Chapter 59

3.3K 72 4
                                        

FIFTY-NINE


Sophia's POV

"Ken, bakit parang hindi ko ata kayo nakikita ni Zayn na magkasama?" Hindi siya sumagot sa tanong ko. "Ken may problema ba? Nag-away ba kayo? Magkatropa na kayo diba? Eh bakit kila Aldwin siya ngayon sumasama?" Si Aldwin, isa sa mga classmates namin. "Ken galit ka din ba sa kanya? Ken sagutin mo naman ako oh."

"Sinaktan eh. Malamang magagalit ako."

"Ken, I'm sorry."

"Para saan?"

"Dahil sa'kin, nasira yung maganda na sanang start ng friendship niyo ni Zayn."

"Sophia, hindi mo naman kasalanan. Wala kang kasalanan. Ako yung nagdesisyon."

Hindi na ako sumagot sa kanya. Alam kong wala akong kasalanan pero nagui-guilty ako. Dahil alam kong dahil sa'kin pa din kung bakit hindi na sila nag-uusap.

"Sophia." Hinawakan ni Ken yung kamay ko. "Can I court you again?"

Parang nabingi ako. "A-Ano?"

"I said can I court you again?"

Inalis ko yung kamay niya sa pagkakahawak sa'kin. "K-Ken..."

Huminga siya ng malalim. "It's okay. Naiintindihan ko." He gave me a sad smile.

"Thank you."

"Ang swerte talaga ni Bautista. Pagkatapos ka niyang saktan ng ilang beses, siya pa din ang mahal mo. Ano bang meron yung lalaking yun? Una si Pat, ngayon naman ikaw."

"Ken..."

"Okay, sorry. Naisip ko lang naman eh."

Bago magdismissal, pinaalala na naman sa'kin ni Ma'am yung performance namin para bukas na muntik ko ng makalimutan. Sabi niya ipaalala ko na din daw kay Zayn. Ayoko sanang kausapin siya pero ayoko namang personalin yung gagawin namin kaya kinausap ko siya bago ako umuwi.

"Zayn."

"Sophia?" Parang gulat na gulat siya na kinausap ko siya.

"Pinapasabi ni Ma'am yung performance daw bukas, wag mo daw kalimutan. Yun lang, sige alis na ko."

Hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit. "Teka Sophia—"

"Nothing can change my decision Zayn. I'm sorry. Pagod na kong masaktan. Set me free... Please." Pagkatapos kong sabihin yun, he slowly let my hands go. And I guess, he is also letting me go. I'm also setting him free. Baka nga hindi lang kami yung para sa isa't isa. Maybe Cleo really deserves him.

Dapat alam mo kung kailan ka dapat kumapit at bumitaw. Hindi naman kasi lahat ng minamahal dapat ipinaglalaban. Dahil minsan yung inaakala mong masaya sa'yo, mas masaya pala pag pinalaya mo. At kung mahal mo talaga siya, matutunan mong bitawan yung taong yun, lalo na kung kinakailangan.


***


One thing I like is that tumatiming lagi ang performance ko sa nararamdaman ko. Kagaya ngayon. Thankful ako dahil sa pagkanta ko, nai-e express ko yung nararamdaman ko sa harap ng maraming tao. Kinakabahan ako nang umakyat ako sa stage. Kinakabahan not in the way na kaba dahil sa dami ng students at dahil nandito yung mga taga DepEd. Kaba dahil hindi ako nagpractice. Kaba dahil baka madala ako ng emosyon ko at mapaiyak ako sa stage. Pero, wag naman sana.

Nang makita ko sila Patricia, Ken, Yssa, at Toni na nakaupo sa first row, nawala yung kaba ko. Nginitian nila ko. Nagthumbs up pa nga si Ken. Sinabit ko na yung strap ng gitara ko sa balikat ako at tumayo ako sa may harap ng mic. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinimulan.

CrushMate [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz