Chapter 4

9K 106 6
                                        

FOUR


Today is Saturday pero napakaboring. Wala naman akong magawa kaya nagbukas na lang ako ng facebook account ko. 3 requests, 1 message, 24 notifications. Inuna kong buksan yung notifs. Puro likes and comments ng mga classmates ko sa photos ko.


"Wow! Ang cute mo talaga Sophia!"- Ella

Nice one. Ang ganda ng muse namin! Panalo ka na niyan sa pageant! ^^- Lester

Haha. Cute mo Bes!- Toni

Sus! Ikaw na! :P ^_^v- Patricia

Dondo na mabaet pa! - Yssa


At marami pang iba. Nag-thank you naman ako sa kanila. Haha. Feeling artista lang ako noh? Then pagkakita ko, nag-comment si Zayn sa prof pic ko.

Naks. Ganda ng Seatmate ko ah. Like duh? Maganda na talaga ko. Dati pa. Lol. Ako na makapal ang mukha. But. Srsly. Pinagtitripan na naman ba niya ko? Baka nakalimutan niyang may atraso siya sa'kin kahapon! Chinat ako ni Zayn pero nag-offline ako sa kanya. Feeling niya ata eh gusto ko siyang kausapin. In his dreams!

Next kong tinignan yung friend requests.


1 friend request from Johanna Marie


Sinong Johanna Marie 'to? Whatever. Accept ko na nga. Mutual friend is Zayn. Ano kaya 'to ni Zayn?


1 friend request from Ken Agustin


Isa pa 'to. Hindi ko naman kilala. Pero dahil marami siyang mutual friends at karamihan ay schoolmates ko, in-accept ko na lang din.

At ikinagulat ko talaga yung 3rd request


Relationship Request From Zayn!!! WTH!!! Nang-aasar ba talaga siya?!? I looked at my chatbox and nakita ko na online pa rin si Zayn.


Sophia Mae: Hoy!

Zayn: oh ?

Sophia Mae: Ano ba talagang problema mo?

Zayn: kaw

Sophia Mae: Huh?? What do you mean??

Zayn: kaw sabi. kaw problema ko.

Sophia Mae: ???

Zayn: la. sabi ko ganda mo.

Sophia Mae: Bakit ka nag-sent ng in a relationship request?! Nang-aasar ka ba ha?!

Zayn: la lang.

Sophia Mae: Anong wala lang??

Zayn: wag mo ngang bigyan ng kahulugan un

Sophia Mae: Ano ka ba. Siyempre hindi ko bibigyan ng kahulugan yun!

Asa naman siyang may meaning yun para sa'kin.

Zayn: e di iaaccept mo ?

Sophia Mae: Natural hindi.

Zayn: ok


Nonsense. Hindi ko na siya sinagot. Kainis eh. Ikaw ba naman biglang mag-sent sa'yo ng in a relationship request? Ay, may message pa pala . Di ko pa nabubuksan.


Message from: Ken Agustin

Hi Sophia! =)


Laaah? FC? Hindi ko nga 'to kilala eh. Hindi ko na lang pinansin. Nag-offline na ko. Boring na kasi sa facebook eh. Offline naman sina Yssa, Patricia, and Toni. Ayos din tong mga 'to eh. Kung kelan ako online saka naman sila offline. Nag-twitter and tumblr na lang ako. After that, pinatay ko na yung laptop at nagbasa na lang ng magazine. Grabe talaga pag weekends, papatayin ako sa boredom. Pag weekdays naman, mamamatay ako sa kabwisitan kay Zayn. Hay. Buhay.


***


Sunday.

Nagsimba lang kami ng family ko. Except for Ate Liane. May photoshoot kasi siya eh. She's a cosplayer. Kainggit noh? Pero hindi ako naiingit. Wala naman akong interest sa pagko-cosplay eh. After naming magsimba, nagpunta kami sa mall. Bibili pa nga pala ko ng album ng One Direction! Nagpaalam muna ko kina mommy and daddy na bibili lang ako sa Astro Plus. Sila naman dumiretso na sa Super Market .

Lalalala. Excited na ko! Habang naglalakad ako nararamdaman kong unti-unti nang mapapasakamay ko ang 1D! Hahaha. Ang OA ko na. Pagpasok ko nag-iisa na lang yung album! YES!!! Kaso pagkahawak ko, saktong may isa pang girl na humawak din dun sa album. Kaya ang itsura namin ngayon pareho kaming nakahawak sa album.

"Ahm Ate? Pwedeng ako na lang po ang bumili ng album? Please." What? Ayoko nga noh! Sa'kin 'to! Akin ang 1D ko!

"Ehhh... ayoko po.."

"Sige na po please?"

"Ehhh..." Asar. Ang kulit naman nitong babaeng 'to eh. But she looks familiar. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita. Ahh basta! Hindi ko pa din isu-surrender ang album! Sa'kin toh! Sa'kin!

"Sige na po miss, birthday ko po ngayon eh. Akin na lang po 'tong album." Ayaw! Kahit birthday pa niya hindi ko 'to ibibigay!

"Ehhh... Ayaw!" Binitawan na nung girl yung album. Paalis na sana siya, kaso nakaramdam ako ng guilt. Eh kasi naman eh! Parang iiyak na siya!

"Uhm... Hey! Wait lang!" Tumingin siya sa'kin. "S-Sige na. I-Ikaw na ang kumuha. Uhm... b-bibili na lang ako next time. Saka birthday mo naman d-diba?" Pagkasabi ko nun nagliwanag ang mukha niya at niyakap niya ko.

"Yay!!! Thank you po Ate! Thanks talaga! Salamat!" Nagtatatalon pa siya dun. Asaaar. Bakit ba kasi ako inatake ng konsensya ko? Ayan tuloy parang gusto ko ng mamatay sa sobrang inggit habang pinapanood ko siyang nagbabayad sa cashier. Umuwi akong sobrang sobrang sobrang sawi. Napansin din ata yun nila Daddy at Mommy.

"Oh? Anak bakit ganyan ang mukha mo?"

"Is there a problem Sophia?"

"Wala po. I'm fine. Don't mind me."

"Nabili mo na ba yung album na gusto mong bilhin?"

"Hindi po."

"Huh? Why?"

"Out of stock na po." I lied.

Pagdating sa bahay nag-lock na lang ako sa kwarto ko at sinalang ko na lang sa CD Player yung album ni Selena Gomez. Nakakaasar talaga. Dapat hindi ko na lang sinurrender ang album ng 1D! Edi sana pinapatugtog ko na yun ngayon. I'm so stupid. Bakit ba kasi ako nakaramdam ng guilt kanina? Nakakaasar talaga.

Inayos ko na lang yung things ko for tomorrow. Monday na naman. Makikita ko na naman si Zayn. Anak ng tokwa naman oh. Wala na ngang nangyaring maganda sa weekend ko sana naman gumanda ang monday ko.


CrushMate [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora