SIXTY-ONE
"Dude, okay na pala kayo ni Sophia?"
"Oo Ken. Bakit?"
"Wala dre. Ano pa nga bang magagawa ko kung napatawad ka na niya? Alangan namang agawin ko pa siya sa'yo diba?"
Ngumiti lang ako sa kanya. "Why don't you just love Patricia again?"
"Si Pat?" Napatingin siya sa'kin.
"Oo. Diba naging kayo dati? Why not now? Sometimes love is sweeter the second time around."
"Pft." Hinampas ako ni Ken sa likod. "Corny mo dude!"
Nagtawanan lang kami dun. Okay na rin kami ng mga kaibigan ni Sophia. Yung problema na akala namin ay lalaki pa, mabuti na lang at hindi na nadagdagan at hindi na lumaki. Mabuti na lang at nasolusyonan namin agad ni Sophia.
Si Cleo? Ni hindi man lang ako nabigyan ng chance na humingi ng tawad sa kanya. Ni hindi ko man lang siya nakausap pagkatapos ng incident na yun. Alam kong galit siya sa'kin. Pero sana naman wag kay Sophia. Ang balita ko bumalik na rin siya sa Australia eh. Sana nga makakita siya ng lalaking magmamahal talaga sa kanya dun. After all, ayoko ding masaktan siya dahil may pinagsamahan kami at mabuti siyang tao. She deserves someone better than me.
Sophia's POV
Magkakasama kaming anim sa cafeteria. I'm glad na okay lang ang lahat. Maybe I really should trust him. Dapat pinakinggan ko muna talaga si Zayn.
"Gimik tayo mamaya?" Yaya ni Ken.
"Iinom na naman ba kayo?"
"Konti konti lang naman eh." Sabi ni Zayn.
"Minors pa lang umiinom na kayo." Sabi ni Patricia. Oo nga naman. Gumigimik na agad sila saka duh weekdays ngayon noh! Paano pag nagkahang-over sila?
"Edi sumama na lang kayo." Sabi ulit ni Ken.
"Ayoko nga! Hindi naman kami umiinom eh!" Pagtanggi ko.
"Oo nga. Saka anong gagawin namin dun? Tagasalo niyo? Tagabuhat kapag nalasing kayo?" Sabi ni Pat.
"Edi... magdinner na lang tayo? Treat ko?" Tapos inakbayan ako ni Zayn. Tumingin lang silang apat sa'min. Tapos nagsalita ulit si Zayn. "No. I mean, tayong lahat. Sama kayo. Group dinner."
"Wow! Yaman ha! Galante ni Bautista!" Nagtawanan kami sa sinabi ni Yssa.
"Uhm guys... hindi ako makakasama eh." Sabi ni Pat.
"Okay lang. Sige, next time sama ka na ha. Minsan na nga lang ako manlibre eh."
Since nagsabi na si Pat na hindi siya makakasama, lima na lang kami mamaya. Dumating yung dismissal time, si Ken naman ang nagpaalam na may aasikasuhin pa daw siya kaya hindi rin daw siya makakasama. Hmm... coincidence ba? I smell something fishy.
Anyway, I forgot to tell you that may boyfriend na si Toni. Sabi nga ni Zayn isama niya daw para hindi naman mahalay tingnan kasi siya lang ang lalaki sa'min. Pero sabi ni Toni okay lang daw kahit wag na para hindi naman ma-out of place si Yssa. Motto kasi niyan sa buhay, "Books before boys" kaya ayan wala pa ding nagiging boyfriend. Pero ang daming suitors niyan eh.
Sumakay kami ng taxi papuntang restaurant.
"Teka, ang napag-usapan kanina sa mall ah? Bakit sa restaurant tayo ngayon pupunta?" I asked Zayn.
"Pia, mas gagabihin tayo kung sa mall tayo pupunta. Knowing you gals, mamimili pa kayo. Kaya sa restaurant na lang para walang tempt." Tumawa kami nila Toni.
KAMU SEDANG MEMBACA
CrushMate [COMPLETED]
Fiksi RemajaThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...