NINETEEN
Monday na naman ngayon. Nakakatamad pa. Kahit kailan talaga bitin ang weekends. Habang naglalakad ako sa hallway, inaantok pa din ako. Ano ba yan. Nasa may corridor pa lang ako, naririnig ko na silang nagsisigawan. Ano ba yun? May nangyari ba? May artista ba? Psh.
Pagkapasok ko, lalo pa silang nag-iritan. Yung mga boys naman, nilapitan ako at nginitian then ti-nap sa shoulder. Sila Yssa and Toni niyakap ako at tumatalon pa sila. Can someone tell me what's going on?!
"OMG! OMG! OMG! Sophia! You made us proud! We are very happy!"
"Oo nga girl! Congrats! We are so proud to be your BFF!"
HUH?
Sunud-sunod na sabi yan nila Yssa and Toni. Ano ba kasi talaga pinagkakaguluhan nila? Tumingin ako kay Ma'am and she is smiling. She's also looking at me.
"Uhmm Ma'am. I don't understand. Ano po ba yun?"
She looked at Yssa.
"Ms. Callanga dalhin mo nga si Ms. Santos sa may bulletin board. And show her."
"Yes Ma'am!" Ngiting-ngiti na sabi ni Yssa.
"Tara na bilis Sophia!" kinaladkad na nila kong dalawa! Girls, pwede bang bagalan niyo? Baka madapa tayo. Ayoko magkasugat!
Pagdating namin sa Bulletin Board ng campus, marami ring tao. Ano bang meron? Results of grades? Eh malayo pa naman ang exam ha? May incoming events ba? Ano ba talaga? Ayoko pa naman sa lahat ng nanghuhula! Ayoko ng wala akong alam!
"Excuse me! Excuse me po! Tumabi po kayo!" Sabi ni Toni habang hinahawi niya yung iba pang students. Nakihawi na rin si Yssa. While ako naka-crossed arms lang dun. I have no idea kung ano yung ikinakatuwa nila. Really! Kahit 1% wala talaga!
Nung nahawi na yung mga tao hanggang sa kami na lang ang natira...
Is this true?
Omg. Omg. Omg. Omg.
OMG.
Nakapasa ko sa auditions!!! WAAAAHHH. GRABEEEEE.
Hanggang breaktime hindi pa rin ako makaget-over. Sorry naman kung naging OA ako. Well, hindi naman ako nagtatatalon at humiyaw kagaya ng mga classmates ko. So meaning, mas OA sila. Eh kasi naman! Auditions yun! As in buong school! Well, 1st audition pa lang naman yun eh. Nominations pa lang ng mga nakapasok na first year. Tatlo kaming nakapasok and mamimili pa sa'ming tatlo kung sino ang ilalaban sa ibang year. Grabe. Sobrang proud na proud ako sa sarili ko. And of course, pati yung classmates at adviser namin dahil dala-dala ko ang pangalan ng section.
Nag-audition ako nung Friday. The day before namin i-practice yung role playing namin. Speak Now ni Taylor Swift yung kinanta ko. Tinamad na kasi akong pumili ng kanta and besides, kabisado ko rin naman yung chords nun sa guitar.
Absent nga pala si Patricia ngayon. Nag-text siya sa'kin this morning na may fever daw siya. Nako naman. Nagpaulan ata yun eh. Mahilig kasi yun maligo sa ulan. Ayan. Nagkasakit tuloy. Ngayon pa naman din yung role playing namin sa—OH NO. OH MY GOD! PAANO NA?! PATAY AKO KAY SIR NITO! Ang halaga pa naman ng role ni Pat!
Pinatawag ko ang mga members ko. Nag-meeting kami and pinag-usapan kung paano namin gagawin yung play kung wala yung leading lady ng lead role. I looked at my wrist watch. Ilang minutes na lang magsisimula na ang preparations namin sa play. Mamaya pa naman yung hapon pero kahit na! Sino ang ipapalit ko kay Patricia? Dapat yung classmate ko na kasing katawan niya para magkasya yung gown and dapat madali ding makasolo ng lines!

YOU ARE READING
CrushMate [COMPLETED]
Teen FictionThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...