FORTY-FOUR
"Okay lang yan Pat."
"Babalik din naman sila diba? Yun yung sabi niya sa'yo?"
"Oo nga. Wag ka na malungkot."
"Ano ba girls, I'm fine. Oo malungkot ako. But I promised Zayn that I won't cry."
"Sasama ka ba sa paghatid sa airport?"
"Hindi na siguro. Bukod sa ayokong mapaiyak sa airport, ayoko ring magskip ng class since first day natin ngayon."
"Anong oras daw ba ang flight nila?"
"2 pm."
2 pm? Geez. Huling kita ko na pala kay Zayn kahapon. Bigla na naman tuloy akong nalungkot. Aalis na sila. Aalis na siya. Mawawala na siya sa'kin. Tss. Hindi naman siya sa'kin in the first place. ang complicated talaga ng mga tao. Lagi tayong takot na mawala sa atin ang isang bagay kahit hindi naman talaga sila sa atin.
"Bakit ang tahimik mo diyan Bes? May sakit ka ba?" Umiling lang ako kay Patricia.
"Oo nga. First day of school tapos ganyan ka. Eh last year nga ikaw ang pinaka-excited sa'tin."
"Okay nga lang ako. Wag niyo na ko intindihin. Sa sobrang excitement ko lang kagabi hindi ako nakatulog kaya puyat ako ngayon." I lied.
Last year.
Last year ko nakilala si Zayn. Naalala ko na hindi maganda ang una naming pagme-meet. Sobrang irritated ako sa kanya. Hindi ko ineexpect na sa dinami-dami ng tao, kay Zayn pa ako mahuhulog. I used to hate him SO MUCH. But now, I don't think I can still love anyone in this world more than him.
Kakatapos lang ng lunch break. Ang bagal ng oras para sa'kin. Gusto ko na agad umuwi at matulog. Hindi ko maramdaman ang excitement at saya ngayong 2nd year lalo na't alam kong hindi ko na siya ulit makikita dito sa school na 'to. Sino kaya ang magiging seatmate ko this year? As of now, si Patricia, Yssa, at Toni ang mga seatmates ko dahil wala pa kaming seating arrangement. Si Ken naman nasa likod ko kasama yung mga tropa niya.
Yup. You read it right. KEN. Si Ken, classmate na namin siya. From Class B umakyat siya sa Class A. And he is still my bestfriend. Pero may mga times na naiilang na ko sa kanya, unlike before. Hanggang ngayon kasi sinasabi pa din niya na aantayin niya ko hanggang sa pwede na kong magboyfriend. I said yes. I actually feel guilty right now dahil feeling ko pag-aantayin ko lang siya sa wala.
"Sophia? Sure ka bang okay ka lang?"
"Patricia. Anong nararamdaman mo ngayong aalis na yung taong mahal mo?"
"Huh?" kumunot yung noo niya. "Why are you asking?"
"Wala lang. Hindi ko pa kasi naranasan eh." Liar.
"Uhm. Do you really want to know?" umupo siya sa tabi ko. "Masakit siyempre. Sobra. Para akong bata na binigyan ng lobo at pagkatapos ay kailangan kong bitawan yung lobo na yun at panoorin itong lumipad palayo. Kahit masakit, wala akong ibang choice. Parang binigyan ako ng kaligayahan tapos babawiin din agad." she told me. "Pero okay lang naman eh. Aantayin ko si Zayn. Aantayin ko siya kahit gaano katagal Sophia. Because he promised me and I trust him. I gave him my full trust dahil sinabi niya na babalik siya. Babalikan niya ko."
"Paano kung hindi na siya babalik?"
"Maghihintay pa rin ako." Stupid Patricia. Kung alam lang niya, hindi na talaga babalik si Zayn. Maghihintay lang siya sa wala. "Psh. Bes, babalik yun. He promised me. Saka sabi niya pagbalik daw niya he'll make sure na marunong na daw siya magdrive para next time ipagda-drive na niya ko ng car."

CZYTASZ
CrushMate [COMPLETED]
Dla nastolatkówThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...