Chapter 3

10.5K 138 22
                                        

THREE


TGIF. 5th day of school. Sa mga nakalipas na araw walang ginawa si Zayn kundi makipag-usap sa'kin at kulitin ako araw-araw. Araw-araw ko rin namang pinagdadasal na sana wag ko na siyang makatabi at wag niya na kong kulitin.

Naglalakad ako ngayon sa school corridor, habang dala-dala ang shoulder bag ko at habang hawak-hawak ko yung mga books ko. Pinaghahandaan ko na naman ang araw na 'to at pinipilit kong habaan ang patience ko sa lalaking yun. Unang kita ko pa lang sa kanya nabwisit na ko. Papunta na ko sa hagdan ng may narinig akong ingay.

"Ano? Lalaban ka pa?"

"H-Hindi n-na. S-Sorry na po."

"Ayan naman pala eh. Sa susunod kasi, wag kang magmayabang. Kapag nalaman kong sasali ka sa glee club, patay ka sa'min."

Pagkasabi nun, umalis na yung babae kasama yung mga kaibigan niya. Nakita ko namang naiiyak si... wait! Kilala ko siya. Kilala ko yung binu-bully! She's my classmate! Ano nga ba name nito? Ahh! Si... si... si... err... ayun! Si Yssabelle!

Lumapit ako sa kanya. Tumingin siya sa'kin at nakita kong umiiyak na nga siya.

"D-Diba i-ikaw s-si?" Sumisinghot singhot pa siya habang nagsasalita. "Si Sophia? Yung..." Lunok laway. "...m-muse n-namin?" Tumango ako sa kanya.

"Sino ba yung mga yun? Bakit ka nila inaaway?"

"S-Si. A-Ate K-kate. 4th y-year siya ngayon. G-Grade school pa lang a-ako, binubully na n-niya ko."

"Bakit naman? Ano bang ginawa mo sa kanya?"

"K-kasi e-ex siya ng K-Kuya ko. N-Nung nakipagbreak sa k-kanya s-si Kuya, s-sobrang n-nagalit siya, kaya sa'kin niya binubuhos ang galit niya."

"Eh bakit mo naman hinahayaang ganunin ka nila? Ba't di ka lumaban o kaya magsumbong ka. Kahit sa Kuya mo?"

"A-Ayoko. N-Natatakot a-ako kay Ate K-Kate."

Sa bagay. Hindi ko din naman siya masisisi. Mukha naman talagang nakakatakot magalit yung Kate na yun. Mukha naman siyang mabait pero sana man lang matuto siyang lumaban. Nerd si Yssa but she is very pretty. She looks kind rin naman.

Umakyat na kami ng room. And sinabi ko kina Toni at Patricia yung tungkol sa nakita ko kanina. Mula nun, naging BFF na rin namin si Yssa. Kaya apat na kaming magkakasama lagi sa school. Me, Toni, Patricia, and Yssa. Oh, I forgot to tell. Yssa, is our class's secretary. Toni, is the treasurer while Patricia is the auditor. I'm the muse and... uhh... Zayn is.... the escort. Ew. After lunch time, Filipino time na namin. At hinanda ko na naman ang sarili ko dahil alam kong magno-nosebleed na naman ako dito.

"Magandang hapon sa inyong lahat."

"Magandang hapon din po Ginoong Poblete."

"Ngayong araw na ito ay sisimulan na nating pag-aralan ang Ibong Adarna. Ito ang ating magiging leksyon sa buong taon. Mayroon na bang nakakaalam sa inyo tungkol sa istorya ng Mahiwagang Ibon ng Adarna?"

"W----a----l---a--- poooooooo....." Duh? Pag ba sinabi naming alam na namin, hindi na ba niya ituturo sa'min? Psh.

"Kung gayo'y, basahin niyo muna ang kwento sa inyong mga aklat sa pahina labing-isa. Lahat ba kayo ay may dalang aklat?" Tumingin ako sa katabi ko. Mukhang walang dalang book ang isang 'to. Hay, bahala siya sa buhay niya pag napagalitan siya ni Sir.

"Sir! Meron pong hindi nagdala ng libro." sumbong ko kay Sir.

"Sino? Sino ba ang tamad na yan na hindi man lamang makapagdala ng sarili niyang aklat?" Tumingin ako kay Sir, tapos tumingin ako kay Zayn.

"Ahh. Uhm, ikaw pala ang walang dalang aklat Ginoong Baustista. Binibining Santos? Maaari bang sabay na lamang kayong magbasa at ibahagi mo na lang ang iyong aklat sa kanya?" WHAT?! Bakit ba ang babait ng mga teachers kay Zayn?! Kanina lang galit na galit si Sir nung sinabi kong walang dalang libro ang isa sa'min. Tapos ngayon? Ugh. No choice.

Lumabas yung teacher namin. May kukunin ata sa office. Nilagay ko sa pagitan ng upuan namin ni Zayn yung book ko. Kaso na page 11 pa lang ako, nilipat na niya agad yung page. Kaya nilipat ko ulit sa page 11. Kaso nilipat niya na ulit sa page 12. Pero hindi ako nagpatalo kaya nilipat ko ulit. Kaso sa sobrang kulit niya at mukhang di rin siya nagpapatalo eh nilipat niya ulit. Hanggang sa sumuko na ko at ako na yung kusang nagsalita.

"Zayn, I'm still reading." Pero hindi niya ko pinansin at pinagpatuloy lang niya ang pagbabasa niya. "Zayn. Sabi ko hindi pa ko tapos magbasa sa kabilang page nilipat mo na agad."

At this point, mas nilakasan ko na yung boses ko. Yung parang tonong galit. Pero di pa din niya ko pinansin. Basta nagbabasa lang siya. Tsk. Nakakaasar! So hindi lang pala siya bulag? Bingi din pala siya ganun? Nakikihiram na nga lang ng book eh!

"Zayn! Sabi ko hindi pa ko tapos magbasa! Ikaw na nga lang ang nakiki-share ng book diyan eh! Nakaasar ha! Para kong may kausap na hangin dito!"

At this moment, sumigaw na ko. Kaya lahat ng mga classmates kong nagbabasa napatingin lahat sa'kin. Pero after 10 seconds, bumalik na sila sa kanya-kanyang pagbabasa. Hindi pa din ako pinapansin ni Zayn. Nakakainis! Sa sobrang asar ko, dun ako humarap sa opposite direction. Kaya nakatalikod ako sa kanya ngayon at nakaharap sa wall. Kaming dalawa lang naman kasi ang nakaupo at nasa pinaka-back seat pa kami. Yung mga pasaway naming classmates, nasa unahan. Dahil sa wala akong magawa, nilabas ko na lang yung isa kong notebook at nagsulat ng random things sa likod, nag-drawing ako ng kung anu-ano at nagsulat din ng kung anu-ano. Hay. Ang boring. Kung kinuha ko sana yung book ko kanina sa kanya edi sana tapos ko na yung basahin ngayon. Ang tagal namang bumalik ni Sir.

Maya-maya naramdaman kong may kumakalabit sa'kin. Sino pa nga ba? Edi yung seatmate ko na araw-araw na lang pinapainit ang ulo ko at walang ibang ginawa kundi kulitin ako araw-araw. Tiningnan ko lang siya. Tapos balik na ko ulit sa pagsusulat. Maya-maya kinakalabit na naman niya ko.

"Uy Sophia, sorry na. Joke lang naman yung kanina eh."

Hindi ko pa din siya pinansin. It's my turn! Gantihan lang. Ako naman ang mandededma. Kaso matapos makadalawang kalbit hindi na niya ko kinalbit ulit. Tss! Kung talagang desidido siyang mag-sorry dapat di siya tumigil! Tiningnan ko si Zayn at nakita kong nagsusulat din siya sa notebook niya. Nako! Gaya-gaya! Maya-maya pinilas na niya yung notebook niya. Sakto naman bumalik na yung teacher namin na mukhang nanggaling pa sa kabilang bayan sa sobrang tagal bago siya nakabalik. Sakto naman time na. Yes! Recess na! Yipee!

Pumunta kami ng canteen. Habang papalabas kami ng classroom nila Yssa, Patricia, and Toni, I can still hear Zayn's voice calling me. But I just ignored him. Taray mode ako today.

"Sophia, Zayn is calling you." Yssa said.

"Hayaan mo nga siya." Nakita ko namang nag-tinginan silang tatlo.

"Asus! Don't tell us nagpapatampo ka para lambingin ka nun?!" Toni said.

"Yuck. No way! Kung magpapalambing din naman ako at kung sa kanya lang naman, wag na lang."

Bumaba na kami sa canteen habang tinutukso-tukso pa nila ko kay Zayn. The eff. Pag-akyat namin nakita kong may naka-fold na paper sa table ng armchair ko. Uhh? What's this? Binuksan ko yung paper.

"I'm sorry na. Binibiro lang naman kita eh. Sorry na ha. Forgive me na please."

Galing kay Zayn.

Whatever.

Hindi ko pa din siya pinansin hanggang sa last subject namin. Bahala siya mag-isa niya. Yay! Friday na ngayon! Makakalaya ako kay Zayn in two days! Hindi ko siya makikita at maririnig in two days! I love weekends! Makakaget rid na rin ako sa inzayn na 'to!


CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now