. Anong oras ka ba natulog?!"

"Bakit ka ba kasi nandito?! Kita mong natutulog pa yung tao eh! Saka sino bang nagpapasok sa'yo dito?!"

"Your mom. At saka duh! May pupuntahan tayo! Diba sinabi ko na sa'yo kahapon?!"

"Huh? May sinabi ka ba?"

Napalagay na lang yung palad ko sa mukha ko. "Ano bang nangyayari sa'yo Patricia?! Bumangon ka na diyan. Aantayin kita sa baba. Bilisan mo ha."

"Eh... ayoko. Nakakatamad bumangon. Gusto ko lang matulog ng matulog hanggang sa makalimutan ko si Zayn."

"Stupid! Nagkakaganyan ka dahil sa isang lalaki? He's not worth your tears." Wow. Look who's talking. Parang ako ilang beses kong iniyakan si Zayn. "Kaya nga kita niyaya lumabas eh para mag-enjoy! To forget for a while. Please Bes, mag-ayos ka na. Di ka na pwedeng umurong because you already said yes."

"Okay. Okay. Eto na babangon na ko. Wait for me sa sala."

Hanggang ngayon wala pa ding idea si Patricia na kaya kami aalis ay dahil kakausapin namin si Zayn. Gusto ko talaga na magkaayos sila. Kahit nasasaktan ako, kaya ko yung tiisin basta makita ko lang na masaya ang bestfriend ko at ang lalaking mahal ko. Wow tanga.

Wala pa atang 30 minutes eh bumaba na si Patricia. Feeling ko nga hindi pa umiinit yung pwet ko sa sofa nila eh ready na agad siya. Nagulat nga ko eh. Usually kasi almost two hours pa bago yan makapag-ayos ng sarili niya.

"Let's go?"

"Uhm... Aalis na tayo?"

"Yeah. Bakit? May hinihintay pa ba tayo?"

Tiningnan ko siya from head to toe. "Are you sure?"

Nakapambahay lang kasi siya eh. Uhm, hindi naman. Matino naman yung suot niya pero nakatsinelas lang siya tapos nakat-shirt at shorts. Hindi naman shorts na super ikli. Level lang ng knee. Bago may mantsa pa ng pintura yung t-shirt niya. Yun ata yung ginamit niya nung nagsleep-over kami nung Grade 6 at naglandi kami ng fabric paint. Yung hair niya mukhang hindi pa din siya nagsusuklay. Parang wala na siyang pakialam sa looks niya kung okay ba o hindi. Nakakapanibago talaga kasi sa aming apat si Patricia ang pinakafashionista at pinakaconscious sa looks. Err... baka isa 'to sa mga changes niya dahil kay Zayn? Hay. Ang tao talaga nagbabago kapag nasasaktan.

"Uhm, tumingin ka na ba sa salamin?"

"May problema ba sa itsura ko Sophia?" this time medyo iritado at mataray na yung tono ng boses niya.

"Uhm, wala naman. Kaso... ano eh... diba... sa mall tayo pupunta. So I think..."

"I get it. Bawal ba ang ganitong suot sa mall? Hindi naman right? After all, matino pa rin naman 'to. Let's go."

Magsasalita pa sana ko kaso lumabas na siya. Di ko maiwasang mag-alala kasi haharapin namin si Zayn tapos ganun ang itsura niya? Siyempre gusto ko din namang maging presentable at maganda siya sa paningin ni Zayn. Pero hinayaan ko na lang si Patricia kasi mukhang hindi ko naman siya mapipilit na magpalit pa ng damit.

Pagdating namin sa parking lot, nagulat din yung Dad niya na ganun yung suot niya.

"Saan kayo pupunta? Sa bahay ba nila Sophia?"

"No Dad. Sa mall. Hatid niyo po kami. Kung okay lang? If you're not busy?"

"Ah, tito wag na po."

CrushMate [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora