Epilogue

1.8K 76 28
                                        

Epilogue


I received a letter from Cleo. May kasama pa ngang pictures. She is now happy and meron na siyang sarili niyang pamilya. She said she was really hurt that time dahil kay Zayn. But now nung nabalitaan niya na ikakasal na kami, she was really happy that we were still together. Cleo was really kind. Sana mabigyan pa kami ng chance na maging friends.


***


"Bagay sa'yo yang damit mo anak. Grabe ang ganda ganda mo talaga!" She smiled at me. "At iyang make-up at buhok mo mas gumanda ka lalo." Tiningnan ako ni mommy from head to toe. "Hay. Ang bilis nga naman ng panahon. Parang kailan lang buhat buhat pa kita ngayon... bubuo ka na ng sarili mong pamilya." Nagpahid si mommy ng luha niya.

"Mom! Wag na nga kayong magdrama. Bibisita naman ako palagi sa inyo ni Dad eh." Niyakap ko siya.

Pagdating namin sa may church pinaporma na kami lahat. Siyempre sa huli ang bride. Si Daddy ang maghahatid sa'kin. Nakita ko na pati siya naiiyak din. "Anak... masaya ka ba?"

"Oo naman Dad. Sobra." Pati tuloy ako naiiyak na.

Niyakap ako ni Daddy at nagsimula na...


[NOW PLAYING: FIRST LOVE INSTRUMENTAL- UTADA HIKARU]


Ganito pala yun. Ganito pala yung feeling ng naglalakad ka sa altar.

"ARGH! Ano ba! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! Are you blind or something?!"

Those were the first words na nasabi ko sa kanya. Ang galing noh? Tanda ko pa. Who would've thought na ang lalaking nakabungguan ko lang, kinainisan, nakatabi, naging kaibigan, at minahal. Siya rin pala ang mapapangasawa ko. Ang makakasama ko in the future.

Ganito pala yun. Ganito pala yung feeling ng naghihintay sa'yo yung lalaking mahal mo sa may altar.

"What? Excuse me.. hindi kita crush noh! And that will never ever happen! Over my dead body!"

I ate those words. Dahil hindi ko lang siya naging crush. Hindi ko lang siya nagustuhan. Minahal ko siya...

He smiled at me. "Ngayon ko lang na-realize, may chemistry pala tayo." he winked at me.

Dugdug. Dugdug. That's the first time I heard my heart beat so fast because of someone. At hanggang ngayon... Dugdug. Dugdug. Naririnig ko pa din sila.

I thought sa'kin siya nakatingin pero kay Pat pala. Akala ko gusto din niya ko. Akala ko mahal din niya ko. Akala ko lahat ng biro niya totoo. Akala ko ako yun. Puro akala lang pala. And worst is, best friend ko pa yung gusto niya at gusto din siya ng bestfriend ko. WOW. Swerte ko noh? Ang saya!

Ilang beses na kong nasaktan.

"30 minutes to go. Flight na namin. Nandito na kami sa airport. We are just waiting for the time of our flight." nung sinabi niya yun. Pakiramdam ko nahati sa gitna yung puso ko. Alam ko na namang aalis sila pero ang sakit pa din pala kapag pinapaalala.

He left me. And I thought that it's the end of our story. But no...

"ANO BA?!" I faced him.

Pero natigilan ako nung nakita ko kung sino ang lalaki sa likod ko. Totoo ba 'to?

"Zayn?"

CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now