FIFTY-SIX
Maaga akong nagising. Oh no, scrath that. Maaga akong gumising. Sino ba namang hindi ma-e excite? January 4 na ngayon. Tapos na ang Christmas Break at first monthsary na namin ni Zayn! Ang sarap sa pakiramdam na halos three years rin akong naghintay and in the end, mapapasa'kin din pala siya. Yung dating pinapangarap mo, ngayon kasama mo na. Ang sarap lang sa pakiramdam. Sobra. Yung pakiramdam na worth it lahat ng sakit na naramdaman mo noon, dahil masaya ka na sa kanya ngayon.
Nasa kotse na ko nang maalala ko na may naiwan nga pala ako sa kwarto. Mabuti na lang naalala ko. Hindi pwedeng maiwan ko yun. Bumalik ako sa kwarto at nakita ko yung mahalagang bagay sa study table ko. Magustuhan niya kaya 'to? Sana. Sana.
Tinext niya ko na sasalubungin daw niya ko sa gate. Ang sweet ng boyfriend ko! Malayo pa lang, natatanaw ko na si Zayn sa gate ng school. Nakatayo siya doon at nakayuko. Nakasandal yung isa niyang paa sa pader at nakapamulsa habang nakasabit naman sa isa niyang balikat yung bag niya. Nakayuko siya. Kahit anong anggulo at porma, ang gwapo pa din niya.
"Inzayn!" dali dali akong bumaba sa kotse nung makita ko siya. Aba, hindi rin biro ang two weeks na hindi kami nagkita ano. Sobra kong namiss ang lalaking 'to. Nanlaki naman ang mata niya nung makita niya ko.
"Wag ka namang tumakbo! Baka madapa ka eh!"
"Aba, eh bakit mo ko sinisigawan? Hindi mo ko namiss?"
"Ano ka ba, namiss siyempre. Halika nga dito, payakap." hinila niya ko sa braso at niyakap niya ko ng mahigpit. Akala ko nga hindi na ko makakahinga sa sobrang higpit ng yakap niya eh. Nung tinanggal niya na yung pagkakayakap niya sa'kin, inakbayan naman niya ko at sabay na kaming pumasok sa school. "Anong tinawag mo sa'kin kanina?"
Tumawa ako. "Inzayn."
"Aba loko ka ha. Bakit mo ko tinatawag ng ganun hanggang ngayon?" bumulong siya ng mahina. "Red Girl."
"Anong sinabi mo?!" Nagtawanan lang kami nun. Ang sarap balikan nung mga moments ng pagtatalo namin. After all, it wouldn't be Sophia and Zayn kung walang argument.
Pagdating namin sa room, saka ko naisipang ibigay sa kanya yung regalo ko at batiin na din siya at the same time. "Uhm Zayn, happy monthsary." I said as I am wearing the wide smile on my face habang hawak hawak ng dalawang kamay ko yung box at nakaharap sa kanya.
"Monthsary?" he said habang nakakunot yung noo niya. "Ah sh*t!" Nagulat ako sa reaction niya. Nakalimutan ba niya na 1st monthsary namin? "Sorry Pia, sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Ano kasi eh. Masyado akong nawili nung vacation. Sorry. Sorry. Sorry."
Binaba ko yung box na hawak ko sa armchair niya. "Okay lang." Kahit hindi naman talaga...
Sorry ng sorry sa'kin si Zayn. Gusto kong mainis. Gusto kong magalit. Gusto ko siyang sapakin at sipain sa harap ng mga classmates namin. Pero pinilit kong pigilan at pakalmahin yung sarili ko. Ayokong masira ang araw ko sa unang araw ng pasukan ngayong taon. Hindi ko lang talaga matanggap na NAPAKAHALAGA ng araw na 'to para sa'kin kaya hindi ko nagawang makalimutan. Tapos si Zayn?! Argh.
Pinakisamahan ko siya buong araw. Kinakausap ko siya pero one word lang ang sinasagot ko lagi sa kanya. Kung ganyan ang boyfriend mo sa first monthsary niyo eh mawawalan ka talaga ng gana. Hindi rin ako sumama sa kanya nung recess at lunch time.
Nung dismissal, pilit ko pa din siyang iniiwasan pero nilapitan niya ko. "Pia... Pia, sorry talaga."
"Okay nga lang."
"Hindi okay eh. Bakit hindi ka makatingin sa'kin?"
"Zayn... mahalaga kasi sa'kin 'tong araw na 'to. Bakit mo kinalimutan? Kalimutan mo na lahat please. Wag lang 'to. Wag lang yung monthsary natin."
YOU ARE READING
CrushMate [COMPLETED]
Teen FictionThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...