THIRTY-NINE
"Ugh! Nakakapagod!" Sabi ko sabay bagsak ng katawan ko sa kama.
I missed by bedroom. I missed my bed. I missed our house. We just got home from our trip sa Bohol. Actually, ngayong vacation wala kaming ginawa kundi mamasyal. Sinamantala na namin 'to dahil pag vacation na lang talaga kami nagkakaroon ng bonding time.
Since that day nga pala na nalaman ko yung secret ni Zayn bumalik naman na sa normal ang lahat. Hindi ko na siya iniiwasan. Hindi ko na rin iniwasan si Patricia at Ken. Narealize ko kasi na hindi naman pwedeng lagi ko na lang silang iniiwasan, tinatakbuhan, at pinagtataguan. It's been almost two months at miss ko na si Zayn. Akala ko kapag matagal ko siyang hindi nakita at nakausap mawawala 'tong nararamdaman ko pero akala ko lang pala yun. Lagi ko pa din siyang naiisip. Buti nga si Ken laging tumatawag. Laging nagtetext. At binibisita niya pa ko dito. Close na nga siya sa family ko eh. Buti pa siya mahal ako. Eh si Zayn? Ayun! Busy kay Patricia. Ano nga bang magagawa ko eh yun ang mahal niya eh.
Pft. Ayoko na ngang isipin. Matutulog na lang ako.
***
"Sophia! Bilisan mo na ha! Bababa na ko. Aantayin na lang kita sa car!" Sigaw sa'kin ni Ate.
"Wait lang. Susunod na ko. Namimili na lang ako ng susuotin!"
Nung nakapagbihis na ko pumunta na ko sa car namin. Si Ate nasa loob na. Pinagbuksan naman ako ni Manong Rey. Oh, I haven't mentioned. May maid and driver na nga pala kami. Si Manang Rosa at si Manong Rey. Mapro-promote kasi si Mom and Dad sa work kaya mas magiging busy na sila. Mapapagkatiwalaan naman sina Manang Rosa at si Mang Rey.
Nakarating na kami sa mall. Actually magsa-shop kami ni Ate for our school things. Excited na nga siya kasi college na siya eh. Ako din 2nd year na sa pasukan. After naming makabili iniwan muna namin sa baggage counter yung mga pinamili namin and kumain muna kami sa restaurant. After we ate we decided to part our ways para magkaron kami ng excess time to shop on excess things.
Pumunta ko sa National Bookstore at bumili ako ng isang book dun. After that pumunta naman ako sa isang gadget store dun to buy a new cellphone case. Then pumunta ako sa shoe shop, sa boutique. Ang sarap talaga mag-shopping pero konti lang yung binili ko. Para may extra money pa ko in case of emergency.
Pumunta na ko ng Department Store. Usapan kasi namin ni Ate na after 1 hour dito kami magkikita. Pumunta ko sa may bag section at nagulat ako ng makita kong nandun si...
"Zayn?" Since malayo siya hindi niya ko narinig. Ayoko namang sumigaw dahil baka mamaya eh pagtinginan ako dito. Like hello? Nasa mall ako.
Lumapit ako sa kanya at kinalbit ko siya. "Huy."
"Hey Pia." Nagulat siya nung nakita niya ko. Ang gwapo niya talaga.
"Sinong kasama mo?"
"Ako lang."
"Bibili ka ba ng bagong bag para sa pasukan? Hm... nandun sa kabilang side ang mga school bags ah. Bakit nandito ka sa mga baggage?" Weird. May balak ba siyang maleta ang gamitin sa school?
"Ah. Wala naisipan ko lang tumingin dito. May kasama ka ba?"
"Yep. I'm with my sister but we parted our ways muna."
"Kumain ka na ba? Let's eat."
Since more than 1 hour ago na rin naman nung kumain kami ni Ate at konti lang ang nakain ko, nagutom ulit ako. Plus napagod pa ko kakaikot ikot sa mall kaya pumayag ako. Kumain kami ni Zayn sa isang burger station sa may foodcourt. Masasarap daw kasi ang mga burgers dito at madalas daw dito siya kumain.

YOU ARE READING
CrushMate [COMPLETED]
Teen FictionThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...