Chapter 58

3.1K 62 3
                                        

FIFTY-EIGHT


Papunta na sana ako sa canteen nang makita ko na makakasalubong ko si Zayn kaya tumalikod ako at umikot sa kabilang daan. Kalahating araw ko na siyang iniiwasan pero hindi 'to madali. Kailan nga ba naging madali para sa'kin ang iwasan siya?

"Sophia." nang marinig ko ang boses niya mula sa likod ko, automatic na binilisan ko ang lakad ko.

"Sophia sandali lang. Wag ka namang tumakbo." Hindi ko siya pinansin at mas binilisan ko pa ang lakad ko.

"Sophia." Tumakbo ako. Pero alam ko na nasa likod ko pa rin siya at hinahabol ako. Napatigil lang ako dahil hinawakan niya yung braso ko.

"Sophia, makinig ka."

"Ayoko."

"Sophia, magpapaliwanag ako."

Hinigit ko yung braso ko mula sa kamay niya. "Wag na. Hindi na kailangan. Hindi rin naman ako magpipilit eh. Kaya sige na, puntahan mo na si Cleo, Zayn. Wag na tayo maggaguhan dito." Lalakad na sana ko pero tumingin ulit ako sa kanya. "Wag mo na ko sundan Zayn. Dahil kahit ano pang sunod mo, hindi na mababago yung desisyon ko. Break na tayo."

Iniwan ko siya doong nakatulala. Siguro nga, nabigla lang ako. Nadala lang ako ng emosyon ko kaya ko nasabi yun. Pero gustuhin ko mang bawiin yung nabitawan kong salita, hindi ko magawa. Ipinagpatuloy ko na lang yung paglalakad ko palayo sa kanya. Naguguluhan talaga ko. A part of me wants to listen to him. But a part of me also wants to walk away from him.

Sa kakatakbo ko may nabangga pa akong lalaki. Hindi ko siya napansin dahil nakayuko ako.

"Sorry." Sabi ko ng hindi nakatingin.

"Okay lang. Wait... Sophia?" tumingala ako para tingnan siya. Si Ken. "Sophia? Teka, umiiyak ka ba?"

Yumuko agad ako. "Hindi ah."

"May problema ba?"

"Wala ah."

"Sophia..." Hinawakan niya yung balikat ko. "Para saan pang naging magbestfriends tayo kung hindi mo din masasabi sa'kin ang problema mo?"

Hindi na ko nakapagsalita. Niyakap ko si Ken at umiyak ako sa kanya. Niyakap lang din niya ko pabalik at hindi na siya nagsalita. Pagkabitaw ko sa kanya nakita ko na papalapit sila Patricia, Toni, at Yssa.

"What happened? Ken pinaiyak mo ba ang bestfriend ko?" Patricia said as she glared to Ken.

"Hala? H-Hindi ako ah! Tinatanong ko nga siya kung anong problema eh." tumingin silang apat sa'kin.

Huminga ako ng malalim bago ko sinabing, "Break na kami ni Zayn."

"ANO?!" sabay sabay nilang sabi. Ikwekwento ko pa sana sa kanila yung nangyari pero nagring na yung bell, meaning tapos na ang breaktime namin. Sinabi ko sa kanila na mamaya ko na lang ikwekwento.


***


"So yun na yun? My god Sophia Mae! Dapat ipinagpaliwanag mo man lang si Zayn." Sabi ni Toni habang hinahampas hampas pa yung kamay niya sa table ng cafeteria. Mabuti na lang at dismissal time na kaya wala ng masyadong tao dito.

"Para saan pa? Mukha namang mahal nila ang isa't isa. Ayokong sirain yung relasyon nila na naudlot dahil sa pag-uwi ni Zayn dito. At saka nabigla lang naman din ako."

"Sophia come to think of it. Kung si Cleo talaga ang mahal ni Zayn bakit ka niya binalikan dito? Bakit niya iniwan si Cleo para sa'yo?"

"E-Ewan ko."

CrushMate [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin