Chapter 31

6K 99 9
                                    

THIRTY-ONE


"Ano bang magandang i-decorate dito Cara?"

"Yan na lang isang heart."

"Teka. Hindi ba parang mas maganda 'to?"

"Eto na lang kaya. Hm Sophia ano ba sa tingin mo?"

"Ha? Ah. Mas maganda 'to." sabi ko sabay kuha dun sa isang heart na nakapatong sa table.

In less than 2 weeks na lang kasi Valentine's Day na. Kaya naman nagsisimula na kaming magdecorate ng classroom. And since isa ako sa mga class officers tumutulong din ako. Nakakahiya naman kasi kung hindi diba?

Tinulungan ko lang silang magdecorate at magdrawing ng iba pang designs. Kung may isa pa kong talent yun ay ang pagdraw-drawing. Maganda rin ako magsulat at magaling 'daw' maglettering.

"Uy lahat ba naman ng officers kumikilos? Tsk. Tingnan mo yang si Zayn. Hindi porket escort siya di na siya tutulong sa'tin." sabi ni Cara.

Napatingin naman ako sa direksyon ni Zayn. Nakaupo siya sa tabi ni Patricia at mukhang masaya silang nag-uusap. Kanina ko pa sila napapansin eh. Sa totoo lang, there's something inside me na sumasakit kapag nakikita ko sila or si Zayn na may kasamang iba. I don't know if I'm being jealous pero... ewan ko ba. Wala naman kasi akong karapatang magselos diba?

"Pero infairness, bagay naman talaga sila." sabi ni Denise.

"Hmp. Mas bagay kaya sila ni Sophia."

"Ha? Ano? Huy Cara ikaw ha. Hindi noh. Tss. Sa dinami-damin ng ili-link mo sa'kin si Zayn pa. Nako wag na lang." sabi ko. Ayoko kasi ipahalata sa kanila o sa kahit kanino na may crush na ko. At kay Zayn pa. Ayoko lang sabihin para iwas issue.

Nung matapos na kaming magdecorate, umupo na kami sa kanya kanya naming seats kasi dumating na yung teacher namin para sa next subject. Hindi nga ako gaanong makapagconcentrate kasi ang naiisip ko ay yung si Zayn at Pat kanina na masayang nag-uusap. Tss. Bwisit! Bakit ba sila pumapasok sa isip ko?! Pagbuhulin ko sila eh! Ay nako. Mali. Bad ka na Sophia ha. Baka nakakalimutan mo? Best friend mo pa din si Patricia. Be nice! Saka isa pa, HINDI NAMAN KAYO NI ZAYN! Duh. Anong karapatan mo magselos?

Hindi ko kinausap si Zayn buong araw at hindi rin naman niya ko kinukulit. At... at... namimiss ko yung kakulitan niya? HELL NO! I mean... FINE!! OO NA! OO NA! Namimiss ko na! Inayos ko na yung mga gamit ko at yung locker ko, saka ko pumunta sa may parking area. May upuan din naman dun so dun ko na lang aantayin si Dad.

Habang naglalakad ako nakita ko na naman sila sa may hallway. Nag-uusap pa din sila at silang dalawa lang ang magkasama. Close na kaya sila? May naramdaman ako na hindi magandang mangyayari kaya umiba na lang ako ng daan. Naka-side view si Zayn at nakita niya ata ako sa peripheral vision niya at napatingin siya sa'kin. Pero tumalikod ako at tumakbo agad. Gusto kong umiwas.

Nung nakarating na ko sa may parking area medyo marami ring students dun. Siguro inaantay din yung mga sundo nila. Umupo ako sa isa sa mga upuan dun. Nagulat ako nang may tumabi sa'kin.

"Bes. Bakit mukhang malungkot ka?"

"Ha? Uy Bes, ikaw pala." I forced a smile. Ayokong mahalata ni Ken na may bumabagabag sa'kin.

" Wag ka ngang ngumiti kung labag naman sa loob mo."

"Ha?"

"Anong ha ka diyan. Ngayon sabihin mo sa'kin. Anong problema?"

"Ha?"

"Ano ba! Wag ka ngang ha ng ha diyan! May problema ka noh? Sabihin mong hindi sisipain kita."

CrushMate [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora