Chapter 12

7.8K 101 8
                                        

TWELVE


Monday. Makikita ko na naman si Zayn. Pero napansin ko lang sa paglipas ng mga linggo nababawasan na yung pagkainis ko sa kanya pero nababawasan lang ha! Hindi ko sinabing hindi na ko naiinis sa kanya. Hanggang ngayon, iniiisip ko pa rin yung guy na tumulong sa'kin nung nawala yung ticket ko. Anong section kaya siya? Sigurado naman ako na first year din siya kasi, obvious naman na puro first year yung kasama nung theatre showing noh.

Nung Filipino time namin, wala kaming discussion kasi pinaggawa lang kami ng activity or journal about dun sa napanood namin nung Saturday. Tapos nun recess na. Yipee! Favorite subject ng lahat. Naglalakad kaming apat nila Yssa, nang may tumawag sa pangalan ko.

"Sophia!" Paglingon ko, nakita ko siya. Si Mystery Guy. Kilala niya ko? Duh! Ano bang klaseng tanong yan Sophia?! Aba malamang! Kakatawag nga lang sa'yo diba? Wait... o kaya... baka naman, narinig lang niya na may tumawag sa pangalan ko kaya niya nalaman. Hmm... baka nga.

"Uhh... yes?"

"Sige Sophia, una na kami ha." Sabi ni Patricia after that, umalis na sila. Iniwan nila ko. Asar talaga 'tong tatlong 'to.

"Hindi mo na ko kilala? I'm the guy—"

"Yes. I know. Utang ko sa'yo kung bakit ako nakapanood sa play." I smiled.

"Hindi naman. Nagkataon lang." Ngumiti siya. Gwapo siya. Yung tipong pag nginitian niya ang isang babae, nakakatunaw ng puso.

"Uhm by the way, how'd you know my name?"

"Dati pa kita kilala noh. Ano ka ba naman. I'm Kenneth Agustin. Ken na lang."

"Eh saan mo naman ako nakilala?" Tanda ko na lang, in-add niya siguro ko sa facebook about a month ago. Tanda ko pa yun kasi bihira lang ako magbukas ng social network accounts ko.

"We're schoolmates. Since grade 4. Sikat ka sa school nung elementary kaya kilala kita. At balita ko ikaw daw muse nang section niyo ngayon ah? Naks. Lalo kang sisikat niyan."

"Grabe. Hindi naman."

Umupo kami ni Ken sa canteen at nilibre niya ko. Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano. And ayun, close na kami agad. Hindi naman nakakapagtaka yun. Friendly naman kasi ako and mabait din si Ken. Besides magaan ang loob ko sa kanya. He's sweet. Sweet as a FRIEND. Ewan ko ba kung bakit 2nd section lang siya samantalang alam ko matalino din naman 'to eh. Matagal-tagal din kaming nagkwentuhan dun hanggang sa napansin ko na time na pala namin for the next subject. First time kong na-late sa isang subject. Nakakahiya. Pinagalitan pa nga ko ng teacher namin eh. At yung katabi ko, inaasar pa ko. Ewan ko ba. Kaya minsan ayaw ko nang pumasok sa room. Gusto ko yung tipong may pasok ba pero walang klase? Haha. Ang sama ko talaga. Pero running for Valedictorian ako eh. Kaya kailangan ko magsipag.

Nung dismissal, tumambay muna ko saglit sa corridor. Wala pa naman si daddy eh. 2nd floor kami kaya tanaw ko yung mga car na napasok sa gate ng school. Yung mga kaibigan ko, umuwi na sila dahil nandun na yung mga sundo nila. Bali konti na lang kami dito sa school kasi mag-6 na din. Pero 'siya' nandito pa din. Sino pa ba? Edi si Zayn.

"Pst. Anong ginagawa mo diyan?"

"Inaantay ko yung daddy ko. Wala pa eh."

"Woah! Miracle! Hindi ka ata masungit ngayon ah. Siguro wala ka nang dalaw ngayon noh? Mabuti naman."

"Shut up."

"Oopss. Bumabalik ka na naman sa pagsusungit mo." Hindi ko na siya sinagot. Para saan pa ba? Non-sense naman ang pinagsasasabi niya.

"Ang bait pala ng kaibigan mo noh?"

"Huh? Sino?"

"Si Patricia Marie."

"Ah. Siyempre. Lahat naman ng friends ko mababait. Pipili ba ko ng hindi? Teka bakit mo naman biglang napasok si Patricia sa usapan?"

"Wala lang. Nagkausap kasi kami kanina. Ang bait niya." Kailangan paulit-ulit? Tatanungin ko sana kung ano yung pinag-usapan nila kaso baka bigyan niya ng malisya kapag nagtanong ako. Gaya nga ng sabi ko, makapal mukha nito. Sasabihin na naman "Uy si Sophia may crush sa'kin." Tss.

"Ahh. Okay. Teka? Ano pa bang ginagawa mo dito? Maggagabi na. Umuwi ka na nga."

"Ayoko pa."

"Diba may car kayo? Wala pa din ba sundo mo?"

"May car kami. Pero dati lang."

"Huh? Bakit dati lang?" Eh diba sabi ni Yssa sa'kin dati kaya daw niya nalaman kung nasaan ang bahay nila Zayn dahil nakita niya yung car nila na papunta sa Ave Maria St.? Tss. Niloloko ata ko nito eh.

"Pero diba—"

"May car kami pero hindi ako nasakay dun. Nalakad lang ako. Yung kapatid ko lang ang nasakay dun." WEIRD. Napaka-weird niya. Sobra. Ewan ko kung niloloko niya ba ko o ano. Maya-maya natanaw ko na yung car ni daddy.

"Zayn. Alis na ko. Andiyan na si daddy."

"Ah sige alis na din ako."

Sabay kaming bumaba ni Zayn at lumakad hanggang parking lot ng school. Nung nasa tapat na kami ng car ni Dad inalok ko siya na sumabay na sa'min. Like. Yeah... lumalabas ang pagiging 'angel' ko. Pero tumanggi siya. Hindi daw talaga siya nasakay ng car. Abnormal ata 'tong lalaking 'to eh. Nung pinilit ko siyang sumakay nagalit siya sa'kin. Err... hindi naman actually galit. Yung parang inis lang.

Nung kinagabihan hindi ako makatulog. Inisip ko yung mga nangyari kanina. Mula dun sa pagiging friends namin ni Ken hanggang dun sa nagalit si Zayn sa'kin. Naalala ko pa nga yung sinabi niya kanina eh.

"Mahal ko ang sarili ko kahit papano. Kaya di ako sasakay diyan. Kaya pwede ba! Wag mo kong pilitin!"

Pagkasabi niya nun umalis na siya. O diba? Sino ba namang hindi mawi-weirduhan dun? Para lang siyang baliw. Hindi naman siya mamamatay pag sumakay siya sa kotse namin ah. Wala namang sumpa yun o ano. My god. Mas maarte pa sa'kin si Zayn eh. Masyadong choosy.

Tiningnan ko yung wall clock sa room ko. 3 am na. Nako. May pasok pa kami bukas. Pero bago ako makatulog, may isang tanong ang nabuo sa isip ko. At paulit-ulit ko siyang naririnig. Ano yung tanong na yun?

May kinalaman ba yung sinabi ni Zayn kanina sa problema niya?

Bigla ko tuloy naalala yung pag-absent niya. Alam ko talaga na may problema siya eh. Ano kaya yun? Bakit ko ba iniisip? Pati ba naman problema ng ibang tao, pinoproblema ko pa? And worse, hindi naman kami close. Hindi ko siya bestfriend o super close friend para initindihin kung ano man yung problema niya.

Ipinikit ko na lang yung mga mata ko at pinilit na makatulog.


Hindi ko na dapat inaalala ang mga bagay na hindi ko naman dapat isipin.


CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now