THIRTY
Binuksan ni Manong Driver yung pintuan ng kotse at inalalayan niya kong bumaba. Hindi naman kalakihan yung sugat sa tuhod ko pero unti-unti ko nang nararamdaman yung hapdi at hindi rin tumitigil yung paglabas ng dugo.
"Manong, asan ho si Zayn?"
"Ah. Baka ho nasa loob na Ma'am. Sunod na lang po kayo sa'kin."
Naglakad si Manong Driver papasok sa loob ng mansion—este bahay pala nila Zayn. Dinala niya ko sa may isang room dun. Pinaupo niya ako sa isang maliit na sofa at maya-maya may pumasok na babae sa loob ng kwarto. Maid siguro? May hawak-hawak siya na first aid kit. Lumapit siya sa'kin, hinawakan yung legs ko, at nagsimulang gamutin yung sugat ko. Medyo nagulat ako sa ginawa niya pero di na lang ako nagsalita. Inisip ko na maid yun nila Zayn so malamang inutusan niya yun para gamutin yung sugat ko. Nung natapos na, lumabas na yung maid tapos mga 3 minutes pumasok si Zayn dun sa kwarto.
"Pst. Asan tayo?"
"Ayos na ba yang sugat mo?"
"Asan nga tayo? Bahay niyo ba 'to?"
"Sagutin mo muna yung tanong ko."
"Luh. Eh ako nga unang nagtanong eh."
"Oo bahay namin 'to. Oh masaya ka na? Okay na ba yang sugat mo? Okay ka na ba?"
"Eh? Bahay niyo' to? Eh hindi naman eto yung bahay na pinagdalhan dati sa'kin ni Johanna eh."
"Tatlo bahay namin. Bihira lang sila umuwi dito. Kaya kapag gusto ko mapag-isa madalas akong nandito. Yung mga maids lang yung nandito saka yung caretaker ng bahay. Bumibisita dito sila Dad weekly."
Wow! Bigtime pala talaga sila Zayn. Sila na mayaman.
"Yang sugat mo? Okay na ba?"
"Oo. Nakakainis ka naman. Bigla bigla ka na lang nawawala. Di mo man lang pinanood habang ginagamot ako ng maid mo. Tapos wala ka pa sa kotse. Saan ka ba nagpunta? Ang abnormal mo talaga. Pasasakayin mo ko sa kotse niyo tapos ikaw di ka sasakay?"
"Nag-tricycle ako. Diba nga di ako nasakay ng kotse? Saka takot ako sa dugo. Alangan namang panoorin pa kita habang ginagamot ka ng maid namin. Tch."
"Ahh. Bakit ba kasi di ka nasakay ng kotse? Allergic ka ba dun? Saka bakit ka takot sa dugo?"
"Wag ka na magtanong ng magtanong. Oh." hinagisan niya ko ng damit. Shorts and t-shirt. Hindi naman masyadong maikli yung shorts. Mga hanggang tuhod. Tapos yung t-shirt mukhang kasya naman sa'kin. "Suot mo yan. Aantayin kita sa baba. Bilisan mo ha."
"Ano 'to?"
"Damit."
"Alam kong damit 'to. Ang ibig kong sabihin eh kanino 'to?"
"Sa kapatid ko. Tama na tanong bilisan mo na."
"Pero—" magtatanong pa sana ko kaso lumabas na siya ng kwarto at sinarado niya na yung pinto. Sinunod ko na lang yung sinabi niya. Sinuot ko na lang yung damit tapos medyo nag-ikot ikot ako sa kwarto.
Hindi naman kalakihan yung kwarto. Sakto lang. Mas maliit siya ng konti sa kwarto ko. Siguro guest room 'to? Ang gamit lang sa loob ay isang maliit na cabinet, yung kama, may mini table, lamp. Saka curtains. Wala siyang cr sa loob. Pero ang cute dito ha. Komportable. Saka—
"Hoy! Hindi ka pa ba tapos magbihis?!" Narinig ko na yung sigaw niya sa labas ng kwarto.
"Andiyan na ho!"
KAMU SEDANG MEMBACA
CrushMate [COMPLETED]
Fiksi RemajaThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...