FORTY
"Oh? San ka pupunta?"
"Somewhere."
Di ko na masyadong napansin si Ate at nagmadali akong tawagin si Manong Rey at sinabi ko sa kanya na may pupuntahan kami. Habang nasa kotse ako, hindi ako mapakali. Ano ba naman 'to. Padalos-dalos ako. Ano bang pumasok sa isip ko at naisipan kong kausapin si Zayn? Problema nila yun at hindi ako dapat nangingialam. Pero I just can't stand to see my bestfriend crying because of a guy and that guy happens to be the one I love. That guy na ilang beses ko na ding iniyakan.
Hininto ni Manong Rey yung car right in front of Bautista's Residence.
"You can go home now Manong. I'll just text you kapag magpapasundo na ko."
"Sige po Ma'am. Mag-ingat po kayo."
Nang makaalis na yung kotse, nag-doorbell na ko habang iniisip ko pa din kung ano yung sasabihin ko kay Zayn at kung paano ko sila maaayos ni Patricia. Nakailang doorbell na ko wala pa ding nagbubukas ng pinto. What the perk? Imposible namang walang tao dahil bukas ang ilaw at imposibleng walang maiwan na maids dito.
Magdo-doorbell pa sana ko ulit namg makita ko na may isang malaking karatula ang nakalagay sa gate nila. Bakit ngayon ko lang to napansin eh ang laki-laki nito? Pero ang mas ikinataka ko pa, ay yung nakasulat.
"HOUSE FOR SALE"
House for sale? Lilipat sila ng bahay? Okay. Wala akong pakialam kung saang subdivision pa sila lumipat basta gusto kong makausap si Zayn. Magdo-doorbell pa lang ako ulit ng may nagbukas na ng front door nila. Akala ko maid pero nagulat ako nung si Johanna yung nagbukas. Nagulat din naman siya nung nakita niya ko.
"Sophie? What are you doing here? Diba sabi ko bukas pa tayo magkita?" Sabi niya habang palapit siya sa'kin. Pero di pa din niya binubuksan yung gate.
"Where's your brother? I need to talk to him."
"Ha? Uhm... N-Nasa loob."
"Papasukin mo ko." Sabi ko sabay hawak sa gate at akmang bubuksan ko na ito.
"Ha? Eh... tulog si Kuya eh..."
"I don't care. Gigisingin ko siya. Papasukin mo ko."
"Uhm... w-wala si Kuya dito eh."
"Ano ba Johanna? Naglolokohan ba tayo dito? Please naman oh. Hayaan mo na kong makausap ang Kuya mo. Importante talaga yung sasabihin ko eh. Kahit saglit lang."
"Pero kasi... uhm... Palalabasin ko na lang si Kuya."
"Bakit ba ayaw mo kong papasukin?"
"Mhm... nag-ge general cleaning kasi kami eh kaya makalat yung bahay."
"Ah. Lilipat na nga pala kayo. Sayang naman. Ang ganda nitong house niyo tapos ibebenta niyo lang?"
"Paano mo nalamang lilipat na kami?"
"Duh." Sabi ko sabay turo sa kanya nung malaking karatula sa harap ng bahay nila. "Saan ba kayong subdivision or village lilipat?"
"Uhm. Sa Darling Hurst."
"Darling Hurst? Parang di ko pa naririnig yun ah? Saan ba yun?"
Bago pa sumagot si Johanna may nagbukas ng pinto.
"Johanna! Sino bang kausap mo diyan? Papasukin mo yung bisita mo. Malamok diyan!"
"ZAYN!" Bago pa makasagot si Johanna sa Kuya niya ay ako na ang sumagot dito. Binuksan ko din ang gate nila at hinawi si Johanna sa daanan ko. Oo na, mukha na kong tresspasser. Pero nung mga panahong yun, wala na akong pakialam.

KAMU SEDANG MEMBACA
CrushMate [COMPLETED]
Fiksi RemajaThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...