SIXTY-TWO
"Ken may date ka na?"
"Oo."
"Sino?"
"Si Patricia."
"SI Pat?! Niyaya ka niya?!"
"Oo. Bakit?" Wow! Ang galing naman ni Patricia. What a brave girl. Sana ganun din kalakas ang loob ko para mayaya si Zayn.
"Ikaw? Date mo na ba si Zayn?"
"Uhm. Niyaya niya ko before i-announce yung theme ng prom. So I guess hindi ko na siya kailangang yayain. Diba?"
Nakakunot lang yung noo ni Ken sa'kin. "So hindi mo pa siya niyaya?"
Umiling ako. "Yayain mo na siya Sophia."
Hindi ko makuha yung courage ko para mayaya si Zayn sa prom. Ano bang dapat kong sabihin? Wala rin naman siyang sinasabi tungkol dun. Nung breaktime nakatambay sila Ken at Zayn sa may corridor. Kami namang girls, nakaupo lang sa loob habang nagkwekwentuhan. Buti pa sila may date na. Si Yssa nga na walang boyfriend, nagawang yayain yung isa niyang suitor. Wow.
"Nayaya mo na ba siya?" Napatingin ako kay Toni. Nakatingin silang tatlo sa'kin. Umiling ako. "Bakit hindi pa?"
"Nahihiya ako eh."
"Pft. Nahihiya saan Sophia? Bes, kung si Ken nga na hindi ko boyfriend nayaya ko eh. Ikaw pa?"
"Oo nga. Ako nga hindi ko pa boyfriend si Nygel, nayaya ko na siya eh." Yung tingin nila sa'kin, nalipat kay Yssa.
"Hindi mo pa boyfriend Yssa? So may chance si Nygel sa'yo?" Nung tinanong yun ni Pat namula siya.
"Ayiiieee." Tinukso namin siya.
"Wait. Si Sophia pinag-uusapan eh bakit napunta sa'kin?" Bumalik ulit yung tingin nilang tatlo sa'kin.
"Bes, yayain mo na kasi si Zayn. Sabi sa'kin ni Ken kanina wala daw nagyayaya kay Zayn kahit madaming nagkakagusto sa kanya, kasi daw alam ng lahat na ikaw na ang date niya."
"Tama si Patricia. And I doubt na papayag siya kung may iba mang magyayaya sa kanya. Diba? Go ahead. Baka ikaw lang ang hinihintay niya."
In-encourage ako ng gal bestfriends ko. I decided na sa dismissal time ko na lang siya yayayain. Kinakabahan ako. Kasi naman eh... nakakahiya talaga. Dumating yung dismissal time, usually sabay sabay ang tropa na nalabas ng room pero dahil alam nila yung balak ko, nauna na silang lumabas ng classroom hanggang sa kaming dalawa na lang ang natira ni Zayn.
"Pia hindi ka pa ba uuwi? Bakit hindi tayo sumabay sa kanila? Hatid na—"
"Be my prom date." Nakatingin ako sa lapag habang sinasabi ko yun.
"A-Ano?"
"I said be my... my... bahala ka! Hindi ko na uulitin yung sinabi ko!" Alam ko namang narinig niya eh. Gusto lang niya na ulitin ko! He's teasing me. Bad boyfriend!
I heard him chuckled. "Oo na. Akala ko hindi mo ko yayayain eh. But I feel kinda... disappointed." Disappointed? Disappointed naman saan?
"Disappointed ka dahil ako yung prom date mo?"
"Boplaks. Disappointed ako kasi akala ko gagawin mo man lang romantic yung pagyayaya mo sa'kin. Yung you know, hindi ordinary na pagyayaya." Tapos nagpout siya. Hmp. Pacute pa 'to. Inakbayan niya ko at nagsimula na kaming maglakad. "Anyway, okay lang yun. Basta ikaw ang date ko. Magwhite na gown ka ha. Magwa-white akong tuxedo eh."

YOU ARE READING
CrushMate [COMPLETED]
Teen FictionThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...