Author's Note: The Chapter 67 (Last Chapter) and the Epilogue of CrushMate is PRIVATE. Only the users who follow me, will be able to view/read it. Just click the external link and if you still can't view it, the links are also posted on my account's bio/description. If you still can't view it, just message me and I'll answer as soon as I can. Again, THIS IS NOT THE LAST CHAPTER.
P.S. I AM SERIOUSLY LOSING MY PATIENCE. FOR THE 23714523785TH TIME, THIS IS NOT THE LAST CHAPTER. MAGBASA NAMAN SANA KAYO NG AUTHOR'S NOTE AT WAG NIYO LANG BALEWALAIN. MASAKIT ANG NABABALEWALA EH. Lol, jk.
SIXTY-SIX
"I'm breaking up with you." Pagkasabi niya nun, umalis na siya. Hindi ko siya nagawang habulin dahil sa gulat. I'm breaking up with you? Diba ang tagalong dun "Break na tayo"? Ibig sabihin ba nakikipag-break siya sa'kin? Joke lang yun diba? Anak ng.
Umuwi ako sa bahay ng hindi man lang nakakausap ng matino si Sophia. Tinext ko siya pero hindi naman nagrereply. Tinawagan ko siya pero naka-off yung cellphone niya. Tiningnan ko din kung online siya pero hindi naman. Yun ba? Yun ba yung dahilan kung bakit ang cold cold niya na sa'kin? Bakit? Ayaw na ba niya sa'kin? May nagawa ba kong mali? Ang dami kong tanong pero pano 'to masasagot lahat kung hindi ko naman siya makausap?
Sinubukan kong itanong sa mga kaibigan niya. Ang sabi nila hindi daw nila alam at wala daw nababanggit si Pia sa kanila. Pero kahit anong tanggi nila, alam ko at nararamdaman ko na may hindi tama. Alam kong may tinatago sila sa'kin.
Pumunta ko sa bahay nila. Yaya nila yung nagbukas. Hindi ako pinapasok dahil tatawagin na lang daw niya si Pia sa itaas. Mga 5 minutes din siguro akong naghintay sa may garden nila nung biglang lumabas yung Ate niya.
"Si Sophia po?"
"Zayn, sorry. Ayaw ka kasing kausapin ng kapatid ko eh."
"Pero kailangan ko po siyang makausap. Please naman po oh. May itatanong lang ako sa kanya, may dapat kaming pag-usapan."
Pinaupo niya ko sa may bench nila tapos umupo rin siya sa tabi ko.
"May nangyari ba?" Medyo matagal bago ako sumagot. Mukhang hindi pa alam ng Ate niya yung ginawa ni Sophia.
"Nakipag-break siya sa'kin."
Nanlaki naman yung mata niya. "Ano?! Sinabi niya ba sa'yo yung dahilan?"
"Eh bigla nga siyang umalis pagkasabi niya nun eh. Ewan ko ba kung anong problema. Bigla na lang kasi siyang naging weird at cold sa'kin. Hindi ko naman alam kung may nagawa o nasabi ako sa kanya na ikinasama ng loob niya."
"Zayn... wag kang mag-alala. Sigurado akong wala kang kasalanan dun at may malalim na dahilan."
"Malalim na dahilan? Eh pano ko malalaman yung malalim na dahilan na yun kung ayaw niya namang makipag-usap? Hindi ba niya alam na nasaktan ako dun sa ginawa niya?"
Hinawakan ako ng Ate niya sa balikat. "Zayn, hindi ko alam kung tamang ako yung magsabi nito. Ayaw kasing ipasabi ni Sophia. Pero sigurado ako na sa ngayon, hindi lang ikaw yung nasasaktan. Nasaktan din siya dun sa ginawa niya at alam kong napilitan lang siyang gawin yun." Nagbuntong hininga siya. "Zayn, aalis na kami. Sa States na kami titira at dun na siya magkacollege."
"K-Kailan po kayo aalis?"
"Right after graduation."
Ang galing. Kahit wala na ako sa sarili pagkatapos naming mag-usap ng Ate niya, nagawa ko pa ring makauwi ng buhay at ligtas. Aalis na sila? Bakit hindi na lang niya sinabi ng maayos sa'kin? Hindi naman ako magagalit eh. Ganun ba kababaw ang tingin niya sa'kin para akalain niya na dahil lang dun, iiwan ko siya? Eh siya nga 'tong mang-iiwan eh!

YOU ARE READING
CrushMate [COMPLETED]
Teen FictionThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...