Chapter 45

5K 85 24
                                        

FORTY-FIVE


Patricia's POV

"Hi Babe!" I greeted him with a big smile on my face.

"Hi Tricia." he greeted back. The way he talks, mukhang he's not in the mood to talk to me.

I fixed the webcam and the speaker. Mas nilakasan ko yung volume para mas marinig ko siya. It's almost two years since he went to Australia. It's been two years since he left. Almost two years na kong naghihintay. Gusto ko nang mapagod pero hindi... I love him. So much. And I know he'll come back.

When Zayn left palagi kaming magkachat. Nagvo-voice call, nag-skype. Araw-araw, halos oras-oras magkausap kami. Pero habang lumilipas ang mga linggo at ang mga buwan, naging madalang na. After 1 month and 3 weeks nga, ngayon na lang ulit kami nagkausap.

"So how's everything?" I asked him.

"Everything's fine but not me."

"Zayn is there any problem? Tell me."

"Wala. Nevermind..."

"Zayn..."

"Hey Pat, I gotta go. Next time na lang ulit."

"Zayn wait! Ngayon na nga lang ulit tayo nagkausap tapos ganyan ka pa!"

"I have something to do."

"Zayn!"

"Bye."

"Zayn! Mahal mo pa ba ko?!"

Natigilan siya.

"Patricia..."

"Answer me."

"Y-Yes..."

"I-I can't... I can't feel it anymore Zayn..." nagsimula na kong umiyak. "Babalik ka pa ba? Are you still coming back? Naghihintay na lang ba ko sa wala? O babalikan mo pa ko?"

"My promise is my promise. Babalik ako."

Then he went offline.


Sophia's POV

"Sophia Mae Santos! Bumaba ka na diyan!"

"Teka lang Ate, nagbibihis na!"

"Aba mahiya ka naman! Sinusundo ka na nga ng boyfriend mo pinaghihintay mo pa!"

"Eto na nga!"

Binilisan ko na yung pagbibihis ko dahil naghihintay na yung boyfriend ko sa labas. Nasa may garden pa lang ako tanaw ko nang nakapark yung car nila sa tapat ng house namin.

"Let's go?" he smiled at me as he opened the car's door. I smiled back.

"You look gorgeous today sweetheart."

"Bolero." I laughed sabay hampas ko sa braso niya.

"Don't forget to put your seatbelt on."

Magkatabi kami sa back seat ng car. Hindi pa siya pwedeng magdrive dahil minor pa siya. It's our first day and we are already on the last stage of high-school. 4th year.

I looked at him. Sa window siya nakatingin kaya hindi niya alam na tinitingnan ko siya. I smiled. Hindi ko inakala noon na magiging kami. I never expected it. At masasabi ko naman na masaya ko. Mahal niya ko at sa tingin ko naman ganun din ako sa kanya. Aalagaan niya ko at alam ko na hinding-hindi niya ko sasaktan.

"We're here."

Sabay na kaming pumunta sa classroom namin. Lahat ng mata ng classmates namin sa amin nakapako ang tingin. Hindi rin ata sila makapaniwala na magiging kami.

CrushMate [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang