SIXTY-SEVEN
Sophia's POV
Nagising ako sa sobrang lamig. Nakalong sleeves na ko. Nakadoble ng damit at nakabalot ng makapal na kumot. Pero hindi pa rin sapat yun para hindi ako lamigin. Pagbangon ko, sumilip ako sa labas. Umuulan ng snow. December na naman. Malapit na namang magpasko.
Pang-ninth Christmas ko na pala siyang hindi nakikita. Siyam na taon na siyang wala sa tabi ko. Siyam na taon na kong nagtitiis. Siyam na taon na kong nandito sa America at nakikibalita sa kanya. Buti pa si Patricia at Ken, engaged na. May magaganda na rin silang career. Si Zayn kaya? Nahihiya naman akong itanong sa kanila at natatakot din akong malaman yung sagot. Baka mamaya, siya nakakailang girlfriend na dun. Baka nagpapakaplayboy na siya dun. Baka nga engaged na siya and worst, baka may sarili na siyang pamilya. Wag naman sana...
"Tita Sophia..."
Lumingon ako sa likod ko. "Hey Frances. I told you to knock on the door before entering my room, aight?"
"Sorry. I can't see mommy kasi eh."
Kinarga ko ang four and a half year old niece ko na si Frances. Nakapangasawa si Ate ng isa ding Filipino dito. Si Kuya Stan. Ang family ni Kuya Stan ang nagmamay-ari ng clothing line na pinagtatrabahuhan ng Ate ko na sa kasalukuyan ay isang kilalang fashion designer. Habang ako, teacher sa isang performing arts school dito. Director din ako ng mga theater play.
"Tita? Who is Zayn?"
Kumunot yung noo ko. "Why are you asking?"
"I heard Mommy and Grandma talking last night about you and Zayn. Is he that guy from the boy band?" Natawa naman ako sa sinabi ni Frances. Ang akala niya, si Zayn ng One Direction ang pinag-uusapan nila Mommy.
"No baby. He's my... my uhm.. he's a special friend."
"Where is he?"
"You are going to meet him someday baby."
Days passed. Ano na kayang ginagawa ni Zayn ngayon? Ano na kayang itsura niya? Naaalala niya pa ba ko? Iniisip rin ba niya ko kagaya ng palagi kong ginagawa sa kanya? May pakialam pa ba siya sa akin?
***
"But Sophia you have to go there!"
"Ate ayoko! AYOKO. Bakit ba kasi ako pa?! Ang dami namang iba diyan oh. Pumili ka sa mga employees na mas mababa ang rank kaysa sa'kin!"
"Sophia pwede ba. Sa ngayon trabaho muna ang isipin mo at hindi ang kung anu-anong bagay. Ang hirap kasi sa'yo affected ka lagi kay Zayn! Hindi porket pupunta ka ng Pilipinas siya na agad yung dahilan."
"Ate maliit lang ang Maynila. Paano kung magkatagpo kami ulit dun?"
"Eh ano naman? Siya ba ang pinunta mo? TRABAHO mo ang pakay mo at hindi ang balikan siya. Maigi nga na magkita kayo ulit eh ng matapos na yang kabaliwan mo sa kanya. Siyam na taon na ang lumipas Sophia. Hindi na kayo mga bata kaya pwede ba yang utak mo paganahin mo na."
Ayoko ng makipagtalo pa. And that's it. Sa ayaw ko man o sa gusto, I packed my things. After nine years, ngayon lang ulit ako babalik sa lugar na pinanggalingan ko. I informed everyone, except HIM na babalik na ako ng Pinas. My bffs are so happy. I told them not to tell Zayn. Ayoko na malaman niya dahil ayoko rin na makita siya. Scratch that. Hindi ako handa na makita siya. Natatakot akong malaman na baka hindi na ako ang mahal niya. Baka nagbago na yung nararamdaman niya. I can't blame him though because I left him hanging. 25 years old na ko but I'm still a coward.

KAMU SEDANG MEMBACA
CrushMate [COMPLETED]
Fiksi RemajaThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...