Chapter 49

4.9K 88 14
                                    

FORTY-NINE


I was dumbfounded. Hindi lang pala ako. Lahat pala kami. Pare-pareho kaming nakatayo lang din at wala agad nakapagreact sa'min. Mukhang lahat kami nagulat. Hindi ako mapakali. Parang ayaw magprocess sa utak ko. Ayaw mag sink-in. The next thing I knew is nakaupo na si Zayn sa lapag habang pinupunasan yung dugo sa labi niya. Sinuntok siya ni Ken.

"EH KUNG DI KA RIN NAMAN PALA GAGO EH!" Nun ko lang nakita si Ken na ganun. Sobra siyang galit. Nakakatakot. Nakafold yung fists niya at parang ang diin diin ng pagkakakagat niya sa ngipin niya. Nanlilisik din yung mga mata niya. Parang gustong gusto niya nang patayin si Zayn.

Dahan-dahang tumayo si Zayn at tingnan niya si Ken. Binigyan niya ito ng nakakainsultong ngiti.

"Chill pare. Alam mo namang—" hindi pa natatapos magsalita si Zayn napaupo na naman siya. Sinuntok ulit siya ni Ken.

"SIRAULO KA DIN NAMAN PALA EH! GAGO KA! ALAM MO NAMANG KAMI NA NI SOPHIA DIBA?! KUNDI KA DIN NAMAN HAYOP! ANONG KARAPATAN MONG HALIKAN SIYA?! GAGO KA." paulit-ulit na nagmumura si Ken dun. "ANG LAKAS DIN NG LOOB MONG HALIKAN SIYA! NI WALA KANG RESPETO! AKO NGANG BOYFRIEND NIYA HINDI KO GINAGAWA YUN DAHIL GINAGALANG KO SIYA! GAGO KA TALAGA BAUTISTA!"

Wala pa din kaming reaksiyon ni Patricia. Pareho lang namin silang pinapanood. Napatingin ako sa kanya. I saw that she was crying. Nooo... my bestfriend is crying because of me.

"Sophia..." she called my name.

Nahihiya ako. Ayokong tumingin sa kanya. Ayoko siyang lapitan.

"Sophia..." she called again.

Napatingin ako sa kanya. She smiled at me. Nagulat ako kung bakit nagawa niya pa kong ngitian after she saw what happened. Pero nagulat ako dahil lumapit siya sa'kin and...

Sampal.

Sampal ang natanggap ko mula sa kanya. Napahawak ako sa left cheek ko. Pakiramdam ko sobrang pula na nun ngayon. Hindi ko na din napigilan at naiyak na ko. Pagtingin ko kay Patricia wala na yung ngiti sa mukha niya kanina.

"That's for cheating behind my back. And this..."

She slapped me again. This time sa right cheek ko naman.

"This one's for being a fake bestfriend. Thank you for breaking my trust Sophia. Na-appreciate ko yun grabe! Napakabuti mong bestfriend!" she said in a sarcastic tone.

Sasampalin pa sana niya ko ulit pero pinigilan siya ni Zayn. "Pat tama na."

"How dare you! Don't you dare touch me you jerk! F*ck! Magsama kayo! Pareho kayong manloloko!" binitawan na siya ni Zayn.

"Patricia makinig ka muna! Let me explain. Walang kasalanan dito si Sophia!"

"Sige ipagtanggol mo pa siya! I hate you! I hate both of you! Go to hell cheaters!"

"Patricia hindi ganun yun. Makinig ka sa'kin."

Pero hindi nakikinig sa kanya si Patricia. Umiiyak lang 'to at paulit-ulit niyang sinasabi kay Zayn na manloloko ako, na manloloko kami. Tiningnan ko si Ken. Mukhang nagpipigil siya ng galit

"Ken—" tinawag ko siya pero hindi niya ko pinatapos sa sasabihin ko.

"Let's go Trish..." inakbayan niya si Patricia. "Ihahatid na kita pauwi." then he stared at us. A cold stare. "Bye cheaters." he said coldly.

Naiwan kami ni Zayn dun na nakatayo at nakatulala. Umiyak na ko. Galit sa'kin si Ken. Galit sa'kin si Patricia. I'm such a bad girl. I'm a useless bestfriend and a bad girlfriend. Tama nga si Patricia. Wala akong kwenta. I deserve this. I'm a cheater and a guy stealer.

CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now