Chapter 13

7.3K 96 2
                                    

THIRTEEN


Nagre-review kami ngayon ni Ken sa may corridor. Exam week na kasi next week. And yung role playing thingy about sa Ibong Adarna sa 2nd grading na lang daw namin gagawin because we are running out of time. Naging close na rin kami ni Ken. He's sweet and very gentleman—hindi kagaya ni Zayn. Nung dumating na yung teacher namin sa English, bumalik na si Ken sa room nila.

"Uy. Kayo na nun?"

"What? Shut up Zayn. Wala akong gusto dun. Wag mong bigyan ng malisya yung friendship namin." Eto na naman siya. Inaasar na naman niya ko kay Ken. Sabi na ngang wala naman akong crush dun eh. Minsan lang talaga ang sarap sipain ni Zayn.

Hindi naman kami nagklase sa English. Actually halos lahat ng subjects pinaggawa lang kami ng reviewer. Busy na rin kasi ang mga teachers ngayon eh. Gawa na ang grades namin. Yung sa exams na lang ang kulang.

"Goodbye Class."

"Goodbye Ma'am."

"Oh wait. Before I forgot, I want you to make your last activity for the 1st grading. You should pass it tomorrow. Your last activity is to make a Family Tree. That's all and please review for your exams next week. And uhm Zayn? Do you want me to give you another activity?"

"No Ma'am. I'll make a family tree."

"Are you sure?"

"Yes. I'm okay Ma'am. Nothing to worry about."

So ganun? Si Zayn pwedeng excempted sa activity pero kami ni hindi man lang tinanong ni Ma'am? Psh. Ewan ko. Ang babait talaga ng teachers namin kay Zayn! Unfair yun diba? Unfair! Pagkasabi nun ni Ma'am, lumabas na siya ng class room. Eff. FAMILY TREE? Mukha ba kaming grade school pupils? Ano kami Grade One?! Nakita ko namang biglang tumahimik si Zayn. Problema nito?

"Uy. Okay ka lang?"

"Wala." Tapos ngumiti siya. Pero alam ko pilit yun.

"Zayn. I know we're not that close and madalas tayo magtalo. But in case you need a friend, I'm here. Mapapagsabihan mo din naman ako ng problema." Hinawakan ko yung shoulder niya and pagkasabi ko nun, lumabas muna ko ng room kaya hindi ko nakita kung ano yung reaction niya. Wth did I tell him?

The next day, pinasa na namin yung Family Tree. Nagpasa din naman si Zayn pero hindi ko nakita yung gawa niya.

"Pia, thanks."

"For what?"

"Nothing. Basta thanks lang."

"Okay." Sino ba namang sira ang magpapasalamat ng walang dahilan? Ibang klase talaga si Zayn.

Sabay kaming nag-lunch ni Ken. Mas madalas na siya ang kasabay ko mag-lunch kaysa kila Patricia, Toni, at Yssa. Ewan ko pero tinutulak nila ko ng tinutulak kay Ken. Adik talaga mga yun. Pati tuloy mga teachers namin akala crush ko si Ken. Madalas din nililibre niya ko kahit ayaw ko kasi nga nakakahiya. Pero pinipilit niya ko eh.

"Sophia, can I ask something?"

"Sure."

"Do you like someone?"

Halos maibuga ko yung juice ko nung tinanong niya yun.

Tumawa ako. "What? Wala akong crush noh. Wala pa sa isip ko yang crush crush na yan. Never pa kong nagka-crush. Oh well... Maliban sa artista." Pagkasabi ko nun, ngumiti naman siya.

"Oh ba't ka nakangiti diyan?"

"Wala. Sige Sophia, una na ko. Kita na lang tayo mamaya. Bye."

"Okay bye."

Pagkasabi niya nun, nag-wave na ko sa kanya ang nag-wave rin siya sa'kin tapos umalis na siya. Masaya ko kapag kasama ko si Ken. Feeling ko safe and secured ako palagi kapag nasa tabi ko siya. May times lang na nahihiya ako sa kanya. But I'm comfortable with him. Siguro nga... crush ko na siya. Pero, crush lang naman eh. Wala namang masama dun diba? Paghanga lang naman eh. Iba ang pananaw ko sa crush at sa love.

Magkaibang-magkaiba yun para sa'kin.


CrushMate [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang