TWENTY-EIGHT
"When someone else's happiness is your happiness, that is love." -Lana Del Rey
Ken's POV
Naglakad kami ni Patricia papunta sa may church. Nilakad na lang namin kasi malapit lang naman sa school namin dati. Walang misa ngayon, pero nakabukas yung simbahan at may mga tao ring nagdadasal. Umupo kami sa may harapan. Sa saglit na pagkakaupo namin, lumuhod si Patricia at ipinikit niya yung mga mata niya. Nagdadasal siya.
Nung bata ako, gusto kong magkaroon ng powers na makabasa ng isip ng ibang tao. Ngayon na lang ulit bumalik sa'kin yung kagustuhan kong magkaroon nun. Ano kayang dinadasal ni Patricia? Sana kaya kong basahin ang isip niya kahit ngayon lang. Pero alam kong di naman yun pwede dahil pag-uusap nila yun ni God at siguro sa pagitan na lang nilang dalawa yun. Lumuhod rin ako at nagdasal. Pero sa isip ko lang. Yung tipong walang ibang makakarinig kundi yung Diyos.
Lord,
Salamat po at nandito ako ngayon. Salamat po at nakita ko ulit siya. Salamat po at kasama ko siya ngayon. Sana rin po tama itong ginagawa ko. Kinakabahan po ko sa mangyayari mamaya pero sana po Lord.. Sana... nakikiusap na po ako.. Sana mahal niya pa ko. Sana balikan niya ko. Hindi naman po mahirap yung hinihiling ko diba? Hindi rin naman po imposible. Sana po.. kahit sinabi niya na parang may pagtingin na siya kay Zayn.. sana.. magbago lahat yun kapag naalala niya lahat ng sa amin noon... kapag po napuntahan niya yung mga lugar na memorable sa'ming dalawa. Kung hindi man po.. sana.. malaman ko yung dahilan kung sakaling... hindi siya ang para sa'kin... Sana po.. Lord... Sana..
Pagkatapos kong magdasal, tiningnan ko si Patricia. Nakaupo na siya at tapos nang magdasal. Nginitian niya ko.
"Eto? Tanda mo pa 'to? Itong lugar na 'to?"
"Oo naman. My favorite church ever."
"Sabi mo... dito mo gustong ikasal? Hindi ba?" Ngumiti lang siya sa'kin. "Sabi mo pa nga... gusto mong ikasal ka dito paglaki mo. Sabi mo... gusto mong makasal tayo dito. Pero sa ngayon mukhang hindi na ako yung taong pakakasalan mo dito. Wala na ba talagang pag-asa? Last na talaga tong tanong..."
"Ken—"
"Mamaya mo na sagutin yung tanong ko bago tayo umuwi. Mamaya ko na rin sasabihin sa'yo yung rason kung bakit kita dinala sa mga lugar na 'to."
Hindi rin naman kami nagtagal sa simbahan. After a few minutes, umalis na rin kami. Sumunod naming pinuntahan yung McDo. Sumakay kami ng jeep ni Pat papunta sa mall. Hindi na siya nagtanong kung saan pa kami pupunta at kung anong oras kami uuwi.
Pagkasakay namin, hindi ko alam kung nang-aasar ba si tadhana o ano... kasi yung tugtog... yung kanta ng isang singer na Jovit ang pangalan. Ika'y Mahal Pa Rin by Jovit Baldivino. Napapamura na ko sa isip ko.
Nagkatinginan kami si Patricia.
"Ay grabe. Sa dinami-dami ng tugtog eh. Patama lang." bulong ko.
"Yan din yung tugtog sa sinakyan naming jeep ni Zayn eh."
"Jeep? Jeep lang sinakyan niyo kanina?"
"Oo. Ayaw niya magtaxi eh. Di daw siya nasakay ng kotse. Ewan ko ba. Napakamisteryoso nun." Misteryoso? Baka naman weirdo lang talaga.
Natahik lang kami ni Patricia. Nakakailang kasi yung tugtog. Amp. Buti na lang hindi ganun kalayo yung mall kaya hindi pa natatapos yung tugtog eh bumaba na kami. Pagkadating namin dun, nagpunta kami sa McDo. Umorder ako ng burger and fries pati sundae since sabi ni Pat eh hindi pa naman daw siya nagugutom.
Bakit sa McDo? Hmm... dito kasi yung first date namin. Nakakatawa kasi ang childish. Dito kasi siya mahilig kumain. At saka nga isa pa, mga bata pa kami nun kaya ayun... dito siya nagyaya.
Habang kumakain kami, bigla siyang nagsalita. "Ken."
"Hm?"
"May napapansin na ko ah."
"Saan?"
"Sa mga lugar na pinagdadalhan mo sa'kin." Natawa lang ako sa sinabi niya.
"Sabi ko naman sa'yo diba? Sasakay tayo ng time machine."
"Pero kahit naman balikan natin lahat nang pinuntahan natin, hindi pa rin natin maibabalik yung dating tayo." Nagkunwari na lang ako na hindi ko masyadong narinig yung sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain.
"Ikaw talaga. Di ka pa rin nagbabago. Ang kulit mo pa din. Sabi na ngang mamaya mo na sabihin sa'kin yung mga gusto mong sabihin eh." Hindi na siya sumagot nun at tinapos na lang namin ang pagkain.
Fourth and Last Destination, sa park.
"Last na 'to. Pagtapos nito uuwi na tayo." sa lahat ng pinupuntahan namin noon, dito yung pinakamemorable. Dito kasi kami unang nagyakap. Dito ko siya unang nahalikan... sa cheeks. Kahit kailan hindi ko pa siya\ nahalikan sa lips dahil nirerespeto ko siya. I believe that a girl's first kiss is precious. Baka hindi para sa'kin yung 'first kiss' na yun.
"Omg. Why... why... are you doing this... Ken..." sabi ni Patricia pagkadating namin sa park.
"Now, pwede mo nang sabihin lahat ng gusto mong sabihin sa'kin kanina pa."
"Bakit mo ko dinala sa lahat ng 'to? Bakit binabalikan natin yung mga lugar na 'to? Bakit Ken?"
"It's because... nangako ako sa sarili ko na last na 'to... Gusto ko lang magbakasakali na..." Buntong hininga. "...na baka pag napuntahan natin itong mga 'to, pag naalala mo ulit lahat lahat... baka sakaling... marealize mo na... ako pa rin..." umiling-iling si Patricia.
"I'm sorry. I'm really sorry Ken. Pero..." Hindi ko na inantay yung sagot niya. I should've expected this una pa lang. Nilapit ko na lang yung mukha niya sa mukha ko and I kissed her forehead.
"No. No need to say sorry. It's okay. It's okay. Let's be friends. I'm letting you go Patricia. I'm setting you free..." Baka dapat nga matagal ko na 'tong ginawa.
Niyakap ko siya. "Kung saan ka masaya, masaya na rin ako. Hindi pa rin naman siguro ko nawalan kung magiging magkaibigan tayo diba?"
She smiled at me. "Thank you Ken. Thank you." and with that I saw a tear on her cheek.
Hinatid ko siya sa kanila at pagkatapos umuwi na ko. Hindi ako umiyak. Hindi rin ako naglasing, nanuntok ng pader, at nanipa ng mga gamit sa kwarto ko. Inisip ko na lang na balang-araw, malalaman ko rin kung bakit hindi siya ang para sa'kin. Siguro... makikita ko rin kung sino yung talagang para sa'kin. Hindi pa naman huli diba? Siguro mas may mamahalin pa ko ng higit kay Patricia.
Sana kung sino man siya makita ko na siya.

VOCÊ ESTÁ LENDO
CrushMate [COMPLETED]
Ficção AdolescenteThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...