Chapter 64

2.8K 58 3
                                        

SIXTY-FOUR


"Sophia, can we talk to you?" Dugdug. Dugdug. My heart is beating so fast. My parents look so serious. Ano kaya yun? Balak ba nilang paghiwalayin kami? Ayaw na kaya nila kay Zayn para sa'kin? Wag naman sana...

"A-About what Dad?"

"Tungkol sa pagkacollege mo. Sit down iha." Nakahinga ako ng maluwag. Gaya nga ng sabi ni Mommy, umupo ako sa may couch.

"Saan mo ba gustong magcollege, anak?"

"Gusto ko po sa UST, Daddy."

"UST?" Sabay nilang tanong ni Mommy. Tumango ako.

"Opo. Dun po sana."

"Bakit naman dun, Princess?" My dad asked again.

"Daddy, you know naman ever since na dun ko po gusto. Maganda ang campus at ang quality ng education. Saka po..." napatigil ako saglit. "Dun din po mag-aaral si Zayn."

Nagtinginan ang parents ko then they both looked at me. Tumabi sa akin si Mommy and he held my hand.

"Anak you know what, aside from UST, marami pang ibang school na magaganda."

"Like UP and PUP?" Nagtinginan ulit sila.

Nagsalita ulit si Mommy. "Anak, na-move kasi yung business natin sa States."

Nanlaki yung mata ko and I smiled. Halos mapapalakpak pa nga ako sa tuwa. "That's great!"

"And because of that, me and your Dad are going there too." Biglang nawala yung ngiti sa mukha ko. Nakakalungkot naman na mahihiwalay ako sa parents ko.

"I'll miss you Mom and Dad." Niyakap ko sila. Hindi ko na nga nakakasama ang parents ko dahil busy sila sa work tapos mawawalay pa ko sa kanila ngayon. But I understand. Alam kong para rin naman sa'min ni Ate Liane yung ginagawa nila.

Tinanggal ni Mommy yung pagkakayakap ko sa kanila and they looked at me directly to my eyes. "Princess, we're going with you."

"A-Ano po?"

"We'll take you there. After you graduate, dun ka na magkacollege."

"A-Ayoko po. Mom, Dad, no. Dito lang po ako." I'm trying my best to hold my tears back. "S-Si Ate? A-Alam na po ba niya 't-to?"

They both nodded. "Your sister will finish her two more years in college. After that, susunod na rin siya sa'tin dun."

Inalis ko yung pagkakahawak ni Mommy sa kamay ko. "Ako na lang po pala ang hindi nakakaalam nito?! Bakit pinag-usapan niyo 'to ng hindi ako kasama?!" I'm mad. SERIOUSLY.

"Sophia, sorry. Hindi namin nasabi ng Mommy mo agad, dahil alam naming hindi ka papayag."

Tumayo ako. "Hindi po talaga ako papayag! Ayoko! I'll stay here!" Tumakbo na ako paakyat and I locked myself in my room.

Umiyak lang ako ng umiyak until Sunday. My mom and dad tried to talk to me but I refused. Hindi ako nalabas ng kwarto. Dinadalhan lang ako ng maid ng pagkain.

I felt so bad for myself and for my parents. I became rude at nasigawan ko pa sila habang kapakanan lang naman namin ni Ate ang iniisip nila. But my point is that they should've just told me earlier. Or at least they should just discussed it with me bago sila nagdecide.

Parang lumabas tuloy na mas gusto ko pang makasama si Zayn kaysa sa kanila. Hindi naman sa ganun, pero hindi ko kayang mawalay kay Zayn. Hindi ko kaya kapag nagkahiwalay kami. Pakiramdam ko pinapapili ako between my family and between the boy that I have loved ever since. And I f*cking hate this feeling!

CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now