Chapter 50

4.5K 89 14
                                    

FIFTY


"Oh my god Sophia! Yun ba talaga yung nangyari? I can't blame Pat kung magalit nga siya sa'yo." Yssa said. Nandito kami ngayon sa coffee shop malapit sa school. Uwian na at niyaya ko muna sila dito. Kailangan ko kasi ng karamay and I'm glad that they are always here... and they are still here.

"Bakit mo naman kasi ginawa yun? Saka bakit hindi mo sinabi sa'min? I knew it. Dati pa lang nahalata na kita na may gusto ka kay Zayn. First year pa lang tayo." mukhang naiinis pa si Toni nung sinabi niya sa'kin yun.

"Galit ka rin ba sa'kin Toni?" she looked at me.

"No. Why would I? Sorry pero hindi ko lang maiwasang hindi mainis. You see... I'm not taking sides. Pareho ko kayong bestfriend ni Patricia. Wala akong kinakampihan sa inyo. Pero Sophia, sorry to say. Sa tingin ko kasalanan mo 'to."

I just smiled at her and then I sighed. "Yeah. I know. Alam ko. Sa tingin niyo ba mapapatawad pa ko ni Pat?"

Nagtaas lang silang dalawa ng balikat. "Siya lang ang makakapagsabi niyan Sophia." Yssa said.

***

Tumunog na yung bell. Lunch time na.

"Okay class. Bukas na lang natin itutuloy ang discussion, don't forget to do your assignments."

Isa-isa nang naglabasan ng classroom yung mga classmates ko. Yumuko lang ako dun.

"Hey." Inangat ko yung ulo ko.

"What?" nilagay niya yung index finger niya sa noo ko at medyo tinulak niya yung ulo ko. Hindi naman malakas at hindi din naman masakit. "Anong what what ka diyan. Hindi ka ba kakain ng lunch?" Umiling lang ako.

"Oh. So, diet ka?" he chuckled. Hinampas ko siya sa braso.

"Zayn naman eh!"

He smiled at me. "Let's go." hinila niya yung kamay ko. "Sa ayaw at sa gusto mo, kakain ka. Sabay na tayo."

Nung palabas na kami ng room, nakasalubong naman namin si Toni at Yssa. Mukhang sumenyas si Yssa kay Zayn na kailangan nila kong kausapin at mukhang nagets naman niya agad yun.

"Ah sige Pia, hintayin na lang kita sa canteen."

"Okay."

Pumasok si Yssa at Toni sa classroom habang bitbit bitbit yung tray nila. Sumunod na lang ako sa kanila.

"Kinausap namin si Patricia." Toni said. Seryoso silang dalawa kaya medyo nakaramdam ako ng kaba.

"A-Anong s-sabi niya?"

She looked at me. "She's badly hurt Sophia. Ganun niya kamahal si Zayn that she even cut herself." napanganga ko sa gulat nung sinabi yun ni Toni. Si Patricia? Nagawa niyang maglaslas?

"I saw her cuts." this time si Yssa naman yung nagsalita. "They're deep. Sophia, she's not even eating her meals. Lagi siyang nagpupuyat and her nanny said nagkukulong lang siya sa kwarto. Hindi rin siya nagsasalita sa kanila. Normal na naman yun because Patricia is not the noisy type pero alam mo yun... nag-iba talaga siya."

"Ganun siguro ang tao. Nagbabago kapag nasasaktan." sabi ni Toni.

Napaupo ako. "This is all my fault."

"Hindi ka namin iispoil. Oo kasalanan mo yun Sophia. But we are not blaming you kaya sana wag mo din sisihin ang sarili mo."

"Toni, Patricia is ruining her life because of me."

CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now