TWENTY-FOUR
"Hoy babaita! Gumising ka na!"
"Hmm."
"Anong hmm? Hoy! May bisita ka! Gumising ka na nga diyan! Anong oras na oh!"
Tinakpan ko ng unan yung mukha ko. "Wag kang maingay."
"Hay nako. Bahala ka!"
Pagkatapos nun, bumaba na si Ate. Eeeehhh. Inaantok pa ko eh. Makatulog na nga lang ulit.
***
"Hi Sophia!"
Omg. Nananaginip na naman ako! Kaso, mukhang hindi si Zayn eh. Teka? Si Ken! Boses ni Ken!
"Gising ka na Sophia." nagulat naman ako ng may biglang umupo sa kama at niyugyog ako.
Pagdilat ng mata ko, isang mukha ng gwapong nilalang ang nakita ko. At hindi nga ko nagkakamali, si Ken nga. Anong ginagawa niya dito?
He smiled at me. "Good Morning Bes."
Nagtititili ako habang patakbong pumunta sa banyo sa kwarto ko. Habang naririnig ko si Ken na parang natatawa. Pagkapasok na pagkapasok ko eh ni-lock ko yung pinto. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Magulong buhok. CHECK.
Panis na laway sa pisngi. CHECK.
Muta sa gilid ng mata. CHECK.
Naka-sando plus naka short na maikli. CHECK.
Mabahong hininga. CHECK.
!@#$ Ano pang mukha ang ihaharap ko kay Ken ha?! Ano pa?! Nakakahiya!!!
Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan at inilusot ang ulo ko pero, wala nang Kenneth sa kama ko. Guni-guni ko lang ba yun? O baka nangangarap nga lang talaga ko? Hay, sana nga. Ikaw kaya makita ng lalaki na ganun ang itsura mo di ka mahiya?!
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, bumaba na ko para magbreakfast. Pero nasa hagdanan pa lang ako naririnig ko na sila na nag-uusap.
"So? Are you courting our daughter?"
"Ah... Eh..."
"Don't be shy iho, wala namang masama kung sasabihin mo ang totoo. Ang amin lang, masyado pang bata si Sophia para diyan sa mga ganyang bagay."
"Ken, ayaw lang nila Mom and Dad na masaktan si Sophia kaya pasensiya ka na kung ganyan sila."
"Teka nga. Wag muna kayong magsalita at hayaan niyo muna itong manliligaw ng anak natin na magsalita."
"S-Si S-Sophia po... h-hindi k-ko po siya nililigawan... B-Best friend ko po siya."
Natawa naman ako dun kasi halatang nahihiya si Ken kila Dad.
"Ah. Mabuti naman kung ganun. Kelan mo balak ligawan ang anak namin?" Sabi ni Daddy.
"Love is about timing, iho. May tamang panahon para sa mga ganyang bagay sa ngayon eh mag-aral muna kayo." Sabi naman ni mommy. What the asfdglfks lang diba.
"So, do you like my sister? Wag mo siyang sasaktan ah? Naamin mo na ba sa kanya ang nararamdaman mo?"
Nakita ko namang namula si Ken sa pinagsasabi nila Ate. Natawa ulit ako sa kanila. Grabe ang pamilya ko!

YOU ARE READING
CrushMate [COMPLETED]
Teen FictionThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...