FIFTY-FIVE
Sophia's POV
Nagkasalubong kami ni Pat sa hallway. I feel so great na okay na kami. Na okay na ang lahat. Finally.
"Good Morning Bes."
"Good Morning din." she smiled at me. "Hindi mo ata kasabay ang boyfriend mo ngayon?"
"Boyfriend?" tumawa ko. "Zayn is not my boyfriend."
"Not just yet." she said as she winked at me.
Sabay na kaming pumunta sa classroom. Excited na excited ako pumasok. Una dahil sa ngayon ipapasa yung project na pinaghirapan namin at pangalawa, dahil okay na ulit kami. Nagulat pa nga yung mga classmates namin nung nakita nila kami na magkasama. It's like seeing an oil and water mixed.
"Oh my god! Okay na kayo?" Toni asked. She looks so amazed na para bang di niya inexpect na magbabati pa kami.
"Obvious ba?" I told her. Nagyakap kaming apat dun. Everything seems so... normal and great. Basta hindi ko maexplain. Sobrang saya ko lang talaga.
Nung dismissal time na we were supposed to have a gimik pero sinabi ni Zayn na siya na daw ang maghahatid sa'kin dahil liligawan niya na ko formally. Sabi ko pwede namang wag muna ngayon kasi kakabati lang namin ni Pat. Pero sabi naman ng bestfriends ko we can just hang out the next day.
"Akin na yang bag mo."
"Ha?"
"Akin na kako yang bag mo."
"Wag na."
"Kulit." kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa niya.
"Anong ginagawa mo?"
"Nagtetext."
"Alam kong nagtetext ka. I mean, sino namang tinetext mo? May babae ka siguro ano?" I was just joking but Zayn looked at me na parang may nasabi akong masama.
"Sira. Maghahanap pa ba ko ng iba eh yung babaeng antagal ko ng mahal nandito na sa harap ko. Yung babaeng ang tagal kong pinangarap kasama ko na, ang tanga ko namang lalaki kung papakawalan ko pa." Natigilan ako. Pakiramdam ko kasing pula na ko ngayon ng kamatis. This guy knows how to hit me. "Kalma. Pulang pula ka na eh."
Hinampas ko siya sa braso pero hindi lang niya yun pinansin. Hinigit niya yung kamay ko.
"Ikaw! Ang hilig mo kong hilahin. Saan na naman ba tayo pupunta ha?"
"Tinext ko na yung driver mo. Magcocommute lang tayo."
"Commute?! Bakit? Sasakay tayo ng taxi?"
"Hindi." pumara siya ng tricycle. Pero bago kami sumakay, may tinanong pa siya sa'kin. "Bakit? Pag kayo ba ni Ken taxi ang sinasakyan niyo?"
"Uhm minsan pero—"
"Manong hindi na po kami sasakay."
Mukhang naasar pa yung driver nun tapos hinila na naman niya ko at pumara siya ng taxi.
"Are you serious?" Hindi niya ko pinansin. Binuksan lang niya yung pinto ng taxi at pinauna niya kong sumakay. "Kailan ka ba natutong sumakay ng kotse?"
He looked straight to my eyes. "Sa Australia." then he looked away. "You know what Pia, naiinsecure din kami paminsan minsan. And thinking of it na kung sa pagsakay pa lang ng kotse lamang na si Ken sa'kin, natakot ako na mas malamangan pa niya ko sa ibang bagay. I can't be a coward forever. Sino na lang ang magdadrive ng family car natin sa future? Kawawa ka naman kung hindi makapagmaneho ang asawa mo. Kawawa din ang mga magiging anak natin."

KAMU SEDANG MEMBACA
CrushMate [COMPLETED]
Fiksi RemajaThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...